Gotta Have Her (92)

745 14 0
                                    

"Anak nakaligo kana ba? Mamaya oras na ng flight nyo maggayak kana dyan."

Nasa kwarto ko ngayon si Mama at kanina pa nya ko pinagaayos para sa pagalis namin ni Stan.

"Antok pa ko Ma."

"Panong antok e hindi ka naman natutulog?"

Sa totoo lang kinakabahan ako, ano sasabihin ko sa parents nya? Tsaka pano pag hindi nila ako nagustuhan? Ano magiging first impression nila sakin? Pano pag mangyari ulit yung nangyari nung nakaharap ko Mommy ni Joshua? Natatakot na ko, ayoko na ulit mapagsabihan ng ganun. Tagos sa buto eh.

"Bangon na mayamaya nandyan na si Stan para sunduin ka."

Pinanggigilan ko muna yung unan ko bago bumangon. Niyakap ko din si Popoy to wish me goodluck, remember popoy? My big brown teddy bear na nakakaalam lahat ng secrets ko. Tumayo ako at pumasok na sa cr, nagbabad ako nakatayo lang ako habang pinapadaloy yung tubig mula sa ulo ko hanggang sa paa. Kinakabahan talaga ko, pakiramdam ko trauma na sakin yung Mommy ni Josh.

Pagkatapos ko maligo nagayos at ginayak ko yung mga dadalhin ko. Baka daw magstay kami dun for atleast 1 week or so, kung magugustuhan namin dun.

"Oh ready na kana anak?"

"Opo." Kabababa ko lang dala ang isang maleta. Nandun na lahat gagamitin ko, gusto ko ngang dalhin si Popoy kasi hindi ako nakakatulog pag wala sya sa tabi ko pero no choice, hindi na sya kasya sa maleta ko.

*BEEP BEEP*

"Nandyan na si Stan anak."

Dumungaw ako sa labas at nandun na nga yung sasakyan ni Stan. Black Van, nakita ko pa syang bumaba sabay ayos ng buhok nya. Kamukha na talaga nya ngayon si Joshua, kung tutuusin yung haba nalang ng buhok ang pinagkaiba nila at talagang magkamukha na sila.

"Bye Mama, Papa. Ingat kayo dito ha? Si Kuya ba papunta na para may kasama kayo dito?"

"Oo anak wag kanang magalala sa amin. Magenjoy ka dun ha?"

"Opo Ma." Niyakap ko sila pareho at sya namang dating ni Stan sa pinto.

"Magandang gabi po. Kim let's go?" Nagmano sya kila Mama at Papa sabay kuha nya yung maleta ko.

"Ingat kayong dalawa, Stan ingatan mo ang anak ko." Paalala ni Papa.

"Makakaasa po kayo." Ngumiti sya kila Papa at nauna na akong bumaba sa hagdan. Sumunod nadin sya sakin at sumakay kami sa sasakyan nila.

"Airport na tayo." Sabi ni Stan sa driver nila at nagnod sakanya yung driver habang tuluyan ng pinaandar yung sasakyan.

"Wag kang kabahan." Medyo nagulat ako ng magsalita sya.

"H-hindi naman ako kinakabahan."

"I know you Kim, palagi kang nagddrawing ng circle sa tuhod mo everytime na may exam tayo noon." Nginitian nya ko sabay hawak nya ng kamay ko.

"There's nothing to be scared of. Nandito lang ako sa tabi mo." Ngumiti ako sakanya, lumapit sya at hinalikan ako.

---

Matapos ang mahabang byahe nasa canada na kami. Pagbaba palang ng eroplano, ramdam ko na yung lamig. Wala na talaga kami sa pinas. Hawak hawak padin ni Stan yung kamay ko hanggang sa makuha namin yung maleta namin.

"Napagod kaba?"

"Naupo lang tayo bat ako mapapagod?"

He chuckled. Ang totoo sumakit yung batok ko pero keri naman.

Paglabas namin ng airport inikot muna ni Stan yung mata nya sa paligid at may lumapit saming matandang babae.

"Yaya Joanne!" Bati ni Stan sabay yakap nya dun sa matandang babae.

"Naku ang alaga ko namiss ka ni yaya ng sobra sobra!" Para silang maglolang nagyayakapan. Ang sarap nilang pagmasdan. Mukhang filipina si Yaya Joanne at OFW sya dito sa Canada. Bumitiw si Stan sa pagkakayakap nya, pumunta sya sa likod ko at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Yaya Joanne meet Kimberly. My soon to be wife."

"Naku iha, ang ganda ganda mo. Sya ba yung matagal mo ng ikinukwento sa akin? Aba'y kay gandang bata. Ang pula ng mga pisngi at ang ganda ganda ng labi." Hawak hawak nya yung pisngi ko at niyakap ako. Wala akong masabi napapangiti nalang ako sa mga pagpupuri nya sakin. Baka lumaki ulo ko, humble dapat.

"Osha halika na kayo inaantay kana Stan ng Mommy at Daddy mo." May lumapit pa saming dalawang lalaki na nakasuit at binuhat yung mga maleta namin ni Stan. Lalapit na sana ako sa sasakyang pinagdalahan ng mga maleta namin ng hawakan ni Stan yung kamay ko.

"Haha hindi tayo dyan sasakay."

"S-san?"

Ilang segundo pa may humintong pulang kotse sa harapan namin at may bumabang isang pang lalaking nakasuit at inabot kay Stan yung susi.

Bumaba sya sa ramp at pag pinagbuksan nya ako ng pinto.

"Get in."

"Sayo to?"

"Yep." Kinindatan nya ko sabay ngiti sakin. Lumapit ako sakanya sabay pisil ng pisngi nya. Tumawa sya sa ginawa ko at hinalikan ako sa noo bago ako pumasok sa sasakyan.

Umikot sya at umupo narin sa driver's seat.

"Ready?" Tanong pa nya.

*Inhale,exhale*

"Ready."

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon