Gotta Have Her (86)

731 17 1
                                    

Kimberly's POV

Sinundan ko si Violet hanggang sa makarating kami ng parking lot. Grabe yung iyak nya, pakiramdam ko ako lahat yung may kasalanan nun.

"Violet, please let me explain." Tumigil sya sa kakatakbo at humarap sakin.

"It's okay Kim, tanggap ko na ikaw talagang mahal nya. I forced him into this, simula palang naman alam ko na talagang ayaw nya sakin. Hindi lang naman sya yung nasasaktan samin e, 9 months within those months I did everything for him. Kahit na alam kong babalewalain nya lang ginagawa ko parin. I have a crush on him since the first time I saw him at school, but I didn't want to force him like this. It was all about family crisis, I was forced too by my mother. They said they needed Perial's company contribution to our company so they come up with this stupid arranged marriage and forced us both. I love him but, I want someone who love me not like this that I feel like I'm begging for him to love me back."

Napaluhod na sya sa kakaiyak nya, lumapit nadin ako sakanya at niyakap sya.

"Violet tapos na ko kay Joshua noon pa. Remember nung activity natin? Nagtititigan kami pero isang bagay lang ang napansin ko, wala na kong nararamdaman sakanya. Sa dami ng iniyak ko ng dahil sakanya nung hindi pa sya bumabalik pagod na pagod na yung puso ko sakanya. I already let him go pagkatapos ng araw na nagkaharap tayo, ilang beses ko na syang iniyakan at tama na yun. I've already learned my lesson, I let him go para sa sarili ko dahil naaawa na ko sa sarili ko na palagi nalang akong nakakatulog sa pamamagitan ng pagiyak ko. I don't deserve to be treated like that Violet, nakakasawa at nakakapagod din. I love Stanley, hindi na si Joshua."

Sa huling sinabi ko may narinig akong tumigil sa likod ko.

"Kim." Bumitiw ako sa pagkakayakap kay Violet at nakita ko si Joshua. Nakangiti sya pero malungkot ang mga mata nya. Narinig nya lahat, narinig nya lahat ng sinabi ko. Tumayo ako at humarap sakanya.

"Joshua, nasasaktan na natin sila, she needs you and Stan needs me. We have to stop this. Nagiging makasarili tayo para sakanila. Mahal ko na si Stan noon pa pero naging malabo yung nararamdaman ko para sakanya nung dumating ka. Joshua nahihirapan na ko, please let me go."

Kitang kita ko sa mga mata nya na babagsak na yung mga luha nya pero pinipigilan nya parin.

"I understand, go pumunta kana kay Stan inaantay kana nya." Ngumiti sya sakin at niyakap ako sa panghuling beses saka bumulong sakin.

"I'm sorry for everything I've done. Sana maging masaya ka sakanya, I'm letting you go." I hugged him back at napangiti ako sa sinabi nya. Pakiramdam ko nakawala ako sa bigat ng nararamdaman ko noon pa.

"Goodbye Josh."

"Goodbye Kim."

Bumitiw ako sa pagkakayakap ko sakanya at tumakbo palayo sa parking lot. Lumingon pa kong muli kila Joshua at Violet at nakita kong tinulungang tumayo ni Joshua si Violet at niyakap ito. Napangiti ako sa nakita ko at bumalik na sa party para hanapin si Stan.

"Where's Stan?!" Hinihingal na tanong ko sa table nila Chloe.

"Whoa. Kanina ikaw yung hinahanap nya ngayon, ikaw yung naghahanap sakanya. Mga tao ngayon naghahanapan! Ano bang meron?"

"Chloe! Where the hell is Stanley?!" Napasigaw na ako sakanya dahil ang dami pa nyang sinasabi.

"B-behind you." Nauutal na sagot nya kaya tumalikod agad ako at nasa harapan ko na nga sya pero malungkot syang nakayuko.

"Kim, kung mahal mo sya ok lang naiintindi--"

Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at hinalikan sya na noom ko pa gustong gawin sakanya.

"Guys, let's dance n-- whoaa." Nagulat din si Heather na kasama rin si Jiro sa nakita nila.

Tinugunan ni Stan ang mga halik ko habang hawak hawak ang mga pisngi ko. I love him, mahal ko sya It's been 10 months na matagal kong tinago sakanya ngayon pinaparamdam ko na sakanya.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon