Chapter 8.

11.8K 445 71
                                    

Chapter 8.

Nalusaw ng parang bula ang pagkabadtrip ko kay Bruce nang makita 'ko ang Ate 'ko at ang pamangkin 'ko. Sila talaga ang aking stress buster.


"Achichi! Baby, miss mo si Tita Marga?" Paglalambing 'ko kay Marianne. Sobrang cute ng pamangkin 'ko! My gosh! 4 years old palang kasi, 'e.


"Kamusta naman, Marga?" Tanong ni Ate habang inaayos ang balikbayan box.


"I'm fine, Ate. I'm trying to win my scholarship back. Ikaw?"


Nagkwento sakin si Ate about sa trabaho niya sa Australia. Pinagluto 'ko siya ng dinner at pagtapos nun ay umakyat na ako sa kwarto 'ko para mag-aral. I received a text from Bruce and Clarence. Una 'kong binasa ang kay Clarence.


From: Fuckboy

Babe, patambay ako d'yan.


Huh? Andito kaya si Ate. Baka isipin pa ni Ate boyfriend 'ko si Clarence.


To: Fuckboy

Wait, papaalam ako


Lumabas ako sa kwarto at nagtungo sa kwarto ni Ate, "A-ate.. Pupunta daw blockmate 'ko dito. He's a guy. Pwede ba?"


Tumaas ang kilay niya at biglang natawa, "Halika nga dito, Marga."


Lumapit ako sakanya at umupo. Ano naman kaya ang sasabihin niya? "Ano yun?"


"You really took it seriously? Na hindi ka magbo-boyfriend until makatapos ka?" She chuckled. Hindi ako nakapagsalita.. I have bruce. Ate, may boyfriend na ako. "Come on, Marga. For me naman you're allowed to have a boyfriend. Manahimik nalang tayo kay Mama."


"Ate.. Blockmate 'ko lang 'yun." Maybe she's thinking na Clarence's my guy at dinedeny 'ko lang.


"Okay, Marga. Papuntahin mo na."


Nagpasalamat ako kay Ate at agad tinext si Clarence na pwede. Nagreply siya na on the way na siya at binasa 'ko naman ang text ni Bruce.


From: Love <3

I'm so sorry :((( I love you so much. Sorry talaga :(


To: Love <3

Okay na. Sorry din :) See you tomorrow.


Hindi na ako muling nagreply kay Bruce dahil dumating na si Clarence. Naka white tshirt at 3/4 na shorts siya at top sider. Wow. He's so simple compared to his fashion when he's at the university.


"Hey." He smiled habang pinagbubuksan 'ko siya ng gate.


Ngumiti din ako, "Hi." Pumasok kami sa loob at umupo sa sofa.


"Bawal ba tayo sa kwarto mo?" Mahinang sabi niya.


I pouted, "Nakakahiya kay Ate. Dito nalang."


Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon