47

4.5K 148 56
                                    

Alden's POV

"Ayaw mo? Bakit, ano bang gusto mong tawagan?"

"Hmm." Tumahimik siya at nag-isip. "Parang gusto ko ano. Uhm, ano. Uhm."

"Ano?" Tanong ko habang tinataas baba 'yung kilay ko. Ang cute ni Meng ko. Parang nahihiya. Pero naiintindihan ko naman siya dahil bago sa kanya lahat ng 'to.

"Love?" Sabi niya.

Ngumiti ako. "Okay, love." Ngumiti rin siya pero halatang nag blush siya nang tinawag ko siyang love. "Ay, nga pala. Si nanay bakit wala?" Tanong ko.

"Hmm. Tinamad eh. Uuwian ko nalang siya ng pagkain. Pati si Ma'am Rosario uwian mo rin ha." Ngumiti siya. Nakakatuwa naman na kahit hindi sila in good terms ni mama e naalala niya pang bigyan 'to.

"Sige. Thanks love." Ngumiti ako. Imbis na ngumiti siya pabalik e inirapan niya ko. "Hala bakit?" Nag pout ako.

"Wala. Yung dimples mo naman kasi. Nakakagigil ka."

"Inaano ka ng dimples ko? Pogi ko ba?" Pangaasar ko.

"Sige na. Oo nalang." Sagot niya kaya tumawa kaming dalawa.

"Mukhang masayang masaya kayong dalawa ah." Biglang lumapit si Daddy.

"Sobra, dad." Sabi ko at hinawakan ang kamay ni Maine.

"Salamat po ulit sa tulong, Sir Richard." Nakangiting sinabi ni Maine.

"Maine, tito nalang i-tawag mo sakin. Pwede ring daddy. Ano bang bet mo?" Sabi ni Daddy na nagpatawa sa aming dalawa ni Maine. Maloko rin tong tatay ko eh.

"Tito nalang po muna. Sa future nalang po 'yung daddy. Di ba?" Siniko ako ng mahina ni Meng.

"Ay, oo naman." Sagot ko.

"Basta kayong dalawa, mahalin niyo ang isa't-isa. Pag may problema, wag kayong susuko agad. Magdasal kayo lagi. Si Lord ang gawin niyong center ng relationship niyo." Payo ni Daddy.

"Yes po, tito."

"I'll keep that in mind, dad." Ngumiti ako.

"Ako nang bahala kay Rio." Shortcut 'yun ng pangalan ni mommy. "Magpapakabait kayo lagi. Malaki na kayo, alam niyo na ang mga ginagawa niyo. Wag lang masyadong magmadali. Mag ipon muna. Mag trabaho ka ng mabuti, RJ. Ikaw Maine may isang taon ka pa sa pag-aaral di ba?"

Tumango si Meng. "Opo."

"Oh isang taon nalang. Magtapos muna ha?"

Nag thumbs up siya. "Opo, tito. Thank you po sa mga advice niyo samin ni Alden."

"Walang anuman. Nandito lang ako para mag guide sa inyo. Pag pasensyahan mo na 'yung mommy nito ha. Over protective lang talaga 'yun sa unico ijo niya. Mama's boy ito eh." Sabi ni Daddy. Napakamot nalang ako sa ulo. Ang hirap maging only child.

"Naku okay lang po 'yun. Naiintindihan ko po." Ngumiti si Maine.

"Salamat, Maine. Napakabait mong bata. Manang mana ka sa mama mo."

"Ay, girlfriend ko ata 'yan." Pagmamalaki ko. "I'm beyond blessed to have you." Sabi ko at tinignan siya sa mga mata.

"Chosero!" Tinulak niya 'yung mukha ko.

Natawa nalang kaming tatlo.

***

Natapos na ang isa sa pinaka masayang gabi ng buhay ko. Nag kainan, kwentuhan at nag tulong tulong kaming lahat ayusin 'yung resto. 11:00 pm na at kakarating lang namin sa bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon