Chapter 29 : Trapped

62.4K 2.1K 184
                                    


[ R E N N E I ' S  P O V ] 



"Marc! Marc! Putangina, Marc hindi ako nagbibiro! Tumayo ka diyan! Hoy gumising ka! Siraulo ka ako na naman ang prinotektahan mo! Hindi ba pwedeng itatak mo sa kokote mo na may 'Escape' ako sa katawan kaya hindi ako kaagad mamamatay!?" halos naghi-hysterical at sunod sunod kong salita habang pilit ni ginigising si Marc. 



Kani-kanina lang na napagtanto ko na siya ang sumalo ng tatlong bala na dapat ay para sa akin. Hindi ako makapagsalita kanina nang makita ko ang katawan niya na walang malay. Pero ang unang ginawa ko ay ang umupo ng maayos at yakapin ang katawan niya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na hindi ko na halos namalayan ang mga luhang patuloy na nagsisihulog mula sa aking mga mata. Inalis ko naman sandali ang isang kamay ko na nakahawak kanina sa likod ni Marc. Ni hindi ko halos matingnan ng diretso ang likidong bumalot sa mga kamay ko at pati na rin sa katawan ko. Blood. My husband's blood. 



Ginagamit ko pa ring pang-alalay ang kaliwang kamay ko para sa may bandang ulo't balikat niya samantalang nakapahiga naman siya sa mga hita ko. Pawang nilagay ko ang kanang kamay ko sa kaliwang pisngi niya at tiningnan siya ng mabuti. Why can't I feel the wind which loves me more than anything? Marc, you're the wind right? You won't be killed by mere three bullets, right? Without the wind, how can I survive on living? Hinimas himas ko ang pisngi niya ngunit tila hindi niya naririnig ang paulit ulit kong mga sigaw dahil nananatili pa rin siyang nakapikit. 



Napatingin ako sa kapaligiran ko. Paanong naging ganito ang mga pangyayari? Marami-rami pa rin ang mga nagsisitakbuhan papalabas. But most of the people who were screaming and cheering a while ago were already dead. Their bodies soaked with their own blood. Dahil sa kay Marc lang ako nakapokus kanina, mukhang hindi ko kaagad namalayan ang mga nangyari sa paligid ko. Nagkandasira-sira na ang buong gymnasium. Paunti unting nagsisilaglagan ang ilang mga bricks at mga bakal mula sa itaas. Mga malalaking tipak ng bato na nakakalat at mga malalaking pader na nagsitumbahan na ngayon ay nakahiga sa sahig. Mga upuan ding nagsitumbahan na at wala na sa ayos. May ilang nadaganan, natamaan, natabunan, at iba pa. Mula sa masiglang kasiyahang nagaganap ay nauwi ang lahat sa isang trahedya sa isang iglap. 



Alexei! Valor! Finn! My friends! 



Mas lalong lumala ang pag-aalala ko nang mapag-isip isip ko na may mga kasamahan pa ako na posibleng nadamay din sa mga nangyari. Bara-bara kong pinunasan ang mga luhang nasa mukha ko sa pa rin gamit ang panyong dinukot ko sa bulsa ko at saka ito itinapon nang tapos ko na rin itong gamitin bilang punasan. Lalo ko pang inilibot ang mga mata ko. Halos magkandabali bali na ang leeg ko kakahanap sa mga kaibigan ko. Diyos ko po! 'Wag niyo pong hayaan na may mangyaring masama sa kanila! Nawala na po si Alex sa akin. Isinama niyo na rin po sina Keith at Kane. Huwag niyo naman po silang kunin sa akin kaagad! 



"Spade! Oh God! Spade, are you alright!?" bulalas ko nang mapansin ko si Spade mula sa hindi kalayuan sa akin. Mukhang nadaganan ang paa niya ng ilang hollowblocks dahil nakita ko kung paano niya ito iniinda habang hawak hawak ito. Nang makuha ko ang atensyon niya ay agad siyang napatingin sa akin at tila ba nabuhayan siya ng loob. Dali dali niyang tinanggal ang mga nakadagan sa paa niya at bahagyang inayos pa ang buhok niya dahil halos mapaliguan na siya ng alikabok. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon