Gotta Have Her (73)

658 18 1
                                    


"J-Josh"

Wala kong ibang masabi kundi yung pangalan nya, magkatinginan kaming dalawa pero parang ang cold ng mga mata nya. Hindi ba sya masaya na makita ako?

Biglang bumukas naman yung pinto at nakita kong hingal na hingal si Stanley, mukhang tumakbo sya hanggang 4th floor.

Lumapit ako sakanya pero malamig padin yung mga tingin nya sakin.

"K-kamusta kana? Ang ta-tagal mong walang paramdam sakin. M-may nangyari ba sayo? Ayos kalang ba? Naaksidente kaba? Hinahanap kita sa ate mo pero hindi sya nagreresponse sa mga messages ko. Joshua I missed y--"

"Excuse me?"

Naputol yung sinasabi ko kay Joshua dahil may nagsalitang babae sa likod ko. Hindi ganun katangkaran pero sobrang puti, brown curly hair, matangos ilong at napakanipis ng labi, kitang kita sakanya na may lahi sya.

"Who are you?" Tanong nya ulit sakin. Diba dapat ako yung nagtatanong dito kung sino sya?

"Ikaw sino ka?" Itatranslate ko sana english yung sinabi ko pero sumagot naman sya. Buti naman nakakaintindi sya ng tagalog dahil wala ako sa mood makipaginglesan sakanya. Kung tingnan nya ko parang pagmamay-ari nya ang Joshie KO.

"I'm Joshua's wife, who are you?"

Joshua's Wife
Joshua's Wife
Joshua's Wife
Joshua's Wife
Joshua's Wife
Joshua's Wife
Joshua's Wife
Joshua's Wife
Joshua's Wife
Joshua's Wife
Joshua's Wife

Bigla akong nawalan ng balanse sa kinatatayuan ko ng marinig ko yung sinabi nya. Wife? Wife meaning asawa diba? Kasal sila? O malanding tawagan lang?

"W-wife what do you mean?" Tanong ko sakanya habang nakacrossed arms na sya.

"Didn't you know what WIFE means? We got married 5 months ago. He's my husband, I'm his wife, get it now?"

Biglang tumulo yung luha ko, hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi nya. Humarap ako kay Joshua pero nakatungo lang sya at ayaw akong tingnan sa mga mata ko. Gusto ko syang sigawan ng "TOTOO BA PINAGSASABI NG BABAENG TO?!" pero masyado akong nanghihina. Yung pagkapositive vibes ko kanina bago pumasok sa classroom nato biglang naglaho. Gusto kong tumakbo palayo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.

"Enough with the drama! Why are you crying?! Joshua, who is she? Do you know her?"

Sobrang tahimik ng classroom. Lahat ng nandito sa loob tumingin kay Joshua kung anong isasagot nya sa tanong nya. Kahit sila Clyde at Heather nagaantay ng isasagot ni Josh. Inangat nya yung ulo nya at mas malinaw pa sa tubig ang sagot nya.

"I don't know her."

Para akong sinaksak ng mahigit isang daang beses sa sakit na naramdaman ko sa sinabi nya. I DON'T KNOW HER? Hindi nya ko kilala?! Ok lang sana kung sinabi nalang nyang she's my ex e, pero I DON'T KNOW HER?! Yun ang napili nyang sabihin sa asawa nya at sa harapan ko pa?! Nanghihina yung mga tuhod ko, ayoko na dito. Please someone help me, hindi ako makagalaw. Ang sakit sakit please, can someone help me get out of here please. Sana pinatay nalang nya ko, that would've been less painful.

Lalapitan sana ako ni Stan pero mas naunang tumakbo sakin si Heather at hinawakan ako sa bewang para lumabas. Nagpuntahan din sakin sila Chloe,Trixy at Tonette para alalayan ako palabas. Tumingin pa si Heather kay Joshua bago kami lumabas at ng may sabihin sya dito.

"Shame on you Joshua."

Sabay alalay nila sakin para lumabas sa classroom. Sumunod din sila Clyde, Jiro at Michael samin at pati narin si Stan. Kitang kita sa mukha ni Stan na galit na galit sya at gustong sugurin si Joshua pero mas pinili parin nyang manatili sa tabi ko ngayong kailangan ko ng kaibigan.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon