Gotta Have Her (78)

721 16 0
                                    


Kimberly's POV

"Are you okay?" Tanong ni Clyde sakin.

"Bakit naman hindi?" Sabay ngiti ko sakanila at balik sa classroom. Tutal ibang subject kami ngayon, sa tabi ni Stan ako ngayon nakaupo at tumabi naman si Violet kay Joshua. Ano bang pumasok sa utak nya at naisip nyang makikiusap ako sakanya matapos ang lahat? Ayoko syang kausapin, natatakot ako sa mga sasabihin nya. Tama na yung huling sinabi nya na sobrang ikinasama ng loob ko.

Dumating yung prof na may hawak na gitara at humarap sakin.

"Hi class. We will have an activity, and you are all either going to sing  or play an instrument."

I doomed. Hindi ako marunong kumanta, wala rin akong alam sa instruments.

"At dahil magkakatabi na naman kayo at by partners pa wala na tayong problema. By two's ang activity na ito, meaning the other is going to sing and other one is going to play an instrument. Wala akong pakialam kung boses manok o palaka kayo basta kakanta kayo sa klase ko. This activity will be held at the music room, kaya yung hindi marurunong kumanta o magstrum ng gitara, magsimula na kayong magpaturo sa mga nakakaalam. Walang hindi gagawa ng activity na to, if you don't sing or play an instrument, you got zero. Umabsent ka at kung ano pa man ang dahilan mo, you got zero and I will not let you take the prelim exam. Malinaw ba?"

"Yes, sir." Sagot naming lahat at umalis na sya. Ganyan ang prof na yan magaannounce lang tapos sibat agad.

"So, mukhang kailangan mong kumanta hahaha!" Asar sakin ni Stan.

"Ayoko ikaw nalang kumanta tapos..um.."

"Marunong kabang maggitara?"

"Hindi."

"Edi ikaw kakanta! Hahaha wag ka magalala duet tayo." Nginitian nya ko sabay pisil sa pisngi ko.

Napansin ko namang nakatitig si Josh samin habang hawak ni Stan yung pisngi ko. Kinuha ni Stan yung gitara nya at nagsample ng strumming sakin.

Nakaharap sya sakin kaya parang hinaharanahan nya ko. Nakatingin padin si Josh sakin, ang lungkot lungkot ng mga mata nya. Ba't ba nya ko tinitingnan? Ayoko ng makipagtitigan sakanya pero parang may nagsasabi sakin na tiningnan ko sya. Parang nangungusap yung mga mata nya sakin hanggang sa humarang na si Violet sa pagitan namin. Natigil yung pagtitinginan namin ng magannounce si Heather sa harapan.

"Hi guys! Oh tahimik na may iaannounce ako." Pero maingay padin.

"Quiet." Dagdag pa nya pero may kanya kanya paring ingay yung mga classmates namin.

"TATAHIMIK KAYO O HINDI NA KAYO MAKAKAPASOK SA ESKWELAHAN KO?!"

Nanahimik ang lahat at humarap kay Heather sa harapan. Hindi parin sya nagbabago, nagtatawanan kami nila Stan at sila Chloe at Jiro dahil kilala na namin si Heather, nananakot lang naman yan si Aragon para makinig kayo sakanya. Pasaway e.

"So, what I was saying. I will be celebrating my 18th birthday and you are all invited of course. It's a Masquerade party so yeah, y'all need a mask. All of your names are already written in my guest list, so please wear something nice. Oh, and bring your partners ladies." She winked at lalong naging maingay sa room para pagusapan ang magiging partner nila.

"Ikaw partner ko a?" Sabi ni Stan.

"Ang bilis, kakaannounce palang naghanap ka agad ng partner."

"Syempre mamaya maunahan ako sayo. Susunduin kita ha?"

Ngumiti ako sakanya sabay turo nya sakin ng ilang chords para may alam ako kahit konte sa gitara. Baka maggitara nalang ako, ayoko talaga kumanta. Si Joshua kaya, kakanta ba sya o tutugtog sya? Napatingin na naman ako sakanya at nakita kong lumabas sya ng room. Ba't ba iniisip ko kung ano gagawin nya? Wala na dapat akong pakialam sakanya.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon