Chapter 37

119K 4.6K 368
                                    


It's been a month since we met these element Guardians at tinrain nila kami. After a week of physical exercises ay sumunod na agad ang paggamit ng powers namin. Tinrain nila kami ng solo solo, meaning yung dating Guardian ng fire ang nag ttrain sa akin ng solo at ganun din ang sa iba.

Yung training ko ay naganap sa ibang dimension, dinala ako ni Andy sa ibang dimension. Isa yung napakainit na lugar, punong puno ng apoy ang paligid na tila ba susunugin ka ng buhay. Ang lugar na yun ay maihahalintulad mo sa impyerno, ang lugar ng pagdurusa. Unang pagsubok nya sa akin ay ang pananatili sa lugar na iyon. Ang sabi nya kailangan kong matagalan ang init na ito. Isa akong fire Guardian kaya dapat ay sanay ako sa maiinit na lugar. Ako ang Fire Guardian kaya dapat hindi ako napapaso ng apoy.

Unang araw sa lugar na yun ay para talagang impyerno, napaka init ng apoy kaya't lagi akong umuuwi ng lapnos ang balat. Mabuti nalang at nanjan si Chill para gamutin ako, panggagamot gamit ang tubig ang special ability nya.

Hindi ko pa yata nababanggit ang tungkol sa Special Abilities namin, ito ay ang isa pa naming kakaibang kakayahan bukod sa powers namin. Kaunti lang ang nagtataglay nito, tanging may malalakas na kapangyarihan lamang.
Healing ang kay Chill, kaya nyang manggamot ng mga sugat depwnde kung gaano kalala ngunit hindi ang mga sakit gaya ng cancer.
Mind reading ang kay Trixie, kaya nyang basahin ang laman ng utak mo. Pero depende parin dahil minsan di nya magawa o sa term nya ay 'Di ko mareach'.
Malakas na sense of hearing ang kay Jeanne, naririnig nya within 100 meter radius.
Teleportation ang kay Sky, nakaka teleport sya from one place to onother. Pero kapag sobrang layo ay di na nya kaya.
Si Frost naman ay 360 degree eye sight, kaya nyang makakita kahit na nakatalikod sya.
At telepathic ability naman ang sa akin, kaya kong kausapin ang kahit sino gamit ang utak ko.

Pero mabuti nalang dahil madali naman akong matuto, after 3 days of concentrating ay nagawa ko rin. Hindi na ako tinatablan ng apoy ngayon. Sa mga sumunod na araw naman ay iba't ibang techniques ang tinuro nya.

At ngayon nga, matapos ang isang buwan ay babalik na rin kami.

"I'm so excited! Waaaaaaahh we're going home"-Jeanne
"Ang saya saya! Makikita ko na ulit sila kuya Hunter"-chill
"At makaka kita na ako ng totoong araw~"-trix

Lahat kami excited na umuwi, miss na miss ko na nga rin sila Axel. Kamusta na kaya sila? Ang hari at sina sir Dylan ang alam kong mag ttrain sa kanila, sigurado akong napaka lakas na rin nila ngayon.

"Handa na kayo?" Narinig naming tinig mula sa pinto nitong bahay. Si Andy at ang ibang Guardian

"Mas ready pa sa ready!" Sigaw ni Chill

Nagtawanan kaming lahat dahil sa pagiging hyper ni Chill. Lumabas na kami at nagpunta sa kweba na lagusan para makalabas. Grabe excited na talaga ako!

"So, I think this is a goodbye?" nakangiti ngunit malungkot na sabi ng dating Wind Guardian na si Travis
"Ah yeah, salamat sa pagtuturo niyo. Malaking tulong ito para sa nalalapit na digmaan"-sky

"Basta wag nyo kaming kakalimutan okay?" Parang namamaalam na sabi ni Sam
"Para naman kayong namamaalam, pwede pa naman kaming bumisita" biro ni Trixie

"Nakakalungkot man pero ito na ang katapusan"-faye
"Ano pong ibig nyong sabihin?"-chill

"Ang tanging misyon nalang namin kung kaya kami namamalagi dito ay kayo, matatapos na ang misyon namin"-hailey
"Mission nyo ang i train kami? What will happen to you guys? Mamamatay na ba kayo?" Gulat na tanong ni Jeanne

"Basta, ingat kayo" sabi ni Blake kasama ang isang makahulugang ngiti
"No need to say" cold na tugon ni Frost

"Flame, sana ay lagi mong tatandaan na dapat ay piliin mo ang tama. Di man ito ang nais mo, ito parin ang dapat. Magiingat kayo" sabi ni Andrea at binigyan ako ng isang ngiti
"Sige, kayo rin"

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon