CHAPTER 132

3.3M 79.2K 116K
                                    

 AUTHOR'S NOTE:

MAX'S POV

MONDAY Morning. 6:00am.

Hindi ako masyadong nakatulog kaya naman nung mag-alarm ang orasan ko ay pakiramdam ko nakapikit lang ako magdamag at hindi naman natulog..

Agad akong bumangon at naligo..

Ramdam na ramdam ko ang bigat ng ulo ko!

Binuksan ko ang shower at hinayaan ko lang na dumaloy ng dumaloy sa mukha ko ang tubig..

~FLASHBACK~

"Kim.. let's go na--*hik!*.." si Ayii na pilit hinihila si Kim mula sa bar na kasalukuyang nakikipagkulitan kay Rem.

"A-Ano ka ba, just wait---Rem.. D-Do you want some m-more??" nakangiting tanong ni Kim kay Rem.

"Bahala ka na dyan! M-Mauuna na kami---*hik!*!" si Ayii.

"Goooooo!!! Hahahahahahahahahaha!!!"

"You're drunk.." nakangiti munit seryosong sabi pa ni Rem kay Kim.

"No, I'm not--*hik!*! Hahhahahaha!!!!"

"I think you should go home too.." sagot pa ni Rem at nakinig lang ako sa kanila.

"Wala palang pakialam ah??" bulong pa ni Beka at nilingon ko naman sya. "E bakit parang bantay sarado mo ang hitad na yan?? Lola mo hindi pa umuwi, jusmeh.. Hanggang dine amoy ko alak na nagmumula pa ata sa bituka nya, ano ba yan!"

"Kilala ko kasi sya.."

"So?? Kung ganyan naman ang attitude?! Hay! Kung ako yan!? Kibeerrr!! Kesehodang humandusay sya dyan---lalampasuhin ko pa sya!" mataray pang sabi ni Beka at hindi ko naman na sya pinansin.

Nakinig ulit ako kila Kim at Rem, si Rem na napadaan na nga lang napasama pa sa eksena..

"I like your name.." si Kim, bakas na bakas na sa pananalita nyang lasing na talaga sya. "Rembrandt.. Hmmm *hik!* I wanna know.. P-Painter ka rin ba? Hahahahaha!"

Napapailag pa si Rem sa malikot na hampas ng kamay ni Kim sa ere habang umaalalay rin sa kanya dahil lasing na talaga sya at si Rem naman ay mukhang matino pa rin. Sinasadya ko silang panoorin.

"I'm a Law student.." sagot pa ni Rem sa kanya at nanlaki naman ang mga mata ni Kim.

"For real?!"

"Yes.."

"Woooooaaahhhh---*hik!*! How old are you?!"

"I'm 23.."

"Do you have a girlfriend??"

"Yes.."

"Ooooohhhh.." parang nalungkot pang sabi ni Kim sa kanya.

Natawa pa ng bahagya si Rem sa iniasta nya.

"She just broke up with me..."

Gulat akong napatingin kay Rem na nilingon pa ako at ngumiti!

Mabilis ko namang iniiwas sa kanya ang paningin ko.

"R-Really??" si Kim na bakas ang awa sa mukha at saka bahagyang lumapit pa sa kanya habang nakapatong ang siko sa bar at nakapatong don ang ulo nya at deretsong nakatingin kay Rem. "So... *hik!*! I guess we're both h-heartbroken.." malungkot na usal ni Kim at natigilan naman si Rem at napatingin ng seryoso sa kanya. "I-I'm sorry to hear that.."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon