Chapter 10 ♥ Gun Fight

51.9K 518 67
                                    

Thank you thank you sa walang hanggang pagbabasa ng story ko kaya dedicated sa kanya 'to. Godbless always and keep inspiring!

Unedited. Kaya pasensya sa mga mali-mali. Enjoy! :) 

♥♥♥

Chapter 10   

"Bayeng ma-gay-liw pair-las neng siluh-nganen, eylab ng pusow sa dibdib mo'y buhey..."

Hinampas ko ang katabi ko na si Niel na hindi mapigil sa katatawa. Halos mamulamula na sya sa kinauupuan nya ngunit tila ba hindi nya ito mapigilan. Ginamit nya ang hawak na libro pantakip sa bibig nya para kahit papaano ay maitago ang tawa nya  

"Lowpang hi-nee-ruhng doo-yan ka neng magi-teeng sa menluluwpig di cuh pasisi-eel..  

Tikom ang mga bibig ko. Halata na rin sa mukha ko ang pigil na tawa na kanina ko pa pinipigilan.   

"Sa duh-gut at bone-duck sa simoy et sa lung-git mo'y bag-how. May dee-lug eng too-luh et aweyt sa pag-luh-yeng mine-nuh-mahal. Eng kiss-lap neng wuh-tawat mo'y tagum--" bago pa matapos ni Julian ang malagim nyang pag-awit sa Lupang Hinirang ay ang agad kong pagpapahinto sa kanya. Kapansin pansin na medjo kumulimlim na ang kalangitan. Kahit ata si Jose Rizal, Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo ay nagsama-sama't nagsikapit bisig sa isa't-isa bago nag-iyakan dahil sa malagim na pag-awit ni Julian sa ating Pambansang Awit.  

"Ok. Ok. Julian that's enough"   

Kinuha ko ang kopya ng lyrics na hawak nya at nakapaweng na tiningnan.   

"What? Did I made a mistake again? But... I'd read and sang the lyrics as carefully as I could!" reklamo nya. Kunot noo nya akong tiningnan.   

Sa tabi namin ay bigla na lang humagikgik si Niel ng tawa. Hawak hawak ang tyan nya na parang hindi na sya makahinga. Tinuro nya si Julian sa kalagitnaan ng tawa. Ni hindi na nga nya mabigkas bigkas ang dapat na sasabihin dahil sa walang tigil na pagtawa  

"'B-boneduck' daw! Amputek!

Binigyan ko sya ng tingin at ganun din si Julian na halos maningkit ang mga mata. Hindi naman mapigil si Niel sa pagtawa at may pahampas hampas pa sya sa mesa na nalalaman. May dinampot si Julian na bato sa baba at saka hinigas kay Niel ng napakalakas. Walang kahirap hirap naman itong nasalo ni Niel bago tumama sa mukha nya.  

Dumila pa si Niel kay Julian bago nang-asar at sinabing 'You missed." Pagkatapos ay ngumisi sya saglit na parang walang nangyari bago ipinagpatuloy ang naudlot na pagtawa. Muli kong kinuha ang atensyon ni Julian na nakikipagpalitan na ng asaran kay Niel. And I just rolled my eyes at the sight of them. Para silang mga bata na nagtatalo sa isang napakaliit na bagay.   

"Julian, first, its suppose to be 'at' not 'et'. We're talking tagalog here and not french." pinakita ko sa kanya yung papel at tinuro ang mga lyrics kung saan sya nagkamali. Inabot pa ako sa paghagis kay Niel ng isang kahon ng tissue para mapahinto sya sa kakatawa at para muling makuha ang atensyon ni Julian. Ayun sapul sa ulo. Binigyan nya ako ng puppy eyes na sinuklian ko naman ng laser beam eyes. Bumalik sya sa pagbabasa ng libro na tulad ng ginagawa ng isang mabuting estudyante. Good.

"Second, there's no 'bone-duck' in the lyrics. Its bundok." 

"Ok." puno ng determinasyon sa kanyang tinig "bone-duck.bigkas nya sa sinasabi ko. 

"Nope. its bun-dok." 

"Bone-duct?"   

Tiningnan ko si Niel na muling napabungisngis ng tawa sa likod ng libro na ginagamit nyang pantago sa mukha nya. Napailing na lang ako. Gusto ko ring matawa pero ayokong tumawa. Paano ko matuturuan ang estudyante ko kung pati ang teacher tinatawan ang pagkakamali ng estudyante nya  

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon