Chapter 14.

14.7K 440 168
                                    

Chapter 14.

Ngayon na ang screening for the Ambassdress and Ambassadors chuchubells. Napilitan tuloy ako maglugay at suotin ang contact lenses ni Jen na may grado. Feeling ko mabubulag ako shet.


"Marga, natitibo na ata ako." Sabi ni Jen habang nakatulala sa akin. Nandito kami ngayon sa CR dahil magpapalit na ako ng dress para sa screening.


"Kanino?" I asked. Shet. Ibang iba talaga ang itsura ko pag walang glasses at nakalugay.



"Sa'yo! Shet! Napaka ganda mo. Seryoso. Wala ka pang make-up niyan ah. What more kung meron na?" She pouted.



"Para kang baliw!" Pinalo 'ko ng mahina ang braso niya. Okay! I admit! Nagagandahan ako sa sarili 'ko ONLY kapag wala akong glasses at hindi naka bun.



Dumating na sina Dexa at Shan dala-dala yung curler. They started curling my hair at dapat daw pak na pak ako kasi first time 'ko to EVER.


Bawal ang naka make up sa screening para daw makita talaga ang tunay na ganda. Sinamahan nila ako patungong auditorium dahil 'don gaganapin ang official screening.


Nang makarating sa auditorium ay parang gusto ko na agad mag back out. Sinundo ako ng adviser namin para mai-line up ako. Sampo ang babae at ganon din ang lalaki. Ang dami palang magaganda at gwapo sa building namin. Bakit ngayon ko lang natuklasan?


I passed the screening at todo support naman sina Dexa, Shan at Jen sa audience area. Nakaschedule na ang workshops, photoshoots at yung mismong pageant which will be held next month sa University week. Shocks. One month preparation lang.


Natapos agad ang screening. Nagpalit ako ng tshirt at leggings. Dadaan pa akong library to borrow a book kasi magiging busy kasi ako for sure kaya kailangan ko mag advance study for prelims. Next next month pa naman pero mas mabuti ng prepared.


I recieved a text from Clarence. Absent siya all day kasi may inayos siya sa Parañaque regarding daw sa charity program nila.


From: Fuckboy

I miss you :( dinner tayo sa condo?


Araw araw na kaming magkatext ni Clar which made us closer together.


To: Fuckboy

I misss you too Clar! Osige. Pupunta na ako tas luto na ako agad para pagdating mo kakain nalang tayo? I need to study eh. Uwi ako agad mga 7.


From: Fuckboy

Let's study together. 'Don nalang tayo sa bahay niyo after dinner. Kapag kasi sa condo, baka iba pa mangyari eh. Hehe ;)


Napahalakhak ako. Shet. Para ko na talagang boyfriend ang isang 'to. Emotional attachment nalang ang kulang. Lol!


To: Fuckboy

Baliw. Oo na! See you!


Tinext ko agad si Mama na pupunta si Clarence sa bahay. Kilala ni Mama at Ate si Clarence kaya hindi na ako nahihiya na papuntahin siya sa bahay. Ang kaso nga lang, dapat daw pag pupunta si Clarence ay dalat andun sila. Bawal kaming mapag-isa.


Nagtungo ako sa condo ni Clarence. Since alam ko naman ang code ay pumasok na agad ako at pinagluto siya ng request niyang sweet and sour. Pansin ko lang kay Clarence ay mahilig siya sa lutong bahay.


Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon