Chapter 18: Who are you, Alexei?

26.8K 1.1K 116
                                    

Chapter 18: Who are you, Alexei?

Sakura's Point of View

Ang mga matang iyon... parang pamilyar sa akin. May kung anong emosyon ang bumubuo sa loob ko.

Uniwas ako ng tingin at huminga ng malalim. "Kung kriminal nga ako, bakit hindi mo ako ipinakulong?" nakataas na kilay na sambit ko. "Para party party na!" pang aasar na dagdag ko.

Natawa siya na hindi ko nagustuhan para kasing nang iinis lang siya ulit. "Ikaw? Sa kulungan?" at natawa siya ng malakas.

Nakatitig lang ako sa kanya. Okay... Hayahan maging baliw siya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Dinala niya iyon sa kanyang pisngi. "Hindi makatarungan iyon sa akin. Walang excitement akong mararamdaman kapag pinakulong lang kita. Mas gusto ko na makita kang dahan-dahang namamatay. Gusto ko masaksihan ang paghihirap at pagdadalamhati mo. Gusto ko makita na mawala ang lahat sa iyo."

Nangilabot ako sa mga sinabi niya. Para akong nakaharap sa isang demonyo ngayon. Lalo ako nangilabot nang halikan niya ang kamay ko.

"At alam mo bang naeexcite na ako na makita ka kung paano mo patayin ang sarili mo."

Bakit ang taong ito ay puno ng poot sa kanyang dibdib?

Ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni stupid?

"Ano na lang ang gagawin mo kapag nalaman nila na isa kang murderer!"

Hindi pa rin ako kumibo sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya.

Naaawa ako sa lalaking ito dahil nabubuhay siya para maghiganti lang kay stupid. Pero sa kabilang banda naman ay naiinis ako dahil sa pananakot na kanyang ginagawa. Ayaw ko siyang husgahan dahil wala akong alam sa nangyari pero parang hindi lang makatarungan yung ginagawa niya. Marahil nga kung ako si stupid ay ipinakulong ko na lang ang aking sarili para lang malayo sa baliw na ito. Kaya lang... Alam ko na hindi siya makukuntento kapag ganoon. Tsk! Masakit sa ulo!

"Alexei..." mahinang wika ko. "Bitawan mo ang kamay ko baka mahawaan ako ng kabaliwan mo!"

Lalo siya naging seryoso. Nang hindi niya bitawan ay hinila ko ito sa kanya. Hindi naman siya pumalag. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang parte kung saan niya ako hinalikan. Kitang-kita ko kung paano umitim lalo ang kanyang mga mata. Siguro nga, dapat na ako matakot sa kanya ngayon. Pero hindi ko hahayaan iyon dahil hindi ako si stupid at saka wala akong ginagawang kasalanan. Malinis ang konsensiya ko.

"Hindi mo ako matatakot, Alexei. Marahil noon nagsasalita ka pa lang ay nanginginig na ako sa takot at siguro nga kapag sinabi mo iyan sa akin baka  nga pinatay ko na agad ang aking sarili. Honestly, ginawa ko naman ang nais mo, nagpakamatay ako." Tandang-tanda ko na makita ko si stupid sa kalsada para ipasagasa ang kanyang sarili. Ang bobo nga eh, nandadamay pa ng ibang tao. Tinignan ko siya at nangalumbaba ako sa harap niya. "Come to think of it, bakit pa ako binigyan  ng second chance? Ah... Marahil siguro para tapusin na ang kabaliwan mo!"

Namumuhing tinignan niya ako.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy. "I will dare you, Alexei. Kill me now. Dahil kapag hindi mo ginawa iyon baka habang buhay ka maghihintay sa kamatayan ko dahil ibang Sakura na ang kaharap mo ngayon. Wala na ang Sakurang handang magpakamatay para sa iyo—"

"Shut up!" sabay hampas niya sa table namin.

Nagulat ako sa pagsigaw niya, hindi lang ako maging ang mga tao na nasa loob ng cafeteria. Lahat sila ay curious na nakatingin  sa amin ni Alexei ngayon.

"Leave," mariing utos niya.

What?

Sino siya para utusan akong umalis? Ano siya sinusuwerte? Hindi ako aalis!

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon