Chapter 20

104K 1.7K 80
                                    

                                              ******

Ding Dong. Ding Dong.



Ding Dong. Ding Dong. Ding Dong.

Naalimpungatan si Warren. Nang tuluyang magising ang diwa ay napatingin siya sa katabi. Tulog na tulog pa rin si Jasper. Bumangon siya at tumungo sa banyo. Naghilamos at nag-ayos ng buhok. Pagkatapos ay saka niya pinagbuksan ang tao sa pintuan.

"You're here."

"Anong nangyari sa inyo? Kanina pa ako nagdodoorbell dito." nagtatakang tanong ni Lena.

"Sorry. I was sleeping. Come in."

"Pasensiya na sa istorbo. Napagod ka ba kay Jasper?"

"Hindi naman."

Pumasok si Lena sa loob ng bahay at nagulat ito sa nakitang mga kalat sa sala.

"Anong nangyari dito?! Ikinalat bang lahat to ni Jasper?"

"N-No. We both did this."

"Naku. Huwag mo nang pagtakpan ang batang yan. Alam ko namang kagagawan niya to." sabay ligpit ni Lena sa mga kalat. "Nakakahiya sayo. Sinabi ko naman na huwag mo nang isama dahil sobrang kulit niyan. Wala bang mga nabasag o nasirang gamit dito?"

"None. Hey, don't get too hard to the kid. Besides ako naman talaga ang nangako na one day isasama ko siya dito para maglaro kami ng video games so I need to be true to my words. It's not good to disappoint children you know."

  

"Teka nasan pala si Jasper?"

"He's in my room. Sleeping."

"Kanina pa ba tulog yun? Kailangan na naming umuwi."

Napatingin si Warren sa relos. "Almost two hours. Don't wake him up. Alam mo bang masama sa bata ang iniistorbo ang pagtulog. It will affect his growth."

"Wow kelan ka pa naging concern sa ganyang mga bagay." sabay dampot ng babae sa naiwang pinagkainan sa center table para dalhin ito sa kusina.

"I read you know."

Bumuntot kay Lena ang binata patungong kusina. "Want some coffee?"

"Sige. Salamat."

"Why don't you read some books while waiting for Jasper to wake up."

Natigilan si Lena sa paghuhugas ng pinggan. Napaisip siya ng ilang saglit. Tiningnan niya ang oras. Mag-aalas singko ng hapon. Kinalkula niya ang oras ng kanilang magiging biyahe. Pwede pa siyang magbasa ng mga trenta minutos. Agad niyang tinapos ang ginagawa at nagpunas ng mga kamay. Nagmadali siyang pumunta sa book shelves at mabilisang namili ng libro.

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon