Gotta Have Her (77)

727 24 1
                                    


Joshua's POV

"Basura ang mga to, kailangan ng itapon."

Ang sakit. First time kong nakita yung mga drawings nyang yun kaya natuwa ako nung nakita ko, pero nung pinunit nya parang puso ko naman yung hawak nya at tinapon sa basurahan. Alam ko dapat lang sakin yun, kulang pa nga kung tutuusin hahayaan ko lang syang magalit sakin dahil yun talaga ang plano ko. Yung magalit sya, kamuhian nya ko, sabihan ng kung ano ano which is yun yung inaantay ko. Sabihan nya kong gago, tarantado, siraulo, impakto lahat lahat gusto ko yung marinig sakanya. That way mas magiging madali para saming dalawa yung sitwasyon namin. Ayoko syang umiyak pero nangyari parin yun kahapon, kailangan ko syang ikaila para layuan nya ko. Kasal na ko sa ibang babae hindi ko naman gusto. Ganun din ang sinabi sakin ni Daddy para hindi na maghabol sakin si Kim at mapunta nalang sya kay Stan. Pasalamat ko pa nga nandyan si Stanley para sakanya, at ang mga kaibigan nya.

Kahapon, nung nakita ko sya gustong gusto ko syang yakapin, halikan at dalhin sya sa malayong lugar na kami lang ang may alam. Gusto ko syang masolo at bumawi sa lahat ng pagkukulang ko. But then Violet came, hindi ko naman na talagang balak pang bumalik at saktan pa lalo si Kim pero si Violet ang nagpumilit kila Tito at Daddy na dito kami magtapos dahil kasal naman na kami. Gusto kong magexplain kay Kim, sabihin sakanya lahat pero baka lumala lang yung sitwasyon. Gusto ko syang sundan kahapon nung inalalayan sya ng mga kaibigan nya palabas but Violet glared at me. She knew Kim, alam nyang long distance relationship kami noon. Palabas nya lahat na tanungin ako kung sino si Kim at saktan pa sya lalo sa harap ng maraming tao. It killed me when I said that I didn't know her. Yun na ata ang pinaka malaking kasinungalingang nasabi ko sa talambuhay ko. God knows how much I love her, sinubukan kong tumakas noon sa kasal at umuwi ng pinas pero nahuli ako ni Daddy at kinulong sa bahay hanggang sa ikasal ako ng sapilitan kay Violet. I was hopeless na wala na kong magagawa para sa nagiisang taong gusto kong pakasalan. But then ngayon galit na galit sya sakin na hindi nalalaman ang totoo, pinipigilan ko ang sarili ko na kausapin sya o titigan sya sa tuwing katabi ko sya. Miss na miss ko na sya, It kills everytime I saw her laughing with Stan. Ako dapat yun, ako dapat yung nagpapatawa sakanya. Ako dapat pumuprotekta sakanya pero ng dahil sa kahinaan ko kaya masaya sya sa iba.

Dalawang linggo ng nakalipas at ganun parin kami walang kibuan, naguusap lang kami pag tungkol sa thesis but other than that pag sinundo na sya ni Stan, iiwan na nya ko at sasama na sya sa mga kaibigan nya. She's happy I can tell, siguro nga hindi na nya ko kailangan.

"Will stop staring at her?" Nasa cafeteria kami ngayon ni Violet at tanaw na tanaw ko kung pano subuan ni Stan ang prinsesa ko. Ang ingay nila magbabarkada nakakainggit samantalang kami ni Violet kaming kaclose. Lahat kasi natatarayan ni Violet wala syang kasundo.

"I said stop staring at her!" Napalakas yung sigaw ni Violet kaya nagtinginan samin lahat ng estudyante including Kim and her friends.

Pakiramdam ko under na under ako sa sitwasyon ko, kontrolado ako ng babaeng hindi ko naman gusto. Padabog akong umalis sa upuan at lumapit sa table nila Kim.

"Joshua! Get back here!" Sigaw ni Violet pero wala akong pakialam.

"Kim, we need to talk." Nagsitayuan yung mga kaibigang lalaki ni Kim pati narin si Stan.

"No we don't." Malamig na sagot nya.

"I need to tell you something." Humakbang ako ng isa papalapit kay Kim pero naglapitan na sakin sila Stan mga kabarkada nya sa basketball kasama narin si Keith.

"Dude, back off kung ayaw mo ng gulo." Sabi nung isa na medyo katangkaran, if I know his name is Jiro.

"Hindi kayo ang gusto kong makausa--" Natigil yung pagsasalita ko ng tumayo si Kim at tiningnan ako.

"I'm sorry I don't talk to strangers." Nagsimula syang naglakad at sumunod naman lahat sakanya sila Heather yung mga kateam ni Stan. Tiningnan ako ni Stan bago sya sumunod sakanila at bumulong sakin.

"Hindi mo sya kilala diba? Ngayon panindigan mo yan, wag na wag mo syang lalapitan."

Pagkatapos nyang sabihin yun umalis na sya at sumunod kila Kim habang hinihila naman ako ni Violet palabas ng cafeteria.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon