CHAPTER 3

8.7K 214 4
                                    




Kinabukasan, mas maaga pa ata ako sa uwak na gumising at naghanda para sa pagpasok sa school. Dati kailangan pang magjoin forces yung alarm clock ko, alarm ng phone ko at yung machine gun na bunganga ni Mama para magising ako. Ngayon, naunahan ko pa yung alarm clock ko at ako pa nagluto ng umagahan para samin ni Raven. Iba na talaga pag inspired ano?




"Naks, aga ah? Aga mo sigurong lalandi no?" Tapos na ko kumain kaya binuhat ko na yung bag ko at kinotongan si Raven bago ako tumakbo palabas at may kagat kagat pa kong tinapay sa bibig ko.




"WAG NA WAG KANG UUWI DITO! ISASARADO KO YUNG PINTO!" Sigaw pa ni Raven sakin, tinawanan ko lang sya sabay belat ko sakanya.




See? I told you, I feel like I'm 14 years old pag nakikipagasaran ako sa kapatid ko.





Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep, asual ang haba ng pila. Dito ako palagi nalalate eh, kahit maaga ako gumising, kahit liparin ko to mula sa bahay namin, darating at darating ka dito mahaaaba ang pila.




After a few minutes, nakasakay rin ako sa jeep. Nakipagunahan pa ko kahit nakaheels ako, pag talaga ako naging sikat na Author at kumikita na ko ng malaki, bibili ako ng sasakyan at sariling daanan ko. Kahit kasi may sasakyan ka dito e kung traffic naman palagi, wala rin.




Dumating ako sa school by 7:40am at kasabayan ko pang dumating si Prof. Yuji. Ayoko syang kasabay umakyat sa classroom kaya nagpahuli akong maglakad. Broad shoulders, matipunong pangangatawan, yung ayos nya sa pananamit, yung buhok nya na parang mas malambot pa kesa sakin, yung seryosong expression ng mga mukha nya, lahat yun pinapansin ko habang tinitingnan syang maglakad, DAMN Sir Yuji, why so perfect? No wonder isa ako sa mga babaeng nahuhumaling sa pagkaperpekto mo.





May nakasalubong na Prof si Sir Yuji kaya sinamantala kong unahan sya sa pagakyat ng hagdan at maunahan sya makarating ng room. Baka kasi pag sabay kaming dumating ng room, sabihin nya late ako. Umupo ako sa upuan ko at umupo ng maayos hanggang sa dumating na si Prof Yuji sa room.




"Good morning." Bati nya sa klase at binati rin namin sya.



Nagsimula syang maglesson, syempre mathematics. Equation dito, formula doon. Theory dito, logic doon. Find the value of Y dito, find the value of X doon. Itong si Math palagi ng hinahanap si X, hindi kana mahal nun! Move on na!



"Ms. Briones."



Bumalik ako sa wisyo ko at napatingin ako kay Sir. Yuji na tinawag na naman ang magandang apelyido ko.



"Y-yes sir?"




"You are not taking notes, you think you can pass my exams without taking notes about my lesson?"




HAYY sir, why you still look handsome when you're mad?






"MS. BRIONES!"





"Ay, kalabaw!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Sir na may kasabay na hampas ng white board at nagtawanan naman ang mga kaklase ko.




"Are you deaf Ms. Briones?" No Sir, I'm truly deeply MADLY inlove with you sir.






"H-hindi po sir."




"Then grab your pen and write all the formulas you'll be needed in the coming exam!"



Aray naman Sir ha? Kanina kapa naninigaw, oo na sige na I love you too na.





Umupo ako at ginawa yung sinabi nya, I grabbed my pen at nagsulat. Palagi nalang ako ang napapansin nito, crush siguro ako nito. Think positove Charlotte, aamin din sayo si Sir.



Pagkadismiss ng klase nya, dumamoves ako na sakanya magpaalam magcr para naman kahit sa isang araw nakausap ko sya ng mahinahon, kanina pa nya ko sinisigawan e.



"Sir, may I--"





Naputol yung sasabihin ko ng magsalita sya.



"Ms. Briones, just because I gave you compliment about your story, doesn't mean na kikilos kang ganyan sa klase ko."




Ano? Anong kilos? Wala naman akong ginagawa.






"But, I didn't do such a thing to--"



Natigilan ako sa pagsasalita ng abutan nya ko ng folder at magsalita pa ulit sya ng seryoso.



"You will report tomorrow about all the topics inside on that folder. No excuses, no props needed, all I want to see is how you really understand all my lesson for the past few days."






Seryoso?








LAHAT TO?! E mukhang 5 topics ang meron dito by page!







"But Sir, I--"




"AND NO BUTS. See you tomorrow Ms. Briones."





He stood up and left me hanging there. WHAT. AN. ASS!

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon