Gotta Have Her (85)

699 16 0
                                    

Stanley's POV

I arrived at Heather's party by 10pm. Dumaan pa ko sa bahay nila Kim pero maaga daw syang kinidnapped ni Heather. Inunahan pa ko sa Snow white ko. Marami ng tao pagdating ko at si Kim agad ang hinanap ko pero di ko sya makita kung san.

"Girls, where's Kimberly?" Tanong ko sa table nila Chloe.

"Nasa buffet namimili ng kakainin." Sagot nya

"Pero kanina pa yun, hindi pa sya bumabalik e." Dagdag ni Trixy.

"Ganun ba, sige puntahan ko nalang. Thanks girls, anyway you guys look beautiful."

"Aww, thankyou Stan." Nginitian ko sila at dumeretso na ko sa buffet pero wala naman si Kim dito. May plato dito na punong puno ng pagkain pero iniwan lang.
Tinanong ko pa yung mga waiter pero impossibleng makilala nila yung hinahanap ko dahil nakamask yun panigurado. Inikot ko yung mata ko sa paligid ko at nakita ko naman si Violet na nagiisa sa table, nasaan si Joshua? Lumapit ako sa table nila para tanungin sya kung nasaan yung asawa nya.

"Hi Violet, where's Joshua? Hindi ba sya pumunta?"

"No he's here with me a while ago but he just dissapeared. I don't know where he is." Sagot ni Violetma halatang nagaalala nadin.

Nawawala si Kim, at nawawala din ang magaling kong kapatid. Bigla akong kinutuban, magkasama kaya sila?

"I'm actually looking for Kim too, do you want to help me find them?" Kesa naman nagiisa sya dito, kawawa din naman si Violet palagi syang pinapabayaan ni Joshua. Kung gentleman sya, gentleman din sya dapat sa lahat ng babae, hindi lang dapat sa taong gusto nya.

"Let's go." Nilahad ko yung kamay ko para tulungan syang tumayo at naglakad lakad na kami palibot sa garden hanggang sa napadaan na kami sa madilim na part sa likod.

"You think they're together right now right?" Malungkot na tanong sakin ni Violet.

"I'm not sure, I don't kn--" Naputol yung sasabihin ko ng may narinig kaming sumigaw sa di kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Anong ginagawa mo Josh! May asawa kana! itigil mo na to!"

Kung hindi ako nagkakamali, si Kimberly yun. Boses ni Kim yun. Agad kaming tumakbo ni Violet kung san nanggagaling yung boses nya at nakita namin silang dalawa.

"Do you love me Kim?"

"Ano?"

"If you do, would you run away with me?"

Nagulat kami sa tanong ni Josh sakanya, kahit si Violet napatakip ng bibig sa narinig nya. Gusto ko syang sugurin pero mas gusto kong malaman kung anong gagawin ni Kim. Sasama ba sya? Pag sumama sya sakanya, ibig sabihin nakapili na sya. Si Joshua talaga ang mahal nya at hindi ako.

Nakatingin lang si Kim sa kamay ni Joshua na nakalahad sakanya. Ang kulang nalang ay iabot nya yung kamay nya sakanya. Nakita namin ni Violet na gumalaw yung kamay ni Kim at nagdadalawang isip na hawakan yung kamay ni Josh ng biglang tumakbo si Violet at nagkaluskusan yung mga halaman kaya napatingin sila sa direksyon ko.

"S-stan?" Nabubulol na tanong ni Kim. Tuluyang tumakbo si Violet habang umiiyak kaya napailing si Kim kay Josh at hinabol naman nya si Violet.

"Violet, wait!" Umalis na si Kim at kaming dalawa nalang ni Joshua ang nandito.

"Ganyan kaba kadesperado ha? Hindi mo na inisip na may asawa ka at matagal mo ng pinaubaya si Kim sakin noon pa?!" Hindi sya makatingin sakin.

"Ano ngayon ayaw mo magsalita?!"

"Mahal ko sya! Oo pinaubaya ko sya noon pero hindi ko kaya! Ayoko na syang masakt--"

"Ayaw mo syang masaktan? Alam mo dapat hindi kana bumalik e! Masaya na kami kung hindi kapa bumalik, ngayon gusto mong takasan yung asawa mo at idadamay mo pa sya sa kalokohan mo?! Kanino mas magagalit si Violet sainyong dalawa? Diba kay Kim?! Ngayon sasabihin mo ayaw mo syang masaktan? Layuan mo na sya! Sa ginagawa mo mas lalo mo lang syang sinasaktan! Kung talagang mahal mo pakakawalan mo! Dahil sa ginagawa mo dalawang babae sinasaktan mo!"

Hindi sya makaimik sa mga sinabi ko.

"Gusto ko lang naman malaman kung mahal pa nya ko pero nakita mo naman. Hindi sya sumagot, hindi nya hinawakan yung kamay ko. Dun palang alam ko na, gusto ko lang naman malaman kung may babalikan pa ko, pero ngayong sya na yung nakapagdesisyon titigil na ko." Nagsimula syang maglakad papalapit sakin at tinap yung balikat ko.

"Lalayuan ko na kayo, ingatan mo sya wag mo syang papabayaan."

At nagsimula syang maglakad papalayo sakin.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon