[W.O.S] CHAPTER 26: WORLD OF SWORDS FINAL BOSS BATTLE

3.1K 128 10
                                    

W I S H (Z E T H)

"Cheers!" masayang sabi ng mga player. Natutuwa ako sa mga nakikita ko. Ang saya nila. Nagdidiwang sila dahil natapos namin ang isa nanamang mundo ng FWO.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Sa wakas, tapos na din ang WOS. Iniisip ko din kung, meron pa kaya itong kasunod? May katapusan pa kaya ang FWO?

Biglang pumasok sa isip ko ang mga familiar. Nagtataka ako. Ang sabi nila, kakailanganin daw namin sila sa final battle. Pero marami pa sa amin ang hindi ka nakapag-papalaya ng familiar.

Anong nangyari? Nagloko ba ang game?

Hay ewan. Hindi ko nalang 'yun iisipin basta ang mahalaga, natapos namin ang WOS.

Napatingin ako kay Silver. Nakikisali siya sa kasiyahan. Sa tuwing maaalala ko ang kapatid niya, naaawa ako sa kanya. Ramdam ko kung gaano na niya kagustong makita si Mist. Sana magkita na sila.

Maya-maya, nakuha ni Kiro ang atensyon ko. Balot ng pagtataka ang mukha niya. Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumayo at tumungo papunta sa kweba.

Anong gagawin niya dun? Diba natalo naman na namin ang kalaban? Tumayo ako at sinundan siya. Hindi pa man ako nakakalapit, bigla nalang may sumabog na puting usok. Kasunod nun ang pagsabog at pagkawasak ng kweba. May narinig din akong humalakhak ng napakalakas.

"The game is not yet over people! Hahaha!" sigaw ng... boss?! Buhay pa ang boss?! Paano nangyari 'yun?!

Napako nalang ako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw.



K I R O

"Zeth!"

Buti nalang nailigtas ko agad siya. Muntikan na siyang mapuruhan ng kalaban. Inupo ko siya at inalog-alog ang balikat niya.

"Zeth! Gumising ka! Ano ba gumalaw ka!" sigaw ko sa kanya. Maya-maya, nag-respond na rin siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Malamig ito at nanginginig.

"K-Kiro n-natatakot a-ako..." pautal-utal niyang sabi. "H-Hindi ako m-maka-galaw..." dugtong niya.

"No! Pilitin mo Zeth. Labanan mo! Maging matapang ka. Isipin mo lahat ng mga mahal mo sa buhay. Pa'no nalang sila kapag nawala ka? Kaya Zeth wag kang sumuko. Maging malakas ka lang." sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ako sa mata. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tumango siya.

"T-tama ka Kiro. Para sa pamilya ko at kay Ashe..." sabi niya at tumayo na siya. Pero nanlambot bigla ang tuhod niya kaya muntikan na siyang matumba. Nasalo naman kaagad siya ni Silver.

"Okay lang ako." sabi niya kay Silver.

"Tama si Kiro. Kaya natin 'to Zeth. Marami na tayong nalagpasan eh." sabi ni Silver.

"Dito pa ba tayo susuko?" dugtong naman ni Clyde.

"Tama. Ganyan nga. Lakasan niyo ang loob niyo. Wag kayong magpapalamon sa takot. Ang mundong 'to ang mas lalong magpapatibay sa atin. Kaya tara na. Let's face the end of this." sabi ko at hinanda na namin ang aming mga sarili.


*****


Naka-posisyon na kaming lahat. In-orient na rin namin ang iba pang mga players kung saan sila pupwesto at kung ano ang gagawin nila. Bago pa man makatira ang kalaban, tumakbo muna kami papalayo. Kailangan naming bumwelo. Hindi na kami mahihirapan ngayon dahil maliwanag na ang paligid. Kitang-kita na namin ang lahat.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon