Chapter 62

341K 13.5K 7.3K
                                    


Pakiramdam ko ay gumuho rin ang mundo ko nung nakita ko ang nangyari kay Mitsuo at hindi ko alam kung gaano kasakit para kay Naomi na makita siya. Kahit nanghihina na ang kamay ko ay pinilit kong hawakan ang braso ni Naomi para kumalma siya. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan niya at ang takot sa mukha niya. Nagcollapse siya sa tabi ko habang nakatingin sa direksyon nina Mitsuo at Nathan.

Kung wala si Demi ngayon sa tabi namin ay hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan namin. She keeps on fending off the Shinigamis around us.

Pagtingin ko sa direksyon nina Mitsuo ay agad sumugod si Dr. Miwako kay Kurai. But Izumi and Raizo confronted her. Siguro dala na rin ng dami ng iniisip ko ay ngayon lang nag-sink in sa akin na nandito si Izumi. But...

How about Kid? What happened to him? Don't tell me...

Napailing agad ako. Ayokong isipin ang ganoong bagay. Ayokong mangyari ang iniisip ko.

Mitsuo collapsed on his knees and his expression turned stone cold. Hinawakan niya nang mahigpit sa kaliwang kamay niya si Nathan at hinatak niya ang spear sa katawan niya gamit ang kabilang kamay. Narinig ko ang paghikbi ni Naomi at pinilit niyang tumayo.


'Stay there, Nathalie.' Halos maiyak ulit ako nung narinig ko ang mahinang boses ni Mitsuo sa isip ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya matulungan kaya naman tinawag ko siya.

'Hideo!' I shouted. 'Please help him. Please—'


Napatigil ako dahil habang sinasabi ko 'yun ay nakita kong tumatakbo siya papunta roon at mukhang kahit hindi ko sabihin ay 'yun ang balak niyang gawin. Tumingin ulit ako kina Mitsuo at galit na galit ang expression niya habang hawak ang spear na puro dugo na niya. He wielded it like he has no fatal injury and he managed to inflict a wound on Kurai's arm. Tumulo ang luha ko habang pinapanood siyang lumalaban habang pinoprotektahan ang anak nila mula kay Raizo na pinipilit saktan ang bata.


"Don't touch them!" sigaw ni Naomi at pagtingin ko sa kanya ay nakatayo na siya sa harapan ko at kinuha niya ang bow and arrow mula sa Shinigami na pinatay niya kanina. Raizo was about to swing his sword towards Nathan but all of a sudden, he stopped moving. I immediately knew it was Naomi's ability so I decided to assist her. She released the arrow and I willed it to be repelled faster. Raizo was able to move again but the arrow pierced his right shoulder and his sword fell from his hand.


Bigla namang binuksan ni Kurai ang Black Dimension at mukhang balak na naman niyang sumugod mula sa likuran ni Mitsuo pero napasigaw siya at hindi tuluyang nakapasok doon kasabay ng malakas na putok ng baril. Hinanap ko kung saan nanggaling 'yun at nakita kong nakatayo sa bubong ng dorm si Tora habang masamang nakatingin kina Kurai. Tumalon siya mula roon at humarang sa pagitan nila.


"Kaya pala wala ang ilang Elites nina Subaro at Reiko sa plaza," sabi niya habang nakatutok ang dalawang baril na hawak niya kina Kurai at Raizo. "Subukan n'yong gumalaw at sisiguraduhin kong babaon sa mga bungo niya ang bala ko."

"S-Sir Tora..."

"Don't talk, Mitsuo. Miwako, treat him imm—"

"I...I'm b-beyond treatment—" Mitsuo vomited blood and Dr. Miwako closed her eyes like she knew he's telling the truth. Narinig ko ang paghikbi ni Naomi habang nakatayo siya sa harapan ko. Bigla namang ngumiti si Mitsuo at naalala ko ang sarili ko sa kanya. That's the smile of cruelty. "So you're finally here," sabi niya at dumating si Hideo.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon