CHAPTER 9

5.5K 159 6
                                    




Ako Yuji, mabait ako pero pinipikon mo 'ko! Paano mo nagawang piliin sya kesa sakin? I'm obviously younger than her! Gusto mo ba ng mga kaedad mo? Wag! Malalandi ang mga kaedad mo! Ako dapat sinamahan mo! Tinanggihan mo dapat, edi sana kumpleto na date naten kung may magkasama pa tayong naglunch diba? HOW COULD YOU! Malandi ka talaga kahit kailan. At ikaw Ms. Lina, ang ganda mo nakakainis ka!




Kanina pa ko bulong ng bulong habang naglalakad sa field. Ayoko pang umuwi, nababadtrip ako. Ok na eh, interesting girl na nga daw ako tapos eentry pa si Ms. Lina. Alam nyo yun? Magical na nga naging disaster pa!



Umupo ako sa bench, lunch time na nagugutom ako pero ayoko kumain kasi ang gusto ko sya kasabay ko. Eh wala naman sya, nakakawalang gana.




Biglang pumasok sa isip ko yung story ko. Tutal wala naman akong ginagawa, kinuha ko yung notebook ko sa bag at kumuha din ako ng ballpen. Naglagay ng earphones sa tenga at nagsimula akong magpatugtog ng mga rakrakan na tugtugan.




~~~CHARLOTTE'S STORY~~~~

Have you ever lost someone and you can't do anything for them because they're already gone? People keep asking me 'Bakit ang sungit mo?' 'Bakit walang expression yung mukha mo?' 'Bakit wala kanang mga kaibigan?' 'May nangyari ba kaya ka nagkaganyan?'

May nangyari ba kung bakit ako nagkaganito? Yes, shit happened. My girlfriend's gone. She died together with our baby. Nakunan sya at hindi nailigtas ang anak namin dahil huli na ng madala sila sa ospital. What's worse than that? I wasn't there when it happened.

Basta kinabukasan nalang, may nareceived akong text telling me that she died and our baby. Sobrang nanlumo ako nung nabasa ko yun, nagmadali akong pumunta ng ospital pero ang tanging naabutan ko ay malamig na bangkay ng babaeng dapat ay papakasalan ko.


I've been asking god, bakit sila pa kinuha mo? Bakit sila pa at tinira mo pa 'ko? Sana ako nalang kinuha mo at hindi sila. I would have trade my life for them, but you didn't gave me a chance.

Now, people's been asking me what's wrong. You know what's wrong? This ironic world na kung kailan nahanap mo na yung taong para sayo, tsaka sya kukunin sayo.


Nagbago ako, nagbago lahat sakin. I even tried to commit suicide pero palagi akong nakakasurvive. Minsan iniisip ko nandun sya at ang baby namin para iligtas ako.

Walang araw na hindi ako dumadalaw sa puntod nila, walang araw na hindi ko sila kinakausap.

"Nahihirapan na ko, gusto ko na kayong makasama kung nasaan man kayo ngayon ng anak natin."

Hawak hawak ko ang puntod nya ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.



"Natatandaan mo ba na kapag ganitong umuulan palagi kitang niyayakap para hindi ka malamigan?"

Mabuti nalang umuulan, hindi halata sakin na umiiyak ako sa puntod nila.


Sobrang sinisisi ko parin yung sarili ko kung bakit sila nawala, wala ako sa tabi nila kung kailan higit na kailangan nila ako. Nagpapaulan lang ako at wala akong balak umalis at iwan sila dito ng mapansin kong wala na kong nararamdamang patak ng ulan sa ulo ko.


"Alam ko nasasaktan ka ngayon, pero mas masasaktan sila kung pababayaan mo sarili mo." Sabi ng babaeng nagpapayong sakin.

~~~~~




Sa kasamaang palad, nahawa yung reality sa kwento ko at nagsimula naring umulan sa field. Pinasok ko agad sa bag ko yung notebook ko at tumakbo palabas ng field.



Wala akong payong, hindi uso sakin eh. Nakalabas na ako ng gate at nagaantay ng masasakyan ng may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Bumaba yung salamin nun at nakita ko na naman sya.




"Ms. Briones, bakit nandito kapa? Akala ko nakauwi kana, halika na sumakay kana dito ihahatid na kita."




Aarte pa ba ako? E basang na basa na ako. Nagmadali akong pumasok sa sasakyan nya pagkatapos sinarado ang pinto. Inabutan nya ko ng tissue para mapunasan ko yung sarili ko. Kilig na kilig naman ako dahil nagca-care sya sakin.





"T-thankyou po Sir."

"Don't mention it Ms. Briones."

"Baka po anong isipin nila dahil nakita ako ng ilang estudyante na sumakay ng kotse nyo."

Totoo naman pinagtinginan ako ng ilang estudyante nung sumakay ako sa sasakyan nya.




"Haha, bakit ka naman nila pagiisipan e hindi lang naman ikaw ihahatid ko. Pati din si Ms. Lina."





Yung malaking ngiti ko kanina biglang naglaho, napatingin ako sa likod at sumilip sa passenger's seat. And there she is, smiling at me AGAIN.




KUNG ALAM KO LANG NA NANDITO DIN SYA, HINDI NA DAPAT AKO SUMAKAY!

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon