CHAPTER 7

6.2K 189 13
                                    



"Ito ba or....ito?"




Nasa loob ako ngayon ng cabinet ko kanina ko pa tinititigan yung dalawang blouse uniform ko.

Parehas silang puti, parehas ng design, walang pinagkaiba sa isa't isa pero hindi ko alam pipiliin ko sa dalawa.





Friday naman ngayon, wash day pwede magcivilian pero itong si Sir sabi maguniform daw ako kasi sa office nya kami magda-date.










Oo DATE para sakin yun.







Pinili ko yung nasa kaliwa kong kamay at nagbihis na. For the first time ginamit ko din yung perfume na padala sakin ni Mama galing LA, OFW mga magulang namin ni Raven. Kami lang nakatira dito sa bahay kaya kahit magsigawan o magrambol kami dito, magkamatayan na walang makakapigil saming dalawa.





Pagdating ko sa school naging seryoso yung pakikinig ko sa mga Prof. Palagi nalang nababanggit yung apelyido ko pag puro Yuji nasa isip ko, stop muna sa kakadaydream Karlota magaral ka!







5 subjects has passed, tapos na klase. Every friday wala kaming Math kaya hindi ko pa nakikita si Sir ngayong araw. Pumunta pa nga ko ng cr at nagayos bago pumunta sa office nya. Nageyeliner at maskara din ako ngayon for the first time. Naglipstick, nagsuot ng hikaw na di ko naman normal na ginagawa dahil hate ko na may nakasabit sa tenga ko pero para kay Sir handa akong magsuffer. Nagtali din ako ng buhok para naman maaliwalas akong tingnan ni Sir mamaya.

See? Puro ako Sir, puro ako Sir, puro ako Sir. Pero hindi naman nya 'ko napapansin, outside the kulambo sya sakin pag di nya ko napansin.



Umakyat ako hanggang sa makarating ng 5th floor kung san nandun ang offices ng mga Prof, medyo nasa dulo yung office ni Sir kaya natagalan din ako. Mayamaya nakita ko na yung pangalan nya sa pinto.





'YUJI SALVATORE Head of Mathematics Department'








Mali yung nakalagay.









'YUJI SALVATORE Property of CHARLOTTE BRIONES' dapat!





Kumatok ako sa pinto at narinig ko naman syang nagsalita.





"Come in." Binuksan ko yung pinto at nakita ko syang nakaupo sa desk nya.



Infairness, ang linis ng office nya. Organized yung mga gamit and books, puro book ng tungkol sa Math yung mga nakikita ko, nako hindi ako tatagal dito.




"Oh, Ms. Briones are you ready?"







Ready saan? KISS? HUG?





Nagnod ako at tumayo sya para iurong yung upuan para sakin.

Gentleman? Check ✔





"We are going to start about the properties of Mathematics." Panimula nya.


Face to face kami, mga dalawang ruler lang yung pagitan namin. Pakiramdam ko tumigil yung pagikot ng mundo at tanging kaming dalawa lang nandito. Salita sya ng salita about Math achecheche pero wala akong naiintindihan. Tinitingnan ko lang sya habang nagsasalita, kahit malayo layo sya sakin naaamoy ko sya.  Ang bango ng asawa ko, ano kayang pabango nya? Para mapabili ko kay Mama para parehas na kami ng amoy.



"Ok, try to solve this Ms. Briones."

Inilapit nya sakin yung libro at tinuro yung equation na isosolve ko. Nasagutan ko naman dahil madali lang naman yun, simple equation lang.





"Good. Now, solve it using your own formula."






My OWN formula?





"Po?"



"Use your own formula. Nakita ko yung papel mo kahapon, ibang iba yung mga formulang ginamit mo kesa sa mga itinuturo ko sa klase."





Galit ba sya? O he's giving me a compliment?





Ginawa ko yung sinabi nya at ginamit ko nga yung formula na ginagamit ko palagi when it comes to solving mathematical equations. 5 problems din yung sinosolve ko at wala syang ibang ginagawa kundi titigan ako habang seryoso akong nagsosolve.





I don't mind him staring at me, dahil alam kong crush nya 'ko at masyado syang pahalata sa ginagawa nyang pagtitig sakin, hanggang sa natapos kong i-solve yung problems at tumingin sakanya.





His eyes staring at mine. Parang tumigil yung oras, usually pag ganito kumakabog yung dibdib ko pero this time parang kalmado lahat yung mga lamang loob ko sa katawan. Anong ginagawa nito at all of a sudden nakikipagtitigan sya sakin?


"E-hem, let's um..let's see if your answers are correct?"



Sinasabi ba nya sakin o tinatanong nya sakin?



Dali dali nyang kinuha yung red ballpen nya at chineckan yung solutions ko. It took him 10mins. to check my solutions.

Ngayon, sya naman tinititaligan ko.



Ang gwapo talaga ng nilalang nato, may girlfriend kaya sya? Oo, magpipitong buwan ko na syang pinapantasya pero wala akong alam sakanya. Age, kung san sya nakatira, anong status nya, anong favorite foods nya, wala. Kahit anong tungkol sakanya wala akong alam kundi ang pangalan at ang pagkashort temper nya sakin pag di ako nakikinig sa klase nya.





"Impressive, Ms. Briones. Mukhang hindi mo na ko kailangan sa darating na Mathletes, you can win it by yourself."







Hindi Sir, I need you. I need you in my freakin' life. Please love me!







Nagsmile lang ako sakanya, tahimik lang ako sa harapan nya pero sa loob ng utak ko kanina pa 'ko dada ng dada.



Matapos ang 2 oras na puro solving ang ginawa namin, uwing uwi na ko. For the passed 2 hours puro numbers at symbols nakikita ko, kailangan ko itulog 'to kundi sasabog na ko.




"You did great today Ms. Briones. I think the champion for this coming competition is here right infront of me."





Oo nasa harapan mo na ko pero ayaw mo parin gumawa ng move! Magtapat kana kase! Manligaw kana! Sasagutin naman kita eh pfft.




Tumayo ako at inayos yung gamit ko para makauwi na.



"Thankyou Sir." Nagbow ako sakanya and he smiled at me.

Papalakad na ko sa pinto para lumabas ng magsalita ulit sya.





"One thing Ms. Briones, you don't have to wear makeup. Mas maganda ka pag wala kang makeup."








*Blink*

*Blink*

*Blink*






Pakiramdam ko napako yung mga paa ko sa kinatatayuan ko. Tama ba yung dinig ko? MAGANDA DAW AKO? Sabi na talaga crush nya ko e! CRUSH NYA 'KO!

--

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon