Sequel

2.9K 76 1
                                    

A/N: This is my own version of Beauty and the Bestie sequel. P.S. may ViceRylle 'to. Don't worry ;)
---------------------------------
Ang nakaraan...

"You have seventy-two hours to do this mission. Ang cellphone na ito ay sasabog na in five seconds."

EMMAN: Eric! TAKBO!
.
.
.
Present time...
Napadapa ang magkaibigan sa gitna ng kalsada nang sumabog ang cellphone na ginamit ni Emman.
ERIC: Ano ba kasi yon? Ba't sumabog yung cellphone ko? Kakabili ko lang nun eh!
EMMAN: Wag ka ngang OA dyan! Bibilhan nalang kita ng bago.
ERIC: Bakit nga kasi sumabog?
EMMAN: Mamaya ko sasabihin. Wag dito.

Nagpunta ang magkaibigan sa headquarters. Doon na rin sila nagpalit ng mas komportableng damit dahil pareho silang nakasuot ng barong kanina.
ERIC: Ano na? Bakit sumabog?
EMMAN: May bago tayong misyon. Kaya sumabog yung telepono mo. Baka ma-trace ng suspects.
ERIC: Misyon na naman? Kabago-bago ko lang sa Elite Super Secret Task Force, sasalang na agad ako.
EMMAN: Akong bahala sa'yo. Tsaka ang galing mo kaya! Naligtas natin si Natalia. Napatunayan mo na karapat-dapat ka dito sa ESSTF.
ERIC: Sabi mo yan ha? Walang iwanan.

Naputol na lamang ang pag-uusap ng dalawa nang dumating ang minion este ang kanilang chief.
CHIEF: Agent Emman and Agent Eric, may special mission kayo sa isang private resort sa Batangas. Ito ang target natin... si Lady Voluptuous. Yan ang tawag sa kanya ng mga tao. Siya ang head sa resort na iyon at siya rin ang punong salarin sa pagkawala ng mga couples na nagbabakasyon onaghahoneymoon doon. Kailangan nyo syang mahuli at kailangan nyo rin mahanap ang mga taong nawawala.
ERIC: Kidnapper pala ito. Nakakaloka!
EMMAN: Chief, kailan kami aalis?
CHIEF: Ngayon din. Kailangan lang natin tapusin ang meeting na ito.
ERIC: Chief, sabi nyo yung mga couples ang kinukuha nitong Lady Voluptuous na 'to... Paano kami makakapasok doon ni Emman?
CHIEF: Very good question, Agent Eric. Dapat kayong magpanggap na bagong kasal. Isa sa inyo ay dapat na magpanggap na babae. At ikaw yun, E---
ERIC: Ay bet ko yan!
CHIEF: Hindi. Si Agent Emman ang magpapanggap na babae.
EMMAN: Chief, bat naman ganun?
CHIEF: Ang laki ng diperensya nyo sa height. Ang pangit naman kung matangkad yung babae tapos yung lalaki maliit. Tsaka di hamak na mas maganda ka kesa kay Agent Eric.
ERIC: Ay grabe sya o!
EMMAN: Hay nako! Sige na nga.
CHIEF: Good. Magpunta na kayo sa kwarto sa kabila para maayusan na kayo.

Nagpunta na ang dalawa sa nasabing kwarto. Doon nakita na nila ang mga damit na kanilang susuotin at ilang mga gamit na kakailanganin nila sa misyon. Naghihintay na rin doon ang mga mag-aayos sa kanila. Sila Jude at Stef.
ERIC: Mga bakla kayo! Anong ginagawa nyo dito??
JUDE: Aayusan namin kayo!
STEF: Ako sa makeup, sya naman sa hair.
EMMAN: Bilisan nyo na nga nang matapos na 'to!

Pagkatapos ng ilang oras, naayusan na silang dalawa. Si Emman ay nakasuot ng wig na may bangs at nakamakeup na rin sya. Si Eric naman ay nakaitim na brush-up hair at may pekeng balbas at bigote.
EMMAN: Ikaw si Larry Seeve. Laking Amerika ka kaya dapat kang magsalita ng Ingles.
ERIC: Ano ba yan! Ang hirap naman nun.
EMMAN: At yang boses mo, ayusin mo rin. Wag boses bakla.
ERIC: Ikaw rin, ayusin mo yang boses mo. Wag boses mama.
EMMAN: Kung banatan kaya kita dyan?
ERIC: Ay grabe sya o! Ikaw? Anong pangalan mo?
EMMAN: Ako si Paloma Sieve. Pinay ako pero napangasawa kita kaya pareho na tayo ng apilyedo.

Lumipas ang ilang oras ng byahe at narating na nila ang nasabing resort sa Batangas. Pumasok sila sa loob at magkaangkla ang braso na pumunta sa receptionist.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon