Chapter 29

55.8K 1.1K 12
                                    

Catherine Faith's POV

Papasok na kami sa unit nang biglang magsalita si Jiyong.

"Fuck, nabitin ako." mahinang saad niya.

"Tumigil ka nga. Psh." mahinang sagot ko at tuluyang binuksan yung pinto ng pad.

Pumasok na ako at sumunod si Jiyong. Siya kasi yung nagbuhat ng ibang pinamili namin.

Nilapag namin sa mesa ang mga pinamili.

"Harin?" tawag ko.

"Ate!" narinig kong sigaw mula sa taas ni Harin.

Bumaba siya.

"Hello po, Kuya." bati niya kay Jiyong at nginitian lang siya ng Jiyong.

"Ayusin mo yung pinamili. Madami kang chips at chocolates diyan at may school supplies ka din diyan." utos ko.

Naalala ko na nandito pala si Jiyong.

"Jiyong? Ano nga palang binili mo?" tanong ko.

"Uh. Wala. May tinignan lang ako." sagot niya.

"Okay." saad ko.

Napaupo ako sa couch. Naupo din si Jiyong.

"Ate bakit ang dami mong pinamili? May pera ka ba?" tanong niya.

Ay shocks! Bakit niya natanong 'yan?

Napatingin ako kay Jiyong.

"Ah-eh. Nilibre 'yan ni Jiyong ka-kasi... kasi trip niya lang. Oo, tama. Trip niya lang. Diba, Jiyong?" saad ko at minatahan ko siya na umoo nalang siya.

"Ah. Oo. Treat ko 'yan sa inyo ng ate mo. Take it as my housewarming gifts for you." sagot niya.

"Ahh sige po. Thank you po." nakangiting sambit ni Harin at tumingin sakin. Yung tinging nakakaloko.

Nako. Alam ko na yung mga tingin na ganyan.

Nagsususpetya yan. -___-

"Uh. Una na ako." saad ni Jiyong.

"Sige. Salamat nga pala dito." ngumiti lang siya at umalis na.

Naiwan kami dito ni Harin.

"Ate ah!" nakakalokong tawag niya.

"Bakit?"

"Boyfriend mo na yun noh?" natatawang tanong niya.

Boyfriend? Si Jiyong? Never!

"Hindi ah! Atsaka eww, yuck!" sagot ko.

"Ok ok. Pero bakit napaka-defensive mo? Hahaha!"

"Tch." tanging sambit ko.

"Hahaha!" tawa niya.

-____-

Nang tumahimik na siya ay pumunta ako sa kusina.

"Ate, napuno yung mga drawer oh!" turo niya.

Oo nga, ang dami. Puno kung puno.

"Kaya nga.." medyo pagod na ako.

Wala na rin ako sa mood para makipag-usap.

Maya-maya ay biglang nag-pop sa utak ko yung nangyari kagabi at kanina sa parking lot.

Grabe. Hindi ko akalaing magagawa ko yun.

Hindi ko akalaing makakasabay ako sa mga ginawa niya. >.<

Nakakahiya talagaaaa~

"Ate bakit ka namumula? May sakit ka ba?" tanong niya.

Ako namumula?

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon