Chapter 30 : Real One

65.9K 2.1K 319
                                    


[ R E N N E I ' S  P O V ] 




"Aw!" agad kaming napatingil sa malakas na usal na nanggaling sa likod ng aming grupo. It's Mir, another former personal reaper of Alex. Mabilis naman kaming nagtungo sa kanya at tinanong kung ano ang nangyari. We can't afford to lose anyone anymore. Not another reaper. Not another friend. Not another part of our family. 



Nang makapagtipon tipon na kami sa paligid niya ay bakas sa kanyang mukha ang labis na sakit at hapdi na kanyang iniinda. Tila ba patuloy siyang tinutusok ng napakaraming karayom na siyang nakakapagpapikit pa sa kanya sa sobrang sakit. Maagap na humakbang papalapit si Janice upang alalayan si Vladimir. Gayon na rin sina Kuya Xander at ang iba pang natitirang reapers. Napansin namin na tumitindi ang pamimilipit niya na nakahiga na siya sa maruming semento kaya mas binilisan namin ang pagkilos sa paghanap ng sugat niya. Hindi na rin namin siya makausap ng maayos dahil binibigay niya ang kanyang buong atensyon sa hirap na nararanasan niya ngayon. 



Kinapakapa nila ang ilang maaaring parte ng katawan na nananakit sa kanya. Binuksan din nila ang polo na suot niya upang matingnan ng mas maayos ang kalagayan niya. At doon ay nakita nila ang pamamaga ng dibdib at kaliwang braso nito. Ito ang mga parteng nadaganan kanina ng ilang bakal kanina. Ikinasinghap naming lahat ang labis na pamumula at pamumugtog nito. Hindi naman nagsayang ng oras sina Janice para tulungan siya.



"No good. Kailangan natin siyang dalhin sa ospital. Iyon lang ang tanging paraan para iligtas siya. Hindi sapat ang kaalaman na mayroon ako para tulungan siya. Jake, we sent you a while ago. Do you think that route is still open?" agad namang paglipat ng atensyon nito sa isa pang former reaper ni Alexandria. Mahigpit niyang hinawakan ang hawak hawak niyang maliit na box. Kahon na inilabas niya kanina bago kami tuluyang lumabas sa gymnasium. Kahon na hindi niya man lang ipinapahawak kahit kanino. Kahon na sobra sobra niyang iniingatan na para bang ito na ang pinakamahalagang bagay sa kanya sa mga oras na ito. 



Isang beses siyang huminga ng malalim bago siya tuluyang sumagot. "Yes. I'm sure we can do it if we help each other and if we believe together." determinadong wika niya. "I swore on the emblem inside this box that I'm going to protect everything that is beloved to my master. And I'm going to keep that promise until I die." desidido at buo ang loob na ani niya na mas nakapagpalakas sa loob naming lahat. Hindi namin matago ang mga ngiting simbolo ng pag-asang natitira sa amin. Pag-asa na muling nanggaling sa babaeng hindi man nasa piling namin ngayon ngunit patuloy pa rin kaming sinusubaybayan. 



Hindi naman na kami nagtagal pa at tinulungan na namin na pasanin ni Jerson ang kapwa niya reaper. Ginamit namin ang mga panyong dala namin upang pagtagpi-tagpiin ito bilang panigurado na hindi mahuhulog si Mir mula sa likod ni Jerson. Nag-aalalang tiningnan ko rin ang asawa kong hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Nananatili lamang siya na dala dala nina Alexis at Collen gamit ang kanilang mga bisig. Yakap yakap naman na mahigpit ni Dereen ang pinakabata sa aming grupo. Kita ko ang pagkainosente niya sa lahat ng mga nangyayari. Halata ang paninibago niya sa amoy ng dugo, itsura ng mga sugat, mga nakabaong bala, mga wasak wasak na mga damit, mga nakahandusay na malalamig na mga bangkay, at sa mga nanlalatang itsura naming lahat. Wala namang ibang magawa si Finn kung hindi ang damayan ang kapatid sa pamamagitan ng pagdampi ng malambot niyang kamay sa likod nito o hindi kaya'y pagtakip sa mga mata nito paminsan minsan. Ang kaninang Alexei na lumuluha ay pilit na nilalakasan ang loob para sa mga kapatid niya at inaalalayan ang kanyang ama na sugatan din. Alam kong dama niya na ang pagod ngunit abang tinitiis niya ito. Wala ni isa sa amin ang may lakas ng loob na lumuha o maglupasay sa kung ano ang nagaganap ngayon. Wala. The only thing we could do is to pull ourselves together and to get out of here safe and sound. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon