CHAPTER 16

5.4K 184 5
                                    


"Bakit mo ko tinakbuhan Ms. Briones?"

"Um.." Nakayuko ako, ayoko syang tingnan. Nanghihina na naman yung mga tuhod ko ano ba yan.

"I kiss--" Hindi natuloy yung sasabihin nya ng may mga dumaang mga estudyante samin.

Buti hindi nya natuloy yung salitang he kiss ME on my forehead at hindi narinig ng mga kapwa ko students kundi magiging malaking issue yun para sakin at sakanya sa loob ng campus.

Umikot ako at balak ko na namang tumakas sakanya pero hinawakan na naman nya yung kamay ko at hila hila na naman nya ko pataas ng hagdan.

"Si-sir--" Hindi nya ko pinapakinggan basta hawak hawak nya lang yung kamay ko.

Sa dinadaanan namin halatang papunta kami sa office nya. Naginit na naman yung mukha ko, naalala ko na naman yung halik nya sa noo ko. Sa totoo lang umabsent ako ng tatlong araw ng dahil dun.

Pagdating namin sa office nya, una nya kong pinapasok sabay lock nya ng pinto. Bigla akong kinabahan, waah! Ba't nya nilock yung pinto?!

"Si-sir b-bakit nyo po ni-nilock yung pin--"

"You were absent for 3 days Ms. Briones. Pinuntahan kita sa bahay nyo but your brother keep telling me you're not there. I was so worried about you. Is this about the kiss?"

*Dub.dub.dub.dub* Pinaalala na naman nya. Sa dami ng tanong nya, anong una kong sasagutin dun?

"Charlotte answer me please." Humahakbang sya papalapit sakin habang nanlulumo na naman yung mga mata nya. 3 steps nalang at magkalapit na naman kami ng harangan ko sya ng kamay ko.

"STOP!" Nakaharang yung mga kamay ko sakanya. Parang traffic enforcer lang.

"Wha--" Magsasalita sana sya pero hindi ko sya pinatapos.

"No, Sir. You stop talking and you will let me finish." Lalapit pa sana sya ng pigilan ko ulit sya.

"Stop! You will stay there Mr. Yuji. Utang na loob wag ka lalapit nagkakasala ako ng di oras." Sa kakaatras ko pader na yung nasa likod ko. Korner na ko dito, tutal nandito na sya sa harapan ko at talagang naguguluhan na ko aamin na ko.

"Ok, Sir Yuji. Nagkasakit po ako kaya hindi ako pumasok ng tatlong araw."

OO NILAGNAT AKO SA KISS NYANG YON. NAKAKALOKA.

"But--"

"Hep! Sir, sabi ko ako lang magsasalita diba? Quiet lang kayo dyan okay?" Nagcrossed arms naman sya at tinuloy ko ulit yung sinasabi ko.

"Ano po kase eh...um.."

Ano ba sasabihin ko? Aamin na ba ko na kaya ko tumakbo nun kasi kinilig ako at kailangan ko ng hangin ng araw na yun kundi sasabog ako?

"What, Ms. Brio--"

"NATATAE PO AKO NUN SIR!"

Napapikit ako sa sinabi ko habang napapakagat labi ako. Wala akong maisip na palusot e! Bigla akong nandiri sa sinabi ko. Talagang tagalog na tagalog Karlota?! Pano kana magugustuhan ni Sir nyan ngayon?!

Wala akong naririnig na reaksyon ni Sir kaya isa isa kong dinilat yung mga mata ko at there he goes again.

LAUGHING HIS ASS OFF.

"Hahahahahaha!" Hawak hawak na naman nya yung tyan nya kakatawa.

Habang ako naman napaupo nalang sa sahig ng dahil sa kahihiyan. Ok lang yan Karlota kesa naman umamin ka diba? Magmumukha kalang hopeless. Pero langya talaga ang baho ng palusot ko!

"Sir, kung tapos na po kayo tumawa makakaalis na po kayo."

OO SYA PINAPAALIS KO SA OFFICE NYA. NAKAKAHIYA NAMAN TAWA SYA NG TAWA!

"Hahahaha! Ok...ok I'm done."

"I'm done daw, kilala kita Sir may pahabol pa yan."

At tama nga ako. Humalakhak na naman ang kumag. Napapatakip nalang ako ng mukha ko, hiyang hiya kana nga tinatawanan kapa.

"And where are you going?" Pigil nya sakin.

"Babalik na po ako sa room, busy pa kayo kakatawa e. Balik nalang po ako mamaya pag napagod na kayo." Sagot ko.

Nakita ko pang huminga sya ng malalim bago magsalita ulit.

"I'm sorry Ms. Briones okay? Stay."

Stay? Ano 'ko aso? Ano sunod bark, rollover, fetch?

Nakita kong may kinuha sya sa drawer nya at bumalik sya ulit papalapit sakin.

"Price ko sana to sayo after ng Mathletes Competition pero mukhang nagagalit ka na naman kay Sir at kailangan ko magbigay ng peace offering sa estudyante ko." Nakangiti sya habang sinasabi yun at pinakita sakin yung box na maliit.

It's like a box for a jewelry, dark blue box na may mga fur pa. Hindi sya ganun kaliit na parang singsing ang nilalaman, no.

He slowly opened it at nakita kong naglalaman iyon ng necklace. Silver necklace to be specific.

"Pinagawa ko to para sayo, ako mismo nagpadesign nito and it has your name in it."

Kinuha nya yung necklace at ang nakakuha ng atensyon ko e yung pendant. Crown sya na napapalibutan ng maliliit na kumikinang na gems.

"May I?" Hawak nya yung necklace at gusto nyang sya ang magsuot nun sakin.

Wala naman ako masabi kaya tumalikod ako at dahan dahan nyang sinuot sakin yung necklace. Sya naghawi ng buhok ko pabalik ng malock na nya sa leeg ko yung necklace. Ang ganda, first time may magbigay sakin ng necklace at sakanya pa mismo nanggaling.

"Crown means you won in any pageant right? In this case, kahit hindi kapa lumalaban sa Mathletes competition, manalp o matala, you're already my champion, Ms. Briones."

Ang laki ng mga ngiti nya sakin, samantalang ako speechless, hindi makagalaw, at pakiramdam ko maiiyak pa ko. Hindi ko to inexpect. Natatouch ako.

"Mapapatawad mo na ba si Sir. Yuji, Ms. Briones?" Malambing na tanong pa nya.

"Nasa leeg ko na po yung necklace, magiinarte pa ba ko?" Parehas kaming natawa sa sinabi ko at lumapit sya sakin para yakapin ako.

Tama si Jess, hindi na crush tong nararamdaman ko para sakanya. Love na 'to, mahal ko na sya.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon