Chapter 1

110K 1.1K 22
                                    

Dedicated to Rhovine!  Super nice your book cover!  how i wish mapanindigan ko ang title na yan! hahaha still, no pressure! wahahaha Basta thanks ng super dami!!! 

********

CHAPTER 1



KATIE’s POV

            Isang nakakatamad na namang araw para sa akin.  Bakit kasi kailangan ko pang pumasok e ang yaman ko naman?!  Nakakainis lang din ang parientes ko kasi pinupuwersa nila akong mag-excel nang husto sa kursong kinukuha ko para raw maging lehitimong tagapagmana ako ng kompanya namin.  For hell I care!  Kung hindi man ako maging tagapagmana, ang dami na rin namang iniwan sa akin ni lolo!  Nakakainis talaga! 

            “Alam mo, Katie, wala kang choice, only child ka.  Natural na sa’yo ipamana ang company ninyo diba?  Alangan namang ipamigay 'yun?!”  Si Liz.  Siya ang nag-iisang kaibigan ko sa campus since siya lang din ang kasing yaman ko.  Yeah, you heard me right, hindi ako nakikipag-friends sa hindi ko ka-level.    

            “I don’t have interest sa klase ng business namin.  Hindi ko field 'yun!  Besides, hindi bagay sa akin 'yun.  I want something like a boutique.  Fashion world!  Glamorous!”  Okay fine, nasa food ang line ng business ng parents ko at kung anu-ano pa.  At which I don’t have any interest at all.  Hindi bagay ang ganda ko sa ganoong negosyo.

          “Ang arte mo naman!  Nasa food industry ang business ninyo diba? Iyon ang nagpayaman sa inyo.” 

          “I don’t like it!”  Sinimangutan ko siya. 

            “May airlines din ang parents mo, right?  Siguro naman 'yun puwede na sa’yo?”

          “Like I said, I don’t like it.  Ayoko nang masyadong maraming responsibility.”

          “Like I said too, as if you have a choice.”  She smirked. 

            “Kahit hindi ako magtrabaho, hindi ako magugutom at maghihirap!”  I smirked back at her.  “So, if you don’t mind, stop lecturing me okay?” 

          “It’s not like I am contradicting you or anything pero you still need to work.  Mauubos at mauubos din ang pera mo kung hindi ka naman magta-trabaho.”  Like seriously? Akala ko ba magkakampi kami?

            “I don’t think so.”  Sumimangot lang ako.  As if maghihirap kami nang ganun-ganon lang.  Most of my classmates find me arrogant.  I can’t do anything about it dahil malas lang nilang mas mayaman ako sa kanila.  At 'yun ang katotohanang hindi mababago.

            “Bahala ka na.”  Umiling-iling lang siya pero 'di na kumibo.  As if mananalo siya sa akin. Actually, hindi ko rin alam kung bakit nakakatiis sa ugali ko si Liz.  Maybe because wala na siyang magiging friends na kasing yaman ko? 

            Papunta na kami sa classroom namin nang may kung sinong nakabangga sa akin!  Aish!  Hindi ba niya ako kilala para banggain niya nang ganun?!

            “What the hell!”  I glared at him but to my surprise, he's breathtakingly handsome.  May gwapo pala sa school na 'to. But then yeah, I don’t care!

            “I am really sorry…”  Sabi pa nung kuyumad.  Isa-isa niyang pinulot ang mga dala kong books pati na rin ang mamahalin kong bag!

            “Bulag ka ba at hindi mo nakikita 'yung dinaraanan mo?!”  Irritable ko pang sabi sa kanya.

            “Ikaw 'yung hindi tumitingin sa dinaraanan mo.”  Aba’t tama bang sagutin ako ng kuyumad na ‘to?!  “Kaya nga nag-sorry na rin ako kahit kasalanan mo naman talaga!” 

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon