Chapter 11 ♥ Princeton Academy

48.8K 541 52
  • Dedicated kay ToMyListeners ♥
                                    

Chapter 11

WELCOME TO PRINCETON ACADEMY!

Malayo pa lang yan na ang mapapansin mo. Napakaraming estudyante sa paligid. Marami ang naglalakad, merong ring nagtatakbuhan, mga mayamang estudyanteng nakasakay sa kani-kanilang magagarang kotse at marami pang iba na papasok sa loob ng napakalaking gate ng isa sa mga pinaka prestihiyosong paaralan sa buong Pilipinas. Walang iba kundi ang...

Princeton Academy.

"Nanjan na ang Intricate band! Oh.Em.Ghee.!"

"Ms. Serene! Ang ganda nyo idol!"

"Kabibili ko lang ng bago nilang album at super ganda! Pramis!"

Kalalabas lang namin sa pinto ng kotse namin at may gulayness! Hindi ko inexpect na pati ang mga schoolmates namin ay dudumugin kami ng ganito. Kahit saan kami tumingin may mga flashes ng camera ang makikita namin. Meron ring mga hiyawan, sigawan at mga kamay na umaasang mahawakan kami o kahit mayakap man lang. Ni hindi na nga namin makita ang daan papasok sa loob ng school. Natatakpan na kasi ito ng napakaraming tao na hindi magkandamayaw mapansin lang namin. Si Julian ay todo kaway at ngiti sa kanila. Yan tuloy sa aming lahat, sya ang pinakadinudumog.

"May padating may padating!" sigaw ng iba pang mga estudyante sa paligid. At nang may mangilan ngilang magarang kotse na huminto malapit lang din sa amin. Mas lalo pang nagkagulo ang lahat. 

"Ang Princeton Band nanjan na rin!" 

"Oh may freaking gulay! Ang mga Prinsipe natin!!" 

"Nandyan na sila Jace my loves! Kyaahh!!"

Oh wait Prinsipe? At kailan pa naging 'Prinsipe' ang tawag ng mga tao dito sa school sa mga mokong na yun? 

Bumukas ang bawat kotse na sinasakyan nila at tulad namin ay dinumog rin sila ng mga estudyante. Si Rico napakalaki ng ngiti sa mukha parehas sila ni Nathan. Masaya nilang binati ang mga schoolmates namin lalo na ang mga babae gamit ang kindat at killer smiles nila. Lahat sila nakasuot ng itim na shades na nagpadagdag ng one hundred percent hot look sa porma nila.

Pero ng ibaba ni Shane ang shades pati na rin kay Niel. Kulang na lang ay mapatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng hiyawan sa paligid. Lumapit sila sa amin at ang nagkukumpulang mga tao sa paligid ay nagbigay daan magmula ng magsimula silang maglakad.  

At sino pa ba sa tingin nyo ang leader ng mga Fpwet na 'to? Walang iba kundi si Jace Alvarez na wala pa ring pagbabago ang kaangasan, kaisnoban at kagwapuhan all in one! At nasabi ko na ba sa inyong bagay na bagay sa kanya ang jersey jacket na suot na uniform ng school? Para syang isang modelo na lumabas sa isang papel ng magazine at nagkaroon ng sariling buhay. At pinaka mas nakakagulat pa roon ay sa bawat hakbang ng gwapong nilalang na 'to na sinusundan ng tingin ng bawat babae na umaasa na mapansin nya... ang mga mata nya walang ibang tinitingnan kundi... ako.

Jusko ang puso ko. Kumalma ka lang. 

Nakatulala na siguro ako roon ng napakatagal kasi hindi ko namalayan ang biglang malakas na pagpitik sa noo ko. 

"Aray!" 

"Dahan dahan lang sa pagtitig," lumapit sa akin si Jace bago bumulong sa tenga ko "baka matunaw ako." 

One word. Waaaaah! Ay wait. Word ba yun? 

Nagsisimula ng mamula ang mukha ko. Ang init ng pisngi ko at hindi ko sya matingnan sa mata. Kasi naman eh! Huhu. Nakakahiya! Nahuli nya akong nganga sa kapogian nya. Aasarin na naman ako nito eh! Oo habang tumatagal eh si Jace gumagaling na sa ganyang propesyon pagdating sa akin.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon