Chapter 20: Pinky Promise

23.3K 990 49
                                    

Chapter 20: Pinky Promise

Sakura's Point of View

Hindi ko alam kung ilang beses ko na naririnig ang buntong hininga ni Kanluran. Parang hindi siya mapakali ngayon. Sa tingin ko nga parang napipilitan lang siya sa kanyang ginagawa, tila pinagbibigyan niya lang ako.

"Hoy Kanluran!" at sinundot ko ang tagiliran niya na kinagulat naman niya.

Natawa ako ng malakas. "Why are you so serious?"

"Nothing," tipid niyang sabi.

Nagkibit balikat lang ako at tinignan siya habang naglalagay ng alak sa baso ko.

"Dagdagan mo pa," wika ko.

"Sigurado ka? Malalasing ka agad—"

"Wala ka bang tiwala sa akin? Mataas ang tolerance ako pagdating sa alak kaya wala kang dapat ipangamba."

Of course, I lied.

Syempre, wala na naman siyang magagawa kaya ayun dinamihan na niya. Sa palagay ko nga umabot iyon hanggang three fourth ng baso ko. Inabot niya sa akin iyon. Masayang kinuha ko naman iyon.

Okay! Fighting, Sakura!

Inamoy iyon at hindi ko maiwasang mapangiwi na sobrang tapang iyon.

"You lied, Sakura," marahang wika ni Kanluran.

"Huh?" gulat akong tumingin sa kanya. "Ano ba ang pinagsasabi mo?"

"Hindi ka umiinom ng alak," seryosong wika niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman iyon?

"Paano mo nasabi iyan?" curious na tanong ko.

Ngumiti lang siya nang makahulugan. "Cheers?"

Argh! Bakit naiinis ako? Parang naisahan ako doon.

"Cheers!" inis na wika ko.

Dahan dahang uminom si Kanluran ng alak samantala ako ay inamoy ko na naman ang basong hawak ko.

Keri ko kaya ito? Mukhang ang pait nito!

"Hindi mo kaya?" tanong ni Kanluran.

"Huh?"

Tumayo siya at tumabi sa akin. Ano'ng ginagawa niya?

"B-Bakit ka nasa tabi ko?" Shit! Bakit ang lapit lapit niya?

"Well, madaya ka dahil ako naubos ko na ang inumin ko samantala ka tinititigan mo lang iyan," wika niya habang nakatingin sa basong hawak ko.

"Nagdadasal pa kasi ako no?" pang iinis ko sa kanya.

Nagumiti na naman siya. "I will help you."

"What?"

"Dahil first time mo ito," kaswal na wika niya.

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Bakit ba paulit ulit niyang sinasabi na first time ko ito? Ang nakakairita lang, paano niya nalaman na nagsisinungaling ako sa kanya? Argh! Bakit ang galing ng lalaking ito?

"Listen Sakura. Hindi mo kailangan mabilis ubusin ang alak ng hawak mo. Namnamin mo lang at mag enjoy ka. At dahil first time mo ito, sigurado akong hindi mo magugustuhan ang pait ng alak, kaya naman tutulungan kita matanggal iyon."

"Paano mo matatanggal?" kunto noong tanong ko sa kanya.

"Ready kana ba?" nakangiting wika niya.

"Ah? Oo naman," mabilis kong sagot.

Nagulat na lang ako na bigla niyang pinisil ang ilong ko. Napatitig ako sa kanya. Shit na malagkit! Bakit lalong bumilis ang tibok ng puso ko? Parang may nagkakarera sa sobrang bilis ah.

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon