Chapter 4

1.1M 19.2K 9.1K
                                    

Chapter 4

(Alys' POV)

"Are we clear now, Perez?"

Kanina pa ako binibrief ni Kei tungkol sa schedule ko. Medyo naguguluhan pa kasi ako! Akala ko dati, maliit lang ang NYU pero naman! Para palang isang bayan 'tong university na 'to! Walang wala ang SCA at Brent. Feeling ko bigla na lang akong maliligaw dito. Hiwa hiwalay kasi ang buildings. Para akong nasa subdivision na imbes na bahay, buildings at establishments ang nakalagay.

Tumango ako kay Kei kahit na ang totoo niyan, hindi ko pa alam ang gagawin ko. Hehehe. Baka kasi sungitan niya ako kapag pinaulit ko na naman ang instruction!

Nag ayos na kami at nagready para pumasok sa school. Dahil ahead na sa akin si Kei ng units, hindi kami classmates. Tsaka hindi naman per bloc dito, broken schedule. Bahala ka sa buhay mo, ganon.

Sinuot ko din yung binili naming boots! Hehehe. Ewan ko lang kung bagay ba sa akin at sa weather. Medyo hindi naman malamig ngayon dahil April pa lang pero bakit ba, gusto kong magsuot ng rock star boots!

Dahil malapit lang naman ang school, nagwalk lang kami ni Kei. Medyo nagugustuhan ko ng maglakad dito. Ang saya kasi maglakad dito sa NY dahil walang masyadong dirty pollution tsaka pwede kang bumili ng kung anu ano sa vendors habang naglalakad. Medyo paborito ko na nga yung corndog, e!

"Tignan mo nga naman pag sinu swerte ka," may narinig akong bumulong. Tumalikod ako at nakita ko si Tripp!

Tumakbo ako papunta sa kanya. Mabuti na lang at nasasanay na ako sa heels kaya hindi na ako nadadapa. "Tripp!"

Ngumiti siya sa akin at kumaway. Thanks po, Papa God! Alam ko naman na hindi niyo ako pababayaan. Buti na lang at classmates kami ni Tripp.

"San ang class mo?" masaya kong sabi sa kanya. In fairness, ang gwapo ni Tripp ngayon! Nakasuot siya ng pants, white shirt at combat boots. Hehehe. Nahilig na din yata si Marco sa boots!

Sabay kaming naglakad. Ewan ko kung saan kami papunta. Siguro naman hindi ako maliligaw dahil kasama ko naman si Tripp. Matalino din si Tripp pero iba si Drake. Gifted yun, e. Si Tripp, nasa normal level ang talino. 

Pareho pala kami ng papasukan! Pumunta na kami sa room namin pero may nakalagay sa board na 'No Classes Today. Next meeting, submit a paper about Advertising Schemes. 12 TNR Double spaced. Minimum of five pages.'

O__________O

Grabe naman! Parang sa makalawa na yung next meeting, a! Ano ba naman 'tong napasukan kong eskwelahan, pwede ng icompare sa purtagory!

Biglang natawa si Tripp sa itsura ko. "Hoy, okay ka lang, Alys?"

Tulala pa din ako. Pano ko tatapusin yun?!!

"Tara, simulan na natin. Dala mo ba yung laptop mo?"

Kahit wala pa din ako sa katinuan, sumagot ako ng oo. Sabi kasi ni Kei, dapat daw lagi kong dala yun kasi kailangan ko daw sa pag aaral yun. Buti na lang Macbook Air na yung laptop ko. Super keribells bitbitin! Kakatakot nga lang kasi baka biglang masira. Ang gaan kasi.

Si Tripp yung naglead ng way. Pumunta kami sa isang coffe shop. Tama nga. Coffee shop buddy talaga kami nitong si Tripp Marco Palma! Pansin ko, e. Laging sa coffee shops kami nagkikita.

Umorder muna siya, sabi niya siya na daw oorder sa akin dahil alam niya na daw yun. Kakatouch!

Binuksan ko na yung laptop ko. Dahil sensitive naman akong tao, pinalitan ko muna yung background. Alam ko naman na crush ako ni Tripp, at pinsan niya si Drake. Wala naman akong balak maging source of away nila, no! Di ako kagaya ni Shaira!

Dating Alys Perez (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon