CHAPTER 14:

9K 307 52
                                    

Sorry guys kung ang tagal bago ko nakapag update. Naging busy kase kaya ayun. Pero sana kahit ganun magustuhan niyo pa rin yung update.

Enjoy reading Guys!

xoxo,

asrah028

CHAPTER 14:

TWAYLEM

Maaga kaaming pumasok ngayon, dahil may kukuyugin kami. Isang nag iinasong babaeng mukhang talampakan ni Donald. Hindi alam ni Mea ang tungkol dito, dahil sinadya naming itago ito sakanya.

''Ayan na pala siya e.'' turo ni Jodee na noo'y ngumunguya ng bubblegum. Natigilan ito sa pag lalakad ng makita niya kami. Inirapan ko ito, tinignan mula ulo hanggang paa. Oo maganda ito, magandang sipain papalabas ng outer space.

''Anong ginagawa ng mga losers dito?''

''Losers? Are fvcking me??'' maarteng sagot ni Ava.

''Nandito kami para pasabugin yang pagmumukha mo.'' sagot ni Donella na noo'y nangagalaiti na sa galit.

''Ohh, I'm scared.'' nagkunwari itong natatakot. Samantalang ako nanahimik lang. Nag cross arms ito at tinignan kami mula ulo hangga paa.

''Oh? Tinitignan mo pa kami ng ganyan? Ahh, okay. Gets ko na, kaya tinitignan mo kami mula ulo hanggang paa kase nag oobserve ka. Kase magaganda kami, kasi pangit ka. OKAY. Sabagay sa itsura mong yan mukha kang carbon copy.'' Jodee added.

''Excuse me? Nag oobserve? Yuck! Kung kayo lang, wag na. Lets go na girl malala----'' inikot nito ang mata nito.

Sumabat si Ava sa linalakaran nina Trixie.

 ''Kung gusto mong tumakbo, sorry wala akong balak patakasin ka.'' liningon ako ni Ava.

''Girls, alam niyo na ang gagawin.'' sapilitan naming ipinasok si Trixie sa pink na kotse ni Donald. ''Ano bang ginagawa niyo? Na... Remy! Tawagin mo yung mga--- ouch!! Buhok ko!!''

''Shut up!'' sabay sampal at subo ni Donald sa ginamit niyang medyas sa bibig niya. ''Subukan mo pang mag salita, ipapanguya ko sayo yung mga ingrown ko!''

''Eww, that's disgusting.'' maarteng sabi naman ni Jodee.

''Excuse me, arn-arn bawal ang pet. Siya lang kailangan namin hindi ikaw.'' sabay tulak dun sa kaibigan niyang nag iinaso din. Pagka pasok namin at pagka sarado ng pintuan ng kotse

''Step in Donald.'' naramdaman kong hinila ni Trixie yung kaka hair spa kong buhok.

''Sabi ko na sayong huwag kang magulo e!'' ipinwesto ko yung mga daliri ko sa may patilya ni Trixie, at doon ko siya sinabunutan.

''Ano? Masaket? Sige lang, pag nagdilim paningin ko ihahagis kita papalabas sa kotseng 'to!'' kaimbyernang bruhang 'to!

L.A SIDE STORY #1: THIS FOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon