Gotta Have Her (80)

749 16 1
                                    


Habang nagiinit ng tubig sa kusina nagpupunas din ako ng tuwalya sa buhok ko. Pag ako nagkasakit lagot na naman ako kay Papa. Katakot takot na sermon aabutin ko, pag kasi nagkasipon o ubo lang ako diretso hika aabutin ko.

"Ako na dyan Kim."

Nagulat ako sakanya tinititigan ko na pala yung apoy ng stove.

"Ako na, bumalik kana dun sa sala." Malamig na sabi ko ng hindi sya hinaharap.

"Kim, I'm sor--"

"Diba sabi ko bumalik kana don?!" Bigla akong napasigaw, ayokong marinig boses nya kung puro sorry lang din sasabihin nya. Hindi nakakaawa yung pagsosorry nya, NAKAKAINIS. NAKAKASAR.

Naramdaman kong lumapit pa sya sakin at hinawakan ang kamay ko. Agad naman akong lumayo sakanya, pagharap ko sakanya nakakaawa yung itsura nya. Tinititigan nya ko habang lumalayo ako sakanya.

"Joshua, ano bang gusto mo? Bakit ka nasa tapat ng bahay? Nagpaulan kapa, pano kung may nangyari sayo edi sagot ko pa pampaospital mo tapos susugurin ako ng asawa mo. Nagiisip kaba?"

Tumalikod ako sakanya pero bigla syang nagsalita.

"Arranged marriage kami Kimberly. Sapilitan ang pagpapakasal samin ng Daddy nya at ni Papa. I was forced Kim, hindi ko yun ginusto. Please hear me ou--"

Hindi ko sya pinatapos.

"E yung sinabi mong hindi mo ko kilala?! Wala yung daddy mo don, walang nagdidikta sayo non pero sinabi mo yun sa harapan ko. Hindi mo ko kilala Josh?!"

Naiiyak ako pero pinipigilan ko.

"It was her ide-"

"At sinunod mo naman? Ano under ka nya?! Ang hina mo naman Josh!"

"Alam ko! Pero Kim once na hindi ako sumunod sa mga gusto nya nagsusumbong sya sa Papa nya. Sa pamilya nya umaasa yung kompanya namin. Kontrolado lahat ng galaw ko Kim! Mahal kita! Ginawa kong tumakas nung kasal namin pero anong ginawa nila sakin? Kinulong ako! Lahat ginawa ko! Gusto kong umuwi ng pinas para ikaw ang mapakasalan ko at hindi sya! Kim please maniwala ka sakin, kilala mo ko. Hindi kita kayang saktan." Lalapit pa sana sya pero lumalayo parin ako sakanya.

"May asawa kana Josh, anong gusto mong mangyari?! Ayokong lumabas na kirida sa relasyon nyo. Ayoko ng gulo."

"Pero ikaw ang gusto ko Kim. Ayokong mapunta ka kay Stan. Please kahit sino wag lang si Stan"

"Anong pinagsasabi mo? Ikaw ang may gusto nito diba? Ikaw nagsabi sakanya na gawin nya ang lahat para mahulog ako sakanya hindi ba?"

"A-alam mo?"

Wow. So, magsisinungaling sya ulit sakin kung hindi ko alam?

"Sinabi nya sakin. Hindi kasi sya tulad mo na nagtatago ng kasinungalingan saken."

"Kim, ginawa ko lang yun para may taong nasa tabi mo ngayong wala na ako."

"Hindi Josh e, parang ginawa mo kong bola na basta basta mo lang pinasa sa kapatid mo."

"Kim, I'm sorry I didn't mean t--"

*WHISTLE*

Mainit na yung tubig kaya dinaanan ko sya at pinatay yung stove.

"Pumunta kana sa sala Josh, at please lang tama na ang kakasorry mo. Hindi ko na nararamdaman yung mga sinasabi mo e, pagod na ko umasa ulit."

Pagtapos ng sinabi kong yun yumuko sya at naglakad papunta sa sala. Nasaktan ko ba sya? Sobra ba ko sakanya? Tama naman ako diba, may asawa na sya kahit anong sabihin nya nakatali na sya. Usapang pamilya ang meron sila ni Violet, hindi ako makikigulo sakanila gayong may choice ako para sukuan sya at kalimutan nalang sya.

Nagtimpla ako ng dalawang tasang hot choco at nilagyan yun ng mainit na tubig. Hinalo yun at dinala sa sala ng makita ko si Stan na kakaakyat palang sa may pinto at halatang gulat na gulat ng makita nya si Joshua sa sala.

"A-anong ginagawa nya dito?" Tanong ni Stan sakin habang tiningnan naman nya si Joshua. Agad namang tumayo si Josh at tiningnan din si Stan.

"Sa tingin mo ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong din ni Joshua sakanya.

Pwedeng ako dapat yung nagtatanong dito kung bakit nandito sila ngayon sa pamamahay ko???

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon