Gotta Have Her (98)

1.1K 20 2
                                    

Nakatayo silang lahat habang nakakapit naman ako sa braso ni Papa. Kumakabog yung dibdib ko lalo nung nagsimula na kaming maglakad papunta sa altar. Tumingin ako sa kaliwa at nakita ko yung mga kaklase ko sila Paoline at Raymond at iba pa ko pang mga kaklase nung Highschool. Nakita ko rin yung mga kamag anakan ko, mga tita at tito ko sa father's side. Pagtingin ko naman sa kanan nandun lahat ng kabatch ko sa ACA, at syempre hindi mawawala sila Mama at Kuya na ang lalaki ng ngiti sa akin. Nasa harapan naman ang mga bridesmaid ko na sila Heather, Chloe, Trixy at Tonette. Mga nakasuot sila ng lavender gowns at may mga hawak silang bulaklak. Sumenyas pa sila sakin na ngumiti ako, sinunod ko naman sila kaya pagtingin ko naman sa harap hindi ko mapigilang hindi matuwa sa mga naggagwapuhang silang Clyde, Jiro, Michael at Keith na mga nakasuit at nakangiti sakin. Huminga ako ng malalim ng tumapat naman ang mga mata ko kay Stan. He's smiling and yet parang may mali sa mga ngiti nya.

Pagdating namin sa altar, lumapit samin si Stan at inabot naman ni Papa yung kamay ko sakanya. Nakangiting tinanggap ni Stan yung kamay ko at ngumiti sya sakin.

"You look so beautiful Snow white ko." Bulong nya sakin habang nakangiti na nakapagpagaan ng loob ko. Sabay kaming humarap sa altar at lumapit sa pastor.

"We are gathered on this beautiful afternoon to share with Kimberly and Stanley as they exchange vows of their everlasting love. Who gives this woman to be married to this man?" Tanong ng pastor at tumingin sya kila Mama at Papa.

"Her father and her mother." Sagot nila Mama at Papa sa pastor lumingon pa ko sakanila at pareho silang ngumiti sakin.

"As Kimberly and Stanley take their vows today, we are privileged to witness the joyous love of a new family. A family that will be nourished and nurtured through the devotion of two separate individuals growing together through the common bonds of love. May their marriage bring them the peace, joy, comfort and contentment that is known in the heart of all god's children. And may Stanley and Kimberly both look forward to each new season of their marriage, just as the world looks forward to each new season of the year. For all seasons bring with them their own special moments and memories."

"An essential requirement of a good marriage is a strong bond of real friendship and trust. Kimberly and Stanley, your love for each other will grow deeper with every passing day. But it's important to remember that your love stands on a foundation of genuine, mutual affection and respect for each other. To truly love another person is to be willing to accept both their strong points, and their weak points, with equal measures of understanding and respect."

"The vows you are about to exchange, will serve as a verbal representation of the non verbal emotions that are as real as anything that can be seen, heard or touched. For it is not the word that you will speak today that will bond you together as one, but the strength of the love and commitment found deep within your souls. Let us pray."

Yumuko kaming lahat para magdasal, sa lahat ng narinig ko sa pastor isang tao lang nasa isip ko. Sya dapat yung katabi ko ngayon, pangalan dapat naming dalawa yung binabanggit ng pastor. Masaya dapat ako ngayon pero sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin, dito parin pala kami matatapos. Tanggap ko na na hanggang dito nalang kami, tanggap ko na, na si Stan ang pala ang makakatuluyan ko at hindi sya. Tanggap ko ng lahat para magbago at magsimulang muli hanggang sa umpisa. Tanggap ko na, na wala na sya at ako at si Stan talaga ang magkakatuluyan sa pagtatapos ng kwentong ito. Tanggap ko ng magiging Mrs. Tahara na ang magiging apelyido ko at hindi Mrs. Perial. Tanggap ko na lahat, tanggap ko ng wala na talaga sya sa buhay ko.

Pagkatapos naming magdasal nagsimula ulit magsalita ang pastor.

"At this time, I'll ask you Kimberly and you Stanley to face each other and take each other's hands." Humarap kami ni Stan sa isa't isa at pinatong ang mga kamay ko sa mga kamay nya.

"Kimberly, will you take Stanley to be your husband, your partner in life and your one true love? Will you cherish his friendship and love him today, tomorrow and forever? Will you trust and honor him, laugh with him and cry with him? Will you be faithful through good times and bad, in sickness and in health as long as you both shall live?"

Paalam Joshua. Paalam Mahal ko.

"I w--" Sasagot na sana ako sa pastor ng higpitan ni Stanley yung mga kamay ko at tumingin sa mga mata ko at sa mga tao.

"Mahal kita Kimberly, at hinding hindi ko pagsisisihan lahat ng ginawa ko para sayo para mahalin mo lang ako. Hindi kita kayang nakikitang ngumingiti sa harap ng ibang tao kahit hindi ka naman talaga masaya."

Nagtitinginan na lahat ng mga bisita namin sa mga sinasabi nya. Kahit sila Jiro hindi nila alam mga sinasabi ni Stanley.

"Stan ano bang pinagsa--"

Natigilan ako sa sasabihin ko ng may tumayo sa mga bisita at laking gulat ko ng makita ko sya. Akala ko hindi sya pupunta, akala ko hindi ko sya makikita ngayon, akala ko huling beses na yung sa graduation na masisilayan ko ulit sya.

"Kim, I'm letting you go." Huling mga salitang sinabi ni Stanley na sya namang paglapit ni Joshua samin.

"I hope maging masaya kana sakanya, I wish you all the best Kimberly." Pagkasabi nyang yun lumuwag ang pagkakahawak nya sa mga kamay ko at inabot yun sa mga kamay ni Joshua. Magkahawak na ang mga kamay namin ni Joshua at sya mismo nagdikit sa mga ito.

"Take care of her brother." Huling sinabi nya at binitawan na nya ng tuluyan yung mga kamay namin sa isa't isa.

"Go Kim, run away with him." Ngumiti sya sakin sa panghuling beses kahit namumugto na ang mga mata nya.

Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sakanya agad ko syang niyakap at saka bumulong sakanya.

"Thankyou Stan, thankyou so much." Tinugunan nya yung mga yakap ko atsaka bumitiw.

Tumingin ako kay Joshua at nilahad nya ulit yung mga kamay nya sakin.

"Let's go?" Tanong nya sakin na nakapagpangiti sakin ng sobra at iniabot ang mga kamay ko sakanya.

Gulat na gulat ang mga tao sa nangyayari sa harapan at nagtayuan pa sila ng magsimula kaming tumakbo ni Joshua palabas ng simbahan habang hawak hawak ko ang wedding dress na suot ko.

"Go bitch!!!" Narinig kong sigaw ni Heather at huling lingon ko sakanya bago kami nakalabas ng simbahan.

I did it. I run away with him, sa lahat ng pagkakataon na naging malungkot ako, ito yung pinakanagiisang sitwasyon na naging masaya at naging malaya ako ng kasama sya. It was just me and him running away from them.
Wala na kong ibang maisip na mas magandang ending ng lovestory namin nato. I love him and he loves me, this is just the perfect happy ending I could ever wish for.

THE END.
--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon