chapter 8.3 canteen

465K 8.2K 1.1K
                                    

chapter 8.3 canteen

papasok kami sa canteen ng school..palinga linga si Therese..nagets ko namang si Dwight ang hinahanap nya..hula ko lang..hihihi

tinodo ko na ang order ko kasi gutom na ko..lalo akong nagutom sa away kaninang umaga..

kahit hindi ako yung nakipag away tlgang naubos ang kaba ko e..

carbonara,2 tuna sandwich, sansrival saka cola..dinagdagan ko pa ng 1 banana..yan ang sakin..

si therese naman e iced tea lang saka isang chicken sandwich..ang unti nyang kumain..no wonder slim talaga sya..sexy!

nakatingin pa ko sa tray nya at tinanong kung yun lang talaga ang gusto nya?hindi naman sya sumagot kaya inabot ko na kay ateng cashier yung bayad..pinalalakad ko na si therese pero hindi pa rin sya natinag e..

sinilip ko naman yung itsura nya pero ayun..nakatanga nanaman..parang alam ko na ang sususnod na pangyayari..

may tumigil na 2 lalaki malapit sa harapan namin..

“burger lang sakin saka coke..”-dwight

hindi ata nya kami napansin kasi diretso counter lang tingin nya..

“ako footlong saka coke in can..”sabay tingin sakin nung michael ata yun..nakapang asar nanaman agad sakin..

*poke poke*

kinakalabit ko na si therese para maglakad na kami paalis at makaupo na kami..

parang wala syang naramdaman..

napalingon naman si dwight samin.naramdaman nya sigurong nakatanga sakanya si therese..

parang hindi naman nya nakita si therese kung makatingin e..alam nyo yung linagpasan lang ng tingin..tapos napatigil sya sa gawi ko..nakunot ng konti yung noo nya..

bakit kaya?wala naman akong ginawang masama a!hindi ko naman sya tinitigan..tinignan lang pero hindi naman talga titig yun e..sa susunod talaga hindi ko na titignan to..baka asarin na rin ako e..

“tara na therese.”hinila ko na sya..

“ah oo nga sorry ha..natulala ko kay dwight..gwapo kasi e!”pabulong na sabi ni therese

yumuko naman ako at lalampasan na namin dapat sila pero nakita kong hinarang ni dwight yung isang paa nya sa may dadaanan ko..napatingala ako sakanya na may pagtataka..naku baka aasarin na din nya ko tulad ng mga kaibigan nya..o baka gusto nya kong talisurin?

tinignan nya ko sa mata..nagulat ako..bakit nya ko tinitigan sa mata?..parang may hinahanap sya..

kala ko magsasalita sya pero yumuko na ko at umalis na agad..

pagkaupo namin ni therese...

“bestfriend pahiram lang sandali ng mirror mo..may something ata sa mukha ko..”

ano kayang nakita nun sa mukha ko?may kulangot kaya ako?

inabot naman agad ni therese yung mirror nya..

pagtingin ko sa salamin,yung mata ko agad ang nakita ko..naka black brown contacts ako..

hindi kaya..napansin nyang iba yung kulay ng mata ko?baka akala nya naka green contacts lang ako nung sa bulacan o vice versa?ay ewan na nga..

kakain na lang ako kasi gutom ako!!walang manyayari sa kras kras na yan..

kumain pa ko e di nabusog pa ko ng todo!hindi ko nga rin maisip bakit hindi makakain ang mga girls pag inlove sila?siguro nagkakasakit na sila kakaisip sa jowa nila kaya ganun..

buti ako hindi inlove..at matatagalan pa yun kasi hindi ko pa talga iniintindi yun..

“alam mo bestfriend..ang swerte ng magiging gf ni dwight no?”-therese

“si alliana ang girlfriend nya.”tipid na sagot ko..

“huwat?are you sure?yung halimaw sa banga na yun?ano namang nakita ni dwight dun?”-therese

nag-shrug nalang ako..yan naman lagi ko gnagawa pag ayaw ko na sumagot o pag wala na ko masabi.

ayaw ko kasing umasa sa wala tong kaibgan ko..naiinlove sya kay dwight e si alliana na kaaway nya ang mahal nito..ayon sa kwento ni Erin saka sa nakita ko sa bulacan..tlgang malungkot si dwight..ay ewan ko pala..baka ganun lang talaga sya..

“kakainis nmn yang alliana na yan!panu na ang lovestory namin ni dwight?”-therese

“bata pa nmn tayo..madami ka pa makikitang mas gwapo pa.”-me

“e basta..si dwight ang gusto ko!”therese

parang batang gusto lang ng laruan ah..bahala na sya..ayoko isali ang sarili ko sa gusto nyang mangyari..

“tara na..pasok na tayo..baka magbell na e..alam mo naman maabgal ako maglakad.”-me

“ay oo nga bestfriend.haha sesyan na!”tumayo na rin si therese at naglakad na kami papuntang classroom..

____________________

Revenge Ni Miss PiggyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon