CHAPTER 8

5.6K 174 5
                                    





2nd day ng practice for Mathletes Month, pagkadismiss ng klase ko dumiretso na agad ako sa office ni Sir. Yuji. Wala na kong makeup o kahit na ano dahil tulad ng sabi nya MAS maganda ako pag simple ako. Grabe nga, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil pakiramdam ko hindi na maaalis sa isipan ko yung sinabi nya.

Totoo kaya yun? Baka naman ineechos nya lang ako. Haynako, Yuji akin ka nalang kase. I promise to be a good wife to you, I PROMISE!



Pagdating ko sa office nya, ngumiti sya sakin habang nakasuot naman sya ng salamin. Ay, ang pogi! Hubby, bagay sayo!




Pinaupo nya ko sabay bigay sakin ng yellow pad paper na puno ng equations.




"Um..Sasagutan ko po lahat ito?"


"Yes, Ms. Briones. I want to challenge you more." Seryoso yung mukha nya kaya kinuha ko nalang yung favorite ballpen ko na may panda sa dulo at nagsimula akong magsolve.


Nakakatawa lang dahil nadadalian ako sa mga problems, just like yesterday puro sarili kong formulas ang ginagamit ko sa pagsosolve.




Si Sir. Yuji naman nakatingin na naman, hindi ko alam kung sa akin ba sya nakatingin o sa papel na sinasagutan ko.




"Wait, don't use that formula to that equation." Sita nya sakin.


"Bakit Sir? Ito naman po palaging ginaga--"

"Ms. Briones, always look closely to the equation before you choose what formula you're going to use. Look."


Tumayo sya sa upuan nya at bigla syang lumapit sakin.





Hinawakan nya ang kamay kong may hawak na ballpen at sya na nagsosolve nung sinasagutan ko. Puro sya explain, puro sya turo ng tamang formulang gagamitin but then parang wala na naman akong naririnig sa mga sinasabi nya.




Ang lapit nya sakin, parang nagcocountdown na yung dibdib ko. Oh no, magseself-destruct na 'ko!







Ramdam na ramdam ko yung mukha nya malapit sa balikat ko, amoy na amoy ko na ngayon yung pabango nya, pati shampoo nya nalalanghap ko na. Ang bango, naaadik ako! Pasimple pa nga akong lumapit para maamoy ko pa sya lalo ng bigla syang nagsalita.






"Did you get it Ms. Briones?"


Grabe, parang ayoko na lumayo sa tabi nya. Lord, pwede po bang dito nalang ako forever? Magbebehave po ako pramis!



"Ms. Briones, baka naman maubos mo yung amoy ng polo ko sa kakaamoy mo."





Bigla akong napadilat sa sinabi nya at natigilan ako ng marealize kong hawak hawak ko na pala yung polo nya at nilalanghap lahat ng pabangong naaamoy ko.




Agad kong binitawan yun at nagisip agad ng ipapalusot sakanya.





"Ay naku Sir! May dumi po kasi, tiningnan ko lang po kung matatanggal ko at yun! Natanggal ko naman po gwapo na po kayo ulit. ESTE maayos na po ulit yung polo nyo he he he."


Seryoso yung mukha nya hanggang sa unti unting kumukorte yung bibig nya at bigla syang tumawa.




"Hahaha, alright Ms. Briones thankyou for your concern." Pinat pa nya yung ulo ko at ginulo ng kaunti yung buhok ko.





E? Close na kami? Edi pwede na kami magpakasal?





Bumalik sya sa upuan nya at nagsolve ulit ako. Nilalaro nya yung stressball nya habang inaantay nya kong matapos ng magopen sya ng topic.





"How's your story going Ms. Briones?"


*Facepalm*

Wala, wala pa kong update nape-pressure kasi ako sayo.




"Um, hindi pa po kasi ako nakakapagsulat." Sagot ko.



"It's ok, gusto ko lang itanong kung bakit ganun ang napili mong ugali ng character mo."




Nakayuko lang ako habang nagsusulat, bakit nga ba ganun ugali ng character kong yun?




"Um, it's just one of my fantasies to meet someone like my character Sir. Para kasi sakin, napakamisteryoso ng mga lalaking ganun."




"Mm. You're such an interesting girl Ms. Briones."





Ganon?





Interesting?






IBIG SABIHIN BA NUN MAHAL NA NYA KO?!







Wala ko masabi kaya ngumiti ako ng konti ng may biglang kumatok sa pinto.

PANIRA NG MOMENT! Nagkakadevelopan na kami dito e!




"Come in." Sagot ni Sir. Yuji at biglang dumungaw si Ms. Lina habang nakangiti.

"Hey, let's grab some lunch?" Tanong ni Ms. Lina na ikinataas naman ng kilay ko. Anong lunch? Sabay kami maglalunch no!



Tumingin naman si Sir sa relo nya at tumayo sa kinauupuan nya.



"Ms. Briones, you can take a break if you wanted to. We can continue this later or do you want to join us?"




JOIN US?! ANO? PARA MAKITA KO KAYONG NAGLALANDIAN SA HARAPAN KO?!




Tumayo ako at kinuha lahat ng gamit ko.


"Hindi na po Sir, mauuna nalang po ako."

"Are you sure?" Oo sure ako! May kasama ka naman na diba?!




Nagnod ako sakanya sabay tumalikod na palabas. Nginitian pa ko ni Ms. Lina at nag-give way pa sya sa dadaanan ko, ang sarap nyang sabihan na, "DON'T SMILE AT ME, YOU RUINED OUR 2ND DATE!"

--

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon