Soul 9: Map

33.7K 1.8K 64
                                    

"Ignorance may be a bliss but how long will you deceive yourself?"



AVERY



Naglakad si Zirrius patungo kina Liana at Leo. "Huwag mong sabihin sa 'kin na gusto mong suntukin si Leo? He is not aware of your relationship with Liana. It's just natural for him to flirt with her," pang-aasar ko sa kanya. I was hoping that he would understand the situation. Ayokong magpadalos-dalos siya sa kilos niya.



"If you're going to make a scene, tiyak na makakarating pa ito kay Lord Kelvin," dagdag ko pa. Nang marinig niya ang sinabi ko, bahagya siyang kumalma. He breathed heavily. Mariin niyang ikinuyom ang kamao at pilit kinontrol ang nararamdamang selos. Umakto siya nang normal at kalmadong naglakad patungo kina Liana.



Nang mapansin siya ni Liana ay agad na tumayo ng tuwid si Liana at bahagyang yumukod sa kanya. Tumigil si Zirrius sa harap ni Liana.



"Gabi na," he said. I could sense the possessiveness on his tone.



"Nag-uusap lang kami," nakangising saad ni Leo. "May problema ba? Ihahatid ko na lang siya mamaya sa kanyang silid. She's safe with me," he added. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko ang paghahamon sa tinig ni Leo. May alam ba siya sa relasyon ni Zirrius at Liana?



"Ako na ang maghahatid sa kanya," Zirrius said. Tila gusto kong mapailing dahil parang nag-aaway sila sa iisang babae. Tumingin si Zirrius kay Liana at bahagyang ngumiti. Inilahad niya ang kamay kay Liana.



"Lady Liana?" mahinang untag niya.



"Hindi ba nakakahiya?" she asked. Hindi ko alam kung bakit nagpapakipot pa siya gayong alam ko naman na papayag din siya. Painosente lang?



"It's fine and it's getting late," he said.



"Then I should be going," she said. She looked at Prince Leo and curtsied. She's a good actress. Pwede ko siyang bigyan ng award. Kinuha na ni Liana ang kamay ni Zirrius. Nang tumingin naman si Zirrius kay Leo ay nakasimangot na ito.



"Bumalik ka na rin sa silid mo, Prinsipe Leo," seryosong saad pa ni Zirrius. Hindi ko alam kung inaasar lang ba niya si Leo o sadyang nagmamalasakit siya sa pinsan. I couldn't tell which is which.



"I'll see you again, Lady Liana," Prince Leo said and bowed on her. Naglakad na siya palayo pero alam kong dismayado siya. Sumimangot naman si Zirrius nang mawala na si Leo sa paningin niya. Naglakad na silang dalawa.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon