CHAPTER 129

3M 81.8K 180K
                                    

RANDALL'S POV

Gusto kong matawa sa reaksyon ni Pein nung sabihin kong nakisakay ako sa trike para lang masundan sya dito..

Parang gulat na gulat sya at salubong pa ang mga kilay nya habang nanlalaki ang mga mata!

Nginitian ko sya at saka ginulo ang buhok nya..

"Ayos lang.." sabi ko pa.

"H-Hindi.." iiling iling pang sabi nya. "S-San ka ba?? Ihahatid na kita.." dagdag nya pa at saka sinulyapan ang motor nya at mas napangiti naman ako.

I miss this..

Bumuntong-hininga ako at saka sumeryoso kunwari..

"Sa Coffee Shop.." sabi ko pa at gulat na naman syang napatingin sakin.

"Coffee Shop??" takang tanong nya.

"Mmm.. sa Coffee Shop.. I deserve a reward.." sabi ko pa na pinunasan kunwari ang putok na labi ko. "Shhkk.." singhap ko pa kunwari. "Hindi ko alam na may malalakas na palang manapak don ngayon.."

"Arasseo.." pagkokorean nya pa. "Tara.." sabi nya at ngumiti naman ako.

Lumapit kami sa motor nya at saka pinunasan ang upuan niyon dahil nalaglagan ng mga natuyong dahon..

"Can I drive??" nakatinging tanong ko pa habang nakatalikod sya at taka na naman syang nilingon ako.

"Eh??"

"Is it okay i-if I drive??"

"I-Ito??" turo nya pa sa motor nya at tumango naman ako. Napailing pa sya at saka muling tumingin sakin. Bumuntong-hininga sya at pabato'ng ibinigay sakin ang susi.

Nakangiting sumakay ako doon at saka inabot ang helmet sa kanya.

"Ikaw ang maghelmet.. b-baka mahuli tayo.." sabi nya pa.

"Mmm.. kumapit ka na lang sakin.." nakangiting sagot ko naman.

"B-Bagalan mo na lang.." sagot nya pa at napatango naman ako sa kanya.

Maya maya lang ay sumakay na sya at umaandar na kami.

Sabay naming sinalubong muli ang hangin sa kalagitnaan ng mahabang daan..

Nakangiti akong inalala ang nakaraan namin..

~FLASHBACK~

"Mahal.. Sumakay ka na.." nakangiting yaya ko kay Pein.

"San ba punta natin??" takang tanong nya na mabilis umangkas sakin.

"I deserve a reward, you know.." nakangising sagot ko habang nakalingon sa kanya at pareho kaming sakay ng bagong motor ko.

"Tss.. Ako 'tong maraming nasapak tapos ikaw ang may reward??" nakangisi ring tanong nya.

"Hahahahaha.. idedate mo ko.."

"Hala sya sige! Kung dyan ka sasaya!" kunwaring napipilitang sabi nya at saka ko in-start ang motor ko at nagdrive..

Maya maya pa ay biniro ko sya.. Binilisan ko ang pagdadrive at napayakap sya sakin!

"A-Ano ba?! Nagmamadali ka ba?!" gulat na tanong nya habang ngingisi ngisi naman akong nagdadrive.

"Gusto ko lang talagang humigpit ang yakap mo.." malakas na sagot ko pa sa kanya habang ngingiti ngiting nagtuloy sa pagdadrive.

~END OF FLASHBACK~

Pero hindi na kami ganon ngayon.. at hindi na namin pwedeng gawin yon..

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon