CHAPTER 5

7.3K 180 6
                                    


"I love you Ms. Briones, ikaw ang pinakamaganda, pinakamatalino, at pinakasexy na nakilala ko. Tatahakin ko mapabundok, dagat, kagubatan o ano pa man yan makasama ka lang."

"Sus, Sir. Yuji talaga bumabanat ka na naman." *Pakipot effect*

"Totoo mga sinasabi ko Ms. Briones, do you want me prove it to you?"



"Sige nga prove i---"




Natigilan ako ng bigla nya kong halikan habang hawak hawak ang mga pisngi ko. Deep deep passionate kiss, he pulled me closer and touched my back while kissing me. I can feel his broad hard chest while he started to take off my---



"KARLOOOTA!!!"





*BLAG!*


Damn it, nabalian ata ako sa pagkalaglag ko sa kama. Anak ng, ayun na e! Hinuhubaran na ko e! Hinahalikan na ko e! Deep deep passionate kiss na yun e!






Alam nyo ba kung gaano kaDEEP yun?!




"KARLOOOOTA!!"



Ang aga aga yung isinumpang boses ng pamangkin ni Satanas na naman yung naririnig ko.




"ANO BA RAVEN! PARA KANG BABOY DYAN NA SIGAW NG SIGAW!"





"PAPASOK NA KO TAPOS DI PA 'KO KUMAKAIN, MAGLUTO KA NGA DITO!"



"MAGUTOM KA BAHALA KA SA BUHAY MO!"



Tumayo ako sabay sarado ng pinto ko. Binagsak ko pa nga dahil inis na inis ako sa pagsira nya ng panaginip ko. Minsan na nga lang managinip ng ganoon, naputol pa! Pagtingin ko sa phone ko, 5am palang.




Ang aga naman pumasok ng kumag na Raven na yun?



Nagmadali akong tumayo at lumabas ng kwarto para maabutan si Raven ng makita kong hindi sya nakauniform.




"Hoy, ang aga aga pa papasok kana? Tsaka ba't di 'ka nakauniform? Maglalakwatsa ka?"


Ako ng mabungangang Ate sa mundo.




"Thursday ngayon, pwede magcivilian. Tsaka may activity kame kaya kailangan kong makarating ng maaga sa school."

Inaayos nya yung bag nya at binuhat na 'to palabas ng pigilan ko sya.




"Sandale."





"ANO?"

Tinitigan nya ko habang magkasalubong ang makakapal nyang kilay.





"Magluluto na ko kumain ka muna."




"Sus, wag na papasok na ko."


Tinalikuran nya ko pero mabilis akong nakalapit sakanya at hinila yung bag nya para mapaupo sya sa upuan.



"Umupo ka dyan magluluto na ko, tampo tampo kapa."




Nagpout sya sakin. Yang kapatid ko kilalang kilala ko na yan, kahit di kami magkasundo at palaging nagsisigawan alam ko kung kailan yan nagtatampo sa ate nya.




"Gusto ko ng ham at hotdog pati itlog na palagi mong inoomelet." Aniya.




"Fine."





"Tsaka bacon, gusto ko ng bacon." Dagdag pa niya.







"Oo na."







"Pati pala juice, I want juice."









"OO NA!"



Nakakaloka.


Sinimulan kong magluto ng breakfast at nahuli kong nakangiti si Raven, halatang tuwang tuwa dahil lulutuan ko sya ng paborito nyang omelet.



Matapos kong magluto hinainan ko sya sa lamesa kaya kumain naman agad sya. May pinatong akong lunchbox sa harapan nyabat tiningnan naman nya ko.



"Ubusin mo yan bago ka pumasok, itong lunchbox dalhin mo ubusin mo yung laman wag kang magpapagutom dun." Hindi ko na inantay yung response nya at bumalik na sa kwarto ko.




See? Sweet naman akong ate eh, kung hindi nya lang ako palaging binubwiset.



Umidlip ako saglit dahil antok pa ko at nagising ako ulit by 6:30am. Asual naligo agad ako, nagayos sa pagpasok at sumibat na sa bahay. Nakita kong hugas lahat ng mga plato at kawaling ginamit ko kanina sa pagluto, aba naghugas si Raven mabait na bata.




Pagdating ko sa school si Sir. Yuji agad natanaw ko.

Pag may crush ka talaga nakakalinaw ng mata, kahit anong distansya ang layo mo sakanya, nakikita mo sya.



May kausap syang babae, Prof din si Ms. Lina. Kung titingnan bagay sila, pareho silang prof, mukhang magkasing tanda lang sila, pero dahil ako ang bida sa istoryang ito HINDI AKO MAKAKAPAYAG. AKO LANG NABABAGAY KAY SIR. YUJI.



Nakita kong nagtatawanan pa sila.




Tingnan mo 'tong lalaking to, nalingat lang ako saglit nambabae na agad.



Lumapit ako sakanila at hinila ang braso ni Sir. Yuji at hinalikan sya sa harapan ni Ms. Lina. Gulat na gulat si Ms. Lina sa ginawa ko but then Sir. Yuji started to response to my kis--




"Charlotte!"









Bumalik ako sa wisyo ko at once again, NASIRA NA NAMAN YUNG PANTASYA KO.




"Kanina pa kita inaanta--yan, yan! Dyan ka magaling! Nakatitig ka na naman kay Sir, hulaan ko iniisip mo. Pagkapasok mo dito sa gate, nagpropose sayo si Sir. Yuji tapos binuhat ka nya na parang kasal?"

Oh diba, kilalang kilala na ko ng babaeng yan. Meet Penny, ang babaeng pangalawang sumisira ng mga pantasya ko kay Sir. Yuji.



"No, this time hinalikan ko sya sa harapan ni Ms. Lina." Sagot ko.



"Grabe taas ng confidence, ikaw hahalikan mo si Sir? Halika na nga! Tayo nataasang maglinis ng cafeteria ngayon, remember tumakas tayo nung monday."



I sighed. Tinitigan ko sila Sir. Yuji bago ako sumama kay Penny.





Hoy, Yuji! Wag kang lalandi dyan babalikan kita ok? Tsaka wag mo ngang masyadong ngitian yan si Ms. Lina, pafall ka e no? Tapos ginagawa mo pa yan sa harap harapan ko, bastusan? Humanda ka sakin mamaya paguwi mo sa bahay natin.



Tinaasan ko sila ng kilay sabay sama ko na kay Penny papasok ng building.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon