Gotta Have Her (88)

769 18 0
                                    

Kimberly's POV

2 YEARS LATER

Nasa pila ako paakyat ng stage para tanggapin ang diploma ko habang nakikita ko naman si Stan na malaki ang ngiti at kanina pa winiwave yung diploma nya sakin.

"Now welcome, Kimberly Sanchez who earned her degree in veterinary studies. Come on up sweetie." Announced by the headmistress

Nakangiti akong umakyat ng stage habang tinatanggap ang diploma ko at nakipagshakehand sakanya. Nagthankyou at pinipigilang tumulo ng tuluyan ang mga luha ko. Nakatapos na ko, nagawa ko rin sa wakas.

Pagbaba ko ng stage sinalubong ako ni Stan at binuhat na naging dahilan para maghiyawan ang mga tao samin.

"You did it!" Dagdag pa nya habang nahihiya naman ako sa pagkakabuhat nya sakin.

Nakita ko si Joshua na nakatingin samin, nakangiti sya at pinapalakpakan kami. Agad akong hinalikan ni Stan pagkababa nya sakin at nagtakbuhan na samin ang barkada.

"Graduate na tayo! Omg we have to celebrate!" Sigaw ni Tonette habang winiwave yung mga diploma nila samin.

"Oh party mamaya sa bahay walang mawawala a?" Dagdag pa ni Clyde.

"You did it Kim." Sabi sakin ni Joshua at nagyakap naman kami.

"Ako lang ba? Lahat kaya tayo." Tugon ko pa habang magkayakap kami.

Pagkabitiw namin, hinawakan ulit ako ni Stan sa bewang at hinalikan ako ulit. Nagtawanan nalang sila Chloe at naghalikan din sila nila ng mga partner nila. Bumitiw naman agad ako kay Stan dahil nahihiya ako kay Josh.

"Ah hehe wait Stan si Josh." Bumitiw naman sya at humarap agad ako kay Josh.

"Si Violet?" Bigla syang yumuko sa sinabi ko.

"Um guys wait lang ha?" Nagexcuse ako sa barkada at hinawakan ang kamay ni Josh para kausapin sya sa mas private na lugar. Pumunta kami sa fire exit ng building kung san ginanap yung ceremony.

"Ok kalang ba?"

"Nagdivorce kami, nakahanap na sya iba at bumalik na sa states nung isang araw."

What? E kasama namin sya nung mga nakaraang araw pero masaya naman sya palagi syang nakangiti.

"Josh, I'm sorry." Lumapit ako sakanya at niyakap sya. Hindi ko alam kung pano ko sya dadamayan bilang kaibigan kundi ang yakapin sya. Naramdaman kong tumugon sya sa yakap ko at mas hinigpitan pa nya ito.

"Babalik na ko sa states Kim."

Bigla akong bumitiw sa pagkakayakap sakanya at hindi ko mapigilang tumulo yung luha ko.

"Ba-bakit?"

"Nakapagtapos na tayo ng college, wala ng dahilan para magstay ako dito."

Hindi ko kaya, ayoko syang paalisin. Pero sino ba ko para pagbawalan sya?

"Babalik kapa ba?"

"May babalikan pa ba ako?"

Tuloy tuloy na yung luha ko bakit nasasaktan ako sa pagalis nya.

"W-wag please."

"Bakit?"

"Alam kong magiging makasarili ako kung sasabihin kong magstay ka pero please Josh, don't leave...don't leave me."

"Pero masaya kana sakanya Kim, you chose him over me, at ok lang ako kung yun yung iniisip mo."

"Pero--"

"Bumalik kana sa loob. Ikaw nalang magsabi sakanila ng pagalis ko ha? Wag kanang umiyak, you can still call me if you need me okay?"

"Josh can't you stay?"

"At makita kung gaano kana kasaya sakanya? No. I can't Kim. Ok na sakin na nasa mabuting kamay kana, mabait si Stan and he loves you. Mapapanatag ang loob ko kahit nasa malayo na ko. Take care of yourself."

Nagsimula syang tumalikod sakin at hindi ko narin napigilan yung paghikbi ko, gusto ko syang pigilan gusto ko syang yakapin para di sya makaalis. I want to say I love him, pero hindi na pwede. Kami ni Stan at mahal ko sya pero..mahal ko padin sya kahit itinanggi ko yun noon para kay Violet.

Hawak ko na yung doorknob at papasok na sana sa loob ng may humawak sa kamay ko. The next thing I know, he's kissing me....slowly. Alam ko mali, alam ko may masasaktan ako pero hindi ko napigilan yung sarili ko para tumugon sa mga halik nya. Namiss ko to, namiss ko sya. Namiss ko lahat sakanya.

Naghahalikan na kami at ramdam kong tumutulo ang mga luha nya, ang sakit para sakin na makita syang umiiyak. Pero paano? Paano si Stan?

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon