Chapter 19

106K 1.8K 160
                                    

                                                                      *****

Naghihiwa ng mga gulay si Lena habang maya't mayang binibigyan ng nagdududang mga titig ang kasama sa kusina. Tatawa-tawa rin siya sa hitsura nito na nakasuot ng apron habang ingat na ingat na huwag matilamsikan ang sarili ng niluluto. Kung gaano ito kametikuloso sa linis ng bahay ay ganon din ito kaarte at kalinis sa pananamit. Bagama't nakabihis lamang ito ng kaswal sa mga oras na iyon ngunit halatang mamahalin pa rin ang suot nito kung kaya't ganun na lamang ito kaingat sa mga kilos lalo na't nagluluto sa isang masikip na kusina.

"Sigurado kang hindi ka busy ngayon?"

"You keep asking same question. Pang sampung beses mo na atang tinanong yan." reklamo ni Warren habang naghahalo ng niluluto.

"Gusto ko lang makasiguradong totoong wala kang gagawin. Baka mamaya may kinansel ka lang na mga meetings para makapaglakwatsa."

Natawa ang lalaki sa ginamit na salita ng kausap. "Lakwatsa? I can't believe you're still using that word to nag me. Ano bang akala mo sa akin estudyante pa rin? Besides, today is Sunday. Do you see me as someone who has no right to take a rest?"

"Sa mga katulad niyong malalaking negosyante, lahat ng oras at araw ay pwedeng okupahin ng trabaho. Naku tatanungin ko mamaya kay Cindy kung nagsasabi ka ng totoo!"

"Kanina ka pa reklamo ng reklamo sa pagpunta ko dito. But you were the one who requested me to cook for you."

Natahimik bigla si Lena. Oo nga naman. Siya nga naman ang nakiusap dito na ipagluto siya. Nalilito kasi siya minsan sa nararamdaman kapag pinaglalaanan siya ng oras ni Warren. Natutuwa siya pero kasabay nito ay bahagya rin siyang nakokonsensiya na baka may napapabayaan itong ibang bagay ng dahil sa kanya.

"Nagbibiro lang naman ako nung sinabi kong ipagluto mo ako, akalain ko bang seseryusuhin mo." palusot niya.

"Ah so you mean that what we agreed that time turned out to be a joke just because we were interrupted by your suitor?"

"Kasi naman nakakaguilty. Ang aga-aga mo pang pumunta dito sa bahay tapos ikaw pa mismo ang namili ng mga lulutuin."

"This is me now. I always start my rest day early to make the most out of it."

Hindi na nagreklamo pa si Lena. Tumahimik na ito at muling nagseryoso sa paghihiwa ng mga sangkap. Samantala, hininaan ni Warren ang apoy ng niluluto at humarap sa babae.

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon