Can I be your Kim Taehyung?

459 34 7
                                    

"Mama ayoko pls maaaa" pag iinarte ko sa nanay ko habang hinahatak yung maleta ko sa hallway ng dorm ng school na titirhan ko.

Bukas may pasok na. Kaya eto kami ni Auburn, lilipat na talaga sa dorm T_T

"Dear. Wag na makulit. Ano ka ba! Mas makakadalaw dito si Taehyung. Wala ako kaya wala kayong bantay! You can do whatever you want alam mo naaaa~ hahahaha" biro nya pa habang buhat buhat rin ang isa ko pang malaking bag na puno ng kpop merch na inoorder namin ni Auburn sa online.

Huminto ako sa paglalakad ng mapansin kong andito na kami sa tapat ng magiging room namin.

"Maaa naman ehhh!" reklamo ko habang pumapadyak.

Bumuntong hininga sya sabay lapit sa akin. Agad nya akong niyakap ng mahigpit. "Dear. Mamimiss ka ni mama." narinig kong nagcrack yung boses nya kaya hindi ko napigilan yung sarili kong mapaluha.

"Mamaaaaa" iyak ko na parang bata habang niyayakap sya ng mahigpit. Mahal na mahal ko si mama. Ang hirap lang sa pagiging anak yung feeling na mapapalayo ka sa kanila.

"Hmmp. Ano ba yan dear.. " pinunasan nya luha nya sabay humarap sakin. "kahit kailan talaga ang drama natin. Ha-ha di pa naman ako aalis eh. Pero dear ika-musta mo ako kay Gd. Hahaha. You tell him na sasama muna ako kay dad mo. Pero he's still my boyfriend. Hahahahaha" biro nya ulit. Pinagmasdan kolang syang tumawa. Ganito sya eh. Kahit conyo conyo at mejo sosyalera yang nanay ko, sobrang proud akong maging anak nya. Mamimiss ko talaga sya ng sobra.

Muli ko syang niyakap "Mama mamimiss kita"





******





"Auburn hindi talaga ako makatulog! Mas gusto ko don sa bahay!" kalabit ko kay Auburn na ngayong nagcecellphone at nanonood ng Fifty Shades of Jimin nya.

"Tawagan mo si taehyung para dika maurat." tipid nyang sabi habang di tumitingin sa akin.

7pm palang at eto ako nauurat na sa dorm na to. Bukod sa walang T. V,  wala akong naririnig na conyo words ni Mama. Namimiss ko na agad sya. Next week na ang alis nya kaya talagang hindi ako mapakali. Sobrang bilis ng pangyayari na ganon ngang aalis na agad sya.

Hihiga na sana ako sa tabi ni Auburn ng maaalala ko nanaman yung kagabi.

"Aigoo. Sino kabang letchugas kang lalaki ka para.....ugh!!!!Ukinamuuuwt!!!" bigla kong hinaing ng maalala ko nanaman yung kagabi.

Ni hindi ko na nga maalala kung paano ako nakalabas sa horror house nayun kagabi. Sobrang nawala ata ako sa sarili matapos mahalikan sa noo ng isang lalaking hindi ko naaninag manlang ang mukha! Tangina malay koba kung anong itsura non baka tambay sa kanto, lasinggero or baka rapist!!!!

"UGHHH!!! BAT KASI BULAG AKO SA GABI!!!????" hinaing kopa habang ginugulo gulo ang buhok ko

"Bulag sa gabi??  Anong oras na Autumn? Bat nakakakita kapa? Akala koba bulag ka sa gabi?" sarcastikong banat sakin ni auburn

Pinalo ko sya sa pwet kaya napa-aray sya. "Ikaw ang sama mo! Isa karin eh! Nang iiwan ka sa ere!" pinalo ko ulit sya sa pwet pero mahina lang.

"Minsan kailangan mo ring mang iwan para marealized ng isang tao ang halaga mo" panghuhugot nya nang wala paring tingin tingin sakin. Nakita kong nagtutwitter na sya.

"Pero Auburn. Seryoso ka ba talaga na wala kang alam sa nangyari sa akin kagabi!!??? Kasama pa kitang pumasok sa loob. Asan ka nung kailangan kita huhh???" pag iinarte ko sa kanya. Sinusundot ko na sya sa tagiliran. Tumawa lang sya.

That Korean Boy Is My Suitor? (BTS V) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon