Chapter 28 : Silence

71.9K 2.2K 367
                                    


[ R E N N E I ' S  P O V ]



"Ayos ka na ba talaga? Baka dapat nagpahinga ka na lang. Sasamahan naman kita eh." may pag-aalala pa ring turan ng asawa ko habang mahigpit niyang hawak ang kanang kamay ko sa paglalakad namin papunta sa bandang unahan na mga upuan. 



A few days ago, Alexei invited all of us to go to their school's special event and he even asked us to watch him perform along with his bandmates. Of course we can't decline since he did it in a adorable way! Tahimik ang batang iyon at ang makita ko siyang nahihiya habang sinasabi niya iyon sa amin ay talagang pumayag na ako kaagad. Kaya naman hindi ko papalampasin ang araw na ito. Sisiguraduhin ko rin na makukunan ko ng video ang performance nila. 



Well, when I say school, it's not Mhorfell. A long time ago, it has been decided that those three kids won't be coming for Mhorfell for their education. Alex and Spade still fear for their children's safety. They also fear that someday, they will be able to learn every detail from the past. Ayaw daw kasi nila na malaman pa nina Finn ang mga bagay na iyon dahil matagal na itong nakabaon sa lupa at dapat ng kalimutan. Kinakatakutan din nila na baka maapektuhan ang pagkakakilala nila sa mundong ginagalawan nila kapag nalaman na nila ang lahat. 



"Geez, Marc. Just let me be this once. I'm already fine. I still have 'Escape', you know? That's the reason kung bakit ako nakarecover kaagad. Ayoko naman na hindi ko mapanood si Alexei at humilata lang sa kama." may pag-angal na sabi ko sa kanya. Hindi naman na siya sumagot pagkatapos noon. Tanging ang pagbuntong hininga lang niya ang masasabi kong naging responde niya. 



Kalaunan ay nakahanap na kami ng magandang mauupuan. Doon ko lang din napansin na nakasunod na rin ang iba pa sa amin. Kanya kanya naman kaming nagsi-upuan sa mga napili naming upuan. Halos isang linya ang naokupa namin dahil sa dami namin. Sina Finn at Valor nasa tabi ng mga reapers at ng tatay nila. Gayunpaman, hindi kasama ng mga kaibigan namin ang mga pamilya nila ngayon dahil nananatili pa ring delikado ang labas para sa mga taong walang kaalam alam sa totoong nangyayari sa underground society. Hindi rin naman namin pwedeng iiwan ang mga bata dahil araw ito ng kuya nila. Siyempre, hindi namin nakalimutan ang magdala ng ilang sandata at plano kung sakali mang may mangyaring hindi inaasahan. Nang maayos na akong makaupo ay malaya kong inilapat ang likod ko sa may sandalan. Agad din naman akong napasulyap sa relo ko sa may kaliwang pulso ko. 



Mukhang napaaga yata ang dating namin ah. May labing limang minuto pa bago magsimula ang programa at pangatlo pa sa mga magtatanghal ang banda nina Alexei. Napabuntong hininga na nga lang ako dahil sa wakas nakalabas na rin ako at may maituturing akong araw ng kasiyahan at pahinga kasama ulit ang mga kaibigan ko. 



Naging maayos naman ang pagpapaliwanag namin nina Dereen sa kanila sa totoong intensyon namin sa pagtatago ng katotohanan tungkol kay Alex sa kanila ng ilang taon. Naintindihan naman nila ito at siyempre hindi naman naiwasan na may ilang samaan ng loob dahil doon. Nalaman ko rin mula kay Spade na nasa pangangalaga na ni Valor ang Celestial Key of the Pacific at na kay Alexei naman na ang box na naglalaman ng mafia pendant na noon ay pagmamay-ari ni Alexandria. Matapos naman ng event na ito ay ipagdiriwang naman namin ang kaarawan ni Finn. Kaya nga kanina pa excited si Valor kung saan kami mamamasyal para celebration ng birthday ng kuya niya. Si Finn naman masaya rin na makakasama niya kaming lahat. Kahit na nga iniwan na kami nina Keith at Kane. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon