SYOL 13

1K 19 2
                                    

SYOL 13

Amethyst's POV

Weekend, at kasama ko sa Robinson sina Cielo , Erick, Patrick at shempre si Eriol alangan naman maiwan sya.

Pero parang may kakaiba, o napaparanoid lang ako. .para kasing nag-iiwasan si Patrick at Eriol. . ganun din si Cielo, iniiwasan nya si Erick.

Malay ko ba kung bakit nagkaayaan pa kami dito kung ganto lang din pala sila.

Katabi ko si Cielo sa kanan ko, si Eriol naman sa kaliwa hawak yung kamay ko. Si Patrick at Erick naman nasa unahan namin.

Palingon lingon pa nga si Erick kay Cielo eh, mukha talagang tinututoo ni Cielo na lalayuan nya si Erick kahit halata naman na labag sa kanya.

Paglilingon si Erick, mag-iiwas ng tingin si Cielo pero pag nakatalikod naman si Erick todo tingin naman tong si Cielo .

Si Patrick naman, kami kinakausap  nya pero si Eriol hindi, ganun din naman tong si Eriol.

"Nagugutom na ko" sabi ko sa kanila.

"Mabuti pa kumain na muna tayo bago manood ng sine" tama ito yung dahilan kung bakit andito kaming lahat para manood ng sine, pare-pareho kasi kami ng gustong panoodin 'Despicable me 2' kaya nagkasundo kami yun muna bago yung iba. .

"Saan nyo ba gustong kumain?" tanong ni Eriol.

"Jollibee na lang, ikaw Cielo san mo gusto?" tanong ni Erick kay Cielo .

Nag-iwas naman ito ng tingin "Kahit saan"

"Mcdo tayo" suggest naman ni Patrick.

Halaka iba iba ang gusto "Ikaw Mi san mo gusto?" tanong ni Eriol.

"Tsh" napatingin naman ako kay Patrick, anong problema nya? Tinalikuran nya kami.

"Mauna na pala ako sa inyo, tinamad na akong manood wala naman akong partner" sabi nya at naglakad na papalayo sa amin.

"Problema nun?" tanong ni Erick.

"KFC na lang tayo" suggest ni Cielo .

"Doon gusto mo? Sige doon na lang tara" bago pa makapagsalita si Cielo hinila na sya ni Erick papuntang escalator.

"Anong problema ng kaibigan mo? Bakit parang nilalayuan nya si Erick?" tanong sa akin ni Eriol, napansin nya din pala.

"Long story. .eh bakit kayo ni Patrick parang may kakaiba sa inyo ngayon?" mukha naman syang nagulat.

"Walang kakaiba sa amin, tara na" sabi nya at hinila na ako.

Nadatnan namin sina Cielo at Erick sa loob na ng KFC katabi ng glass window at over looking yung pwesto na napili nila kita yung ibang parte ng Marikina.

Halatang iwas pa din si Cielo kahit todo daldal sa kanya si Erick, poor Erick mukha naman alam nya nang iniiwasan sya pero patuloy pa din.

Katabi ko si Cielo , kaharap ko si Eriol at kaharap naman ni Cielo si Erick na katabi ni Eriol.

"Kami na ang oorder" presinta ko, at hinatak na si Eriol kaso hinawakan ni Cielo ang kamay ko.

"Ako na ang sasama sayo" sabi nya at hinatak ako pa puntang cashier.

"Cielz, ano bang ginagawa mo?" tanong ko, nakapila na kami.

"Do the right thing" simpleng sabi nya.

"Pero Ciel-" pinutol nya yung sasabihin ko.

"Intindihin mo nalang ako, Amz" sa sinabi nya di na lang ako nagsalita pa, pag ganyan sya kaseryoso better to obey her bago pa mag-init ang ulo nya.

Seven years of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon