CHAPTER 24

5.2K 160 4
                                    


Pagdating ko sa classroom gulat na gulat silang lahat. Nako ha kanina pa ko nakakakita ng mga nagugulat na mukha, hanggang kailan sila ganyan?

Pumasok ako at umupo sa upuan ko. Nagsilayuan sakin yung mga katabi ko, bitbit nila mga bag nila at nagsiupo sila sa likod.

"Ang O-OA nyo. Sigaraduhin nyong hindi kayo makalapit lapit sakin ha?" Sabay irap ko sakanila.

Dati ako yung tipo na palaging naggogood morning sakanila, ako yung tipo na pag tapos ko na yung assignment ko papakopyahin ko sila. Tapos may kumalat lang na ganung issue, mas pinili nilang paniwalaan yun? Ano ba naman yung tanungin muna ako bago sila makiuso na husgahan ako diba?

"Char!" Tumingin agad ako sa pinto at nakita ko si Penny na tuwang tuwa na makita ako.

Nginisian ko sya pero sya pinagpipisil yung ilong at mga pisngi ko.

"Bakit ngayon kalang pumasok?! NAMISS KITA!" Sabay yakap naman nya sakin ngayon.

"Nako wag mo kong yakapin baka mahawaan kita ng sakit ko."

Nagsalubong yung mga kilay ni Penny sa sinabi ko. Halatang hindi nya nagets yung sinabi ko.

"Anong sakit pinagsasabi mo?"

"Aba malay ko, kung layuan kase ng mga abnormal nato parang may malalang sakit ako. Ang O-OA!" Pinagtuturo ko pa sila, mga peke silang kaklase.

Mas kilala nila ako kesa sa mga ibang taga sections o ibang batch tapos sila pa nangungunang husgahan ako. Mga made in china!

"Wag mo na sila pansinin, they don't matter. Anyway, tara samahan kita sa signing ng Mathletes. Pirma mo nalang kulang dun."

Oo ngapala, yung Mathletes nakalimutan ko na. Lalaban pa ba ko? Parang nawalan na ako ng gana.

"Wag na di na ko sasali." Bumitaw ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko at nilabas yung headset ko.

"Char, halika na. Hindi mo to gagawin para sa kahit na sino, gagawin mo to para sayo. Wag mo na silang pansinin."

Tinanggal nya yung headset ko at hinila na naman ako sa kinauupuan ko. Kahit kailan talaga mga tao dito ang hihilig manghila.

Pababa kami ng hagdan habang hila hila padin ako ni Penny ng titigan ako ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Yung iba tumatawa pa na ikinataas ng alta presyon ko.

"Hoy, kung tatawa ka sigaraduhin mong kompleto yang ngipin mo ah? Hindi ka nakakaasar, nakakasira kanang araw!"

Tumigil sa kakatawa yung babaeng sinabihan ko sabay takip nya ng panyo sa bibig nya. Langya ng mga tao dito, kung husgahan ang gusto nila makikiuso ako sakanila. Akala mo ang gaganda, mga mukha namang paa.

"Char, nagsusungit ka na naman tara na!" Lalapitan ko pa kase dapat yung babaeng tinuro ako sabay bumulong sa katabi nya pero pasalamat sya hinila ako ni Penny.

Ang sama ko na ngayon, but guess what? Ang sarap sa pakiramdam.

Pagdating namin sa court dahil nandun yung Mathletes signing, pinagtinginan ako ng mga basketball player.

"Oh, wag mo na patulan halika na dun tayo." Naninigas na yung kamao ko, bidang bida ako ngayong araw nato ang saya naman.

"Pangalan?" Tanong nung babaeng tagalista.

"Charlotte Briones." Sagot ko.

Napatigil sya sa pagsusulat at tumingala sya sakin.

"What? Does my name ring a bell to you?" Nakataas ang mga kilay ko sakanya habang nakacrossed arms ako. Siniko ako ni Penny pero hindi ko sya pinansin.

"N-no." Sabay yuko nya at sulat ng pangalan ko sa listahan.

Inirapan ko lang sya, grabe sikat na sikat yung pangalan ko dito.

Ilang minuto nakalipas, registered na ko sa competition. Binigyan nila ako ng papel as my registration certificate, may pirma ko yun at registration number ko. Ok na sana, wala ng problema ng may nakita akong blankong linya sa baba.

"Excuse me, para san 'tong line nato?" Tanong ko ulit dun sa babae.

"Dyan pipirma yung handler mo o yung prof na may hawak sayo sa competition."

"Can I leave it blank?" Tanong ko pa dahil ayokong puntahan pa si Sir. Yuji. Kaya ko to gawin magisa.

"No, you need your prof's permission na lalaban ka. Lahat ng representatives, kasama ang mga prof nila sa araw ng Mathletes."

I'LL BE DAMN.

"Ok lang yan, gusto mo samahan kita sa office ni Sir. Yuji?"

Badtrip. Ang taas pa man din ng pride ko nung nakaharap ko sya tapos lalapitan ko rin pala sya.

"Hindi na, kaya ko naman pumunta dun magisa."

"Sure ka?" Tanong pa nya sakin. Iba expression ng mukha nya, alam ko iniisip nya at NO. Hindi ako kinakabahan na harapin sya ulit.

"Sige, una na ko. Balik nalang ako sa room pagkatapos ko papirmahan to."

"Sige, seeya!" Niyakap pa nya ko bago sya tumakbo pabalik sa room.

Napakamot ulo ako bago magsimulang maglakad sa kabilang building. Ayoko sya harapin, pero ng dahil sa registration paper nato, kailangan.

---

"Registration paper Sir. I need you to sign it. No, mali para wala naman akong galang sakanya nun."

Kanina pa ko nagpapractice ng sasabihin sakanya habang umaakyat ako ng hagdan. Pakiramdam ko never ko pa syang nakausap kung kabahan ako ngayon.

Nasa 5th floor na 'ko at tanaw ko na yung office nya. Kinakabahan ako, what if pagbukas ko na naman ng pinto nya may kahalikan na naman sya at nandun na naman yung Maxine?

Shinake ko yung ulo ko at tinigil lahat ng iniisip ko. Magpapapirma kalang Karlota, sabay sibat.

*Knock.Knock*

"Come in." *Gulp*

Inikot ko yung doorknob at dumungaw sa pinto. Napasecond sight sya ng makita ako sabay tayo nya at hubad ng salaming suot nya.

"Ms. Briones." Seryoso yung mga tingin nya, nanghihina na naman yung mga tuhod ko. Kahit asar ako sakanya, he's still giving me butterflies in my stomach.

Sinarado ko yung pinto at humakbang ng ilan papalapit sa desk nya.

"Um, registration paper for Mathletes Sir. I need your signature as my handler." Iniabot ko sakanya yung papel pero nakatitig padin sya sakin.

"You will still compete?"

"Yes po." Hindi ko sya tinitingnan, ayoko syang tingnan.

He grabbed his pen and he immediately signed the paper. Iniabot nya yun sakin na agad ko namang hinawakan para kunin sakanya pero hindi nya binibitawan.

"You were absent for 2 weeks Ms. Briones."

Yes, and those days were GREAT.

Hinihila ko yung papel pero hindi nya parin binibitawan.

"I'm sorry Sir kung dahil sakin naissue kayo. Hayaan nyo po lalayuan ko na kayo para wala ng isi--"

"Ms. Briones, I'm your proffessor. You can't just keep your distance away from me that easy, I promise I will fix this. But first thing first, you have to trust me."

----

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon