Gotta Have Her (81)

735 20 0
                                    


6pm na at nakaupo kaming tatlo sa sala habang nagtitinginan ng masama sila Joshua at Stanley. Kulang nalang may kuryenteng dumadaloy sa mga mata nila para intense.

"Crush nyo ba yung isa't isa at kanina pa kayo nagtititigan?" Biglang nalipat sakin yung mga mata nila at ako naman tinitingnan nila.

"Oh bakit nyo ko tinitingnan ng ganyan?"

"ANONG GINAGAWA NYA DITO?!" Sabay pa silang nagsalita at nagtuturuan pa sila.

"Diba dapat ako yung nagtatanong kung anong ginagawa nyo dito?! Stan diba sabi ko wag kanang pumunta dito dahil may bagyo?"

"Ako bawal tapos sya pwede?!" Tumingin na naman sya ng masama kay Joshua.

"Hindi nya ko pinapunta dito." Sagot ni Josh.

"Oh e bakit ka pumunta dito kung hindi ka pala invited?" Tumataas na yung boses ni Stan.

"Aba, e ikaw? Hindi ka rin naman invited dito a!"

Magkaharap lang sila pero nagsisigawan pa sila.

"NAGTUTURUAN PA KAYO E PAREHAS NAMAN KAYONG HINDI INVITED!" Nagulat sila sakin at parehas silang yumuko. Ang lakas parin ng ulan sa labas at nakita pa naming tumumba yung puno sa tapat.

"Umuwi kana sa asawa mo." Sabi naman ni Stan.

"Umuwi kana sa mama mo." Sagot naman ni Josh.

"KIM PAUWIIN MO NA NGA TO!" Sigaw ni Stan sakin at tumingin naman ako kay Joshua kung ano magiging reaksyon nya.

"KIM! SYA PAUWIIN MO AKO NAUNA DITO E!" Parehas na silang nakatayo at nagtuturuan na naman habang ako napapafacepalm nalang.

"E KUNG PAUWIIN KO KAYONG DALAWA?"

Lord parang nagaawat ako ng dalawang bata dito. Sabay silang umupo at tumigil sa pagbabangayan at tanging yung malakas na buhos nalang ng ulan ang naririnig namin ng bigla namang tumunog yung tyan ko at pinagtinginan nila ako.

"Gutom kana?" Tanong sakin ni Josh.

"Obvious ba?" Sagot ni Stan.

Inirapan lang sya ni Josh at tumayo ito na akmang pupunta ng kusina ng sumunod naman si Stan sakanya.

"Akong magluluto!" -Josh

"Bakit marunong kabang magluto?!" -Stan

"At ikaw marunong?!" -Josh

"Masasarap magluto ang mga Tahara!" -Stan

"Chef ang mga Perial!" -Josh

Kanina pa sila nagsisigawan sa kusina habang ako nanonood nalang ng tv sa sala. Nagtatalo pa sila e iisang type ng dugo ang dumadaloy sa mga katawan nila.

"Bahala kayong magrambol dyan basta sigaraduhin nyong may maluluto kayo at may makakain ako." Bulong ko. Mayamaya may narinig akong nagbaksakan na mga kaserola.

"Oy! Umayos kayong dalawa dyan pag may nasira dyan patay kayo kay Mama!" Sigaw ko at sabay naman silang nagsorry.

--
Matatapos na yung pinapanood ko ng may naamoy akong nasusunog. Tumakbo agad ako sa kusina para malaman kung anong nangyayari sa kusina at nakita ko ang dalawang kumag na pareho pang nakaapron at may hawak na sandok.

"Ano kayo ngayon? Yabangan kayo ng yabangan kanina tapos itlog lang pala lulutuin nyo tapos sunog pa?!"

Sabay silang yumuko sakin at nagsorry.

"Umalis nga kayo dyan ako na magluluto!" Para akong nanay nila na pinapagalitan sila. Sabay silang umalis ng kusina at nanood sa sala at remote naman sa tv ang pinagaagawan nila. Mga 7 years old.

Pagkatapos ng ilang oras natapos yung pagluluto ko at naghain sa lamesa, tinawag ko sila at nagunahan agad sila sa tabi ko kaya nagpaggigitnaan nila ako.

"Wow, nilagang baboy. Marunong ka palang magluto Kim." Bati ni Stan.

"Oo naman, masarap kasi magluto ang mga SANCHEZ." Inemphasize ko pa sakanila dahil kanina pa sila nagtatalo patungkol sa mga lahi nila.

"Kumain ka nito Kim." Sabay lagay ng gulay ni Josh sa plato ko.

"Wag mong ilagay yan hindi kumakain ng pechay si Kim." Sabay tanggal ni Stan ng pechay na nilagay ni Josh sa plato ko.

"Kakain tayo ng matiwasay o sasapakin ko kayong dalawa para manahimik kayo?" Nanahimik sila sa sinabi ko at maayos na kumain kaming tatlo ng gabihan.

Pagkatapos kumain nanood pa kami ng movie titled "Shutter". Horror movie at pareho silang nakatalukbong ng kumot manood samantalang ako nakataas pa mga paa ko habang kumakain ng Tortillos. Nang matapos yung palabas nakaramdam na ko ng antok at tiningnan silang dalawa.

"Osha matutulog na ko magsiuwi na kayo."

"Oh Joshua umuwi kana daw." Dagdag ni Stan.

"At ikaw hindi ka uuwi? Hindi rin ako uuwi kung hindi sya uuwi mamaya kung ano gawin mo kay Kim no."

"Fine. Walang uuwi ngayon tutal malakas pa yung bagyo. Pero bukas wala na kayo dito maliwanag?"

"Opo." Sabay na sagot nila at nagnod nalang ako papasok ng kwarto ko pero nakasunod si Stan sa likod ko.

"Hoy! San ka pupunta?" Sigaw ni Josh.

"Matutulog na kami hindi mo narinig?" Humarap naman ako kay Stan at pinitik sya sa noo.

"Dito kayong dalawa sa sala. Goodnight."

Sabay sarado ko ng pinto at hinayaan na silang magtalo sa sofa kung san sila magtutulog. Hindi ako agad nakatulog pano nagsisigawan na naman sila pero tumahimik din nung 11pm na.

Sa susunod na babagyo magsasarado na ko ng pinto at hindi na dudungaw sa bintana para wala ng makapasok. Lesson learned.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon