Chapter 18

118K 2K 182
                                    

                           

                                                               *****

Magkakahawak kamay sina Monica, Arabella at Jasper na naglalakad sa tabing kalsada. Masasaya ang mga ito at nagkakantahan habang binabaybay ang daan pauwi ng bahay galing eskwelahan. Parehong sukbit ni Monica ang malalaking bag ng sinundong mga bata.

"Ibang children's songs naman. Ikaw naman Tita Monica ang mag-suggest." masayang wika ni Arabella.

"Okay, wait lang mag-iisip ako," tumikhim muna ang binabae, ipinikit ang mga mata at walang pakundangang bumirit. "On the wings of love, up and above the clouds the only way to fly..."

Biglang napanganga ang dalawang bata at napakamot ng ulo.

"Ano ba yan Tita Monica. Hindi ko naman alam yan." reklamo ni Jasper.

"O sige eto na lang," muling pumikit si Monica at hinimas ang kanyang lalamunan. "Dadalhin kita sa aking palasyo, dadalhin hanggang langit ay manibago, ang lahat ng ito'y pinangako mo, dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap mo..."

Hindi ulit nakasabay ang dalawang bata sa halip ay sumimangot ang mga ito.

"Hindi niyo pa rin alam ang kanta?"

"Hindi po. Mukhang hindi naman children's song yan eh." sambit ni Jasper.

"Ano ba naman kayo?! Kanta ng songbird hindi niyo alam?"

"Ah kanta po pala ng ibon yan. Hindi pa kasi tinuturo ng teacher namin yan eh. Iba na lang po uli." sagot ng batang lalaki.

"Hay nahihirapan talaga akong makarelate sa mga taste niyo," hinawakan na lamang ng mahigpit ni Monica ang kamay ng dalawang kasama. " Bilisan na natin baka kung ano na ang nangyayari sa Mimi niyo. Nilalagnat pa naman baka nahihirapan na siya sa pagbabantay kay Chacha."

Binilisan ng tatlo ang paglalakad at nang mga ilang metro na lamang ang layo mula sa bahay ay natanaw nila ang isang magarang kotseng huminto sa harapan ng kanilang gate. Biglang binagalan ni Monica ang paglalakad.

"Wait mga kids! Mukhang may kalaban! Baka mga maniningil na naman yan at kinakailangan nating umiwas." sabay hawi nito sa dalawang bata patungo sa kanyang likuran.

Bumaba sa sasakyan ang isang pamilyar na mukha. Nakabihis ito ng kulay pula at itim na flannel shirt, maong na pantalon at brown na sapatos na balat. Nakasuot din ito ng sunglasses. Binuksan nito ang likurang pinto ng kotse at inilabas ang isang basket ng mga prutas.

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon