CHAPTER 12

4K 33 1
                                    

  Binaliwala ko ang isinisigaw ng isang isip ko na huwag kong gawin, bagkus mas pinakinggan ko ang isa na nag uudyok upang patayin ko na si Ryu.

Humakbang ako patungo sa kinatatayuan niya. Hawak hawak pa rin ang paddle na gagamitin kong pamalo sa mga bahagi ng kanyang katawan.

"Ryu alam mo ba, kung nakikita mo lamang ang ayos ng hitsura mo masasabi mong kaawa awa ka."

Itinaas ko ang paddle na kanina ko pa hawak.

"Saang banda kaya ng katawan mo ang uunahin ko? Ang mga braso mo ba? Mga hita? O ang ulo kaya?" sabay tawa.

"Hindi ko papayagang mapatay mo lang ng basta basta Andrea. Hangga't may hininga ako, lalabanan kita."

"Aww! talaga? Kung gayun tingnan natin!" inihataw ko ang paddle sa kanya. Mas inuna kong patamaan ang kanyang brasong pinangsalag niya sa paddle.

"Aaaahhhhhh!" atungal ni Ryu.

Parang wala akong naririnig. Hindi ko magawang tumigil. Nasisiyahan akong nakikita siyang naghihirap. Paulit ulit ko siyang pinaghahampas hanggang siya'y mawalan ng balanse. Ito ang naging dahilan ng pagbagsak niya sa sahig.

"Hindi pa nga tayo nangangalahati sumusuko kana agad? Tsk! Tsk! Akala ko ba malakas ka. Singlakas ng hampas na 'to"

Galit na galit ako sa ginawa niyang pagpapahirap sa akin. Wala akong alam na kasalanang ngawa ko sa kanya, at kung bakit niya ako pinahirapan.

"T-tama na A-andrea! H-hindi k-ko na k-kaya!" Nauutal pa niyang tugon.

Hindi ako maaaring tumigil. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob para makapaghigante sa kanila tapus sasabihin niyang tama na? HINDI! HINDI AKO TITIGIL HANGGAT HINDI KO NAKUKUHA ANG GUSTO KONG KABAYARAN SA MGA GINAWA NINYO SA AKIN! Marami ng dugo ang dumadaloy sa kanyang mga sugat. Ang mga dugong sumusimbolo na nagtagumpay ako sa nais ko.

Umakto akong papaluin siya sa kanyang ulo, kaya itinaas ko ang paddle at senetro iyon sa kanyang ulo.

"Ito na ang panghuli sa lahat Ryu. Nawa'y gabayan ka ng mga pinsan mong demonyo upang maligtas ka sa tiyak na kamatayang ibibigay ko!"

Bahagya kung iniangat ang paddle na hawak ko at sinetro ko iyon sa kanyang ulo..

Ngunit..

Hindi ko pa man nagagawa ang paghataw sa paddle ng biglaang bumukas ang pintuan na siyang daglian kung ikinatigil.

Isang lalaki ang pumasok sa loob.
Parang pamilyar ang kaniyang pagmumukha.

Oo siya yung lalaking nakikita ko sa aking mga panaginip.
Siya yung lalakeng gustong gusto ko ng mayakap at makasama.
Siya yung lalakeng matagal ko ng hinahanap..

Siya nga..

"ANAK TAMA NA!" Sigaw nito.

Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya. Nakatinggin lamang ako ng direkta sa kaniyang mga mata.

"Anak di mo ba ako naalala?"
Nang nakita ko na ang mukha ng lalaking nakaputi parang bigla akong nabuhayan ng dugo at parang ang sayasaya ko sa mga panahon na ito. Lahat ng aking paghihinagpis at mga kasakitan sa aking buhay ay tila nawala ng makita ko ang aking tatay na gustong-gustong umkap sa akin.

"TATAY?" Nabitawan ko ang paddle na hawak ko. Hindi ko lubus maisip na ang inakala kung umurong na mga luha ko, ay papatak pa palang muli sa pagkakataong ito.

Para akong ipinako sa aking kinatatayuan ng bumalik sa aking isipan ang mga ginawa ko. Bumaling ako sa kinaroroonan ni Ryu, duguan siya at kung iyong pagmamasdan ay parang wala ng buhay.

Napaluhod ako sa sahig. Nakita ko ang sarili ko sa repleksyon ng kutsilyong nasa harapan ko.

Ano'ng ginawa ko? Ano'ng nangyayari sa akin? Ano?

Isang mainit na palad ang dumapo sa aking balikat. Ramdam ko ang hagod ng isang ama. Hagod na tila nagsasabing, Anak mahal na mahal kita. Hagod na tila humihingi ng kapatawaran sa akin. Hagod na puno ng pag aaruga.

"ANDREA, ANAK TAMA NA. HUWAG MO NG ITULOY!"

Napahagolgol ako ng muli kong marinig ang mga tinig ng aking ama. Kaya hindi ko naiwasang hindi siya yakapin.

"Tay bakit ngayon ka lang? bakit ? Ang tagal ko ng hinintay ang pagkakataong mangyari ulit ito." Sabi ko habang umiiyak sa kaniyang dibdib.

"Nak. Andrea. patawarin mo ang tatay kung wala ako sa tabi mo noong kailangan mo ako kasi may mga bagay talaga na dapat mong iwan para lumigaya ang taong mahal mo. Masyado ka pang bata no'n kaya hindi mo pa maiintindihan." Pagpapaliwanag niya

"Pero bakit nyo pa kami iniwan ni Nanay?"  

AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon