Gotta Have Her (75)

733 22 0
                                    


Kimberly's POV

Magang maga yung mata ko pagkagising ko. Halos buong araw akong umiyak, pero parang kulang parin. First day na first day kahapon, hindi ako umattend ng klase. Kahit sila Heather hindi ako iniwan, binantayan lang nila ako habang natutulog ako sa hideout namin sa likod ng campus. Sabi sakin ni Mama hinatid na naman daw ako ni Stan kagabi habang natutulog kaya nandito na ko sa kama ko paggising ko. Dalawang beses ng ginagawa sakin yun ni Stan, nakakahiya na. At palaging sa kakaiiyak kaya ako nakakatulog tuwing ginagawa nya yun. Akala ko ang lakas lakas ko na para paghandaan yung araw na makikita ko sya harap harapan pero nung nandyan na sya, wala naman akong nagawa. "I don't know her." Josh, grabe hindi ko alam na maikukumpara kita sa mga fuckboys na ganyan ang linyahan. Galit na galit ako sayo sobra to the point na naiiyak nalang ako tuwing naaalala ko yung pagaantay ko at nung nakakausap pa kita sa tablet ko. Lahat yun ngayon para sakin alaala nalang, hindi nya daw ako kilala diba? Sige. Kung yan ang pinili nya na kumilos kami na parang hindi magkakilala fine. Kikilos ako na hindi ko sya kailanman nakilala.

Pagdating ko sa school sinalubong agad ako ng barkada.

"Hi girl!" Sabay yakap sakin ng apat na mahal kong mga babae.

"Hey move! I'm her bestfriend! Move y'all asses!" Sigaw ni Heather kila Tonette dahil hindi sya makayakap sakin. Natawa naman ako sakanya kaya ako ng yumakap sakanya at nagtawanan naman sila ng batukan ko sya ng mahina.

"Let's go? Ngayon ang first day natin dahil hindi tayo pumasok kahapon haha le'go!" Maingay talaga tong si Tonette, announcer ng barkada e. Sampu kaming lahat, team ng basketball at team ng volleyball. Tuwing dadaan kami sa mga hallways palagi kaming pinagtitinginan, which is masasanay ka nalang.

"You okay?" Tanong sakin ni Stan.

"Oo naman." Sabay ngiti ko sakanya.

"Wag kang ngumiti kung  napipilitan kalang, you don't have to pretend anymore."

"I'm not pretending Stan."

"Sure?"

"Napapalibutan ako ng mga kaibigan na nagcacare sakin, pano pa ko magiging malungkot nun?" Nginitian ko sya kaya ngumiti nalang din sya sakin at pinisil ang mga pisngi ko.

Pagdating namin sa tapat ng room nagtinginan muna sila sakin bago nila buksan yung pinto. Nagnod ako sakanila kasabay ng paghinga ko ng malalim. Pagpasok namin sa classroom, nakita ko na naman sya at ang asawa nya. Grabe hindi ako sanay na sabihing may asawa na sya. Tumingin silang dalawa sakin pero di tulad kahapon, hindi na malamig yung mga mata nya at parang nagaalala na sya sakin. Umupo kaming lahat sa likod at katabi ko si Stan. Nagaantay nalang ng prof para sa klase. To our surprise yung bakla na namang prof namin ang magiging prof namin ngayon, isa lang pumasok sa isip ko 'Sitting Arrangement'. Hindi sa kinakabahan ako dahil alam ko namang makakatabi ko si Stan pero parang may something na nakakapagpakaba sakin.

"Sa mga former students ko last year, alam na ang patakaran ko tuwing first day." Sabi ni Sir Lance.

"Sitting Arrangement." Sabay sabay na sagot ng klase. Wala sya kahapon kaya para sakanya first day of school ngayon.

"Good. Now, stand up everyone."

Tumayo kami lahat at tinatawag nya isa isa yung magkakatabi. Papakonti ng papakonti kaming mga nakatayo at halos lahat ay nakaupo ng tawagin sya.

"Perial, Joshua." Nagtaas sya ng kamay at pinaupo sya sa bandang gitna. Hindi umuupo yung asawa nya, hindi ko parin alam pangalan nya.

"Sanchez, Kimberly."

Para na naman akong napako sa kinatatayuan ko. Bakit sya ang katabi ko? Kahit sino ok lang wag lang sya.

"Sir, Sanchez is my former seatmate last year." Protesta ni Stan pero tinaasan sya ng kilay ng bakla naming prof.

"Ikaw na nagsabi, katabi mo na sya last year. Last year yun, iba naman ngayon. Plus hindi na balance ang bilang nyo dahil nadagdagan na kayo ngayon. And you Mr. Tahara you're sitting with Ms. Violet Alexandra Shneel. Now, Ms. Sanchez please sit here."

Nginisian ko nalang si Stan and tapped his back para hindi na sya umapela. Kahit sila Heather nakatingin sakin, umupo ako sa tabi ni Josh at inayos ang pagkakaupo ko. Kumakabog yung dibdib ko hindi ko alam kung pano ako kakalma sa sitwasyon nato.

Strangers. Total stranger kayo Kim, remember what he said he doesn't know you. Act like it.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon