CHAPTER 28

5.2K 166 7
                                    


MATHLETE COMPETITION PART 2

Bumalik ako sa desk ko at seryosong nagaantay ng panibagong tanong.

"Last question for Easy stage: Find two consecutive positive odd numbers, whose product is 35"

I quikly grabbed my pen and solve the equation in 1min. as I press the buzzer.

*BUZZ*

"Yes, again Ms. Briones what's your answer?"

"Since positive odd numbers are required, smaller odd number is x= 5 and the larger odd number is x + 2 = 5 + 2 =7."

"Correct!"

Malakas na palakpakan at sigaw ng pangalan ko ang naririnig ko na naman sa audience pero yung mga mata ko nakatitig sa kalaban kong si Peter. Sinisigawan na naman sya ng handler nya, gusto ko syang sugurin at pagsasampalin yung handler but I can't do that.

"Ms. Briones, Representative of PATSColleges won the first stage and now has 10 points!"

Nagpapalakpakan sakin yung mga audience at binabati naman ng mga professors si Sir. Yuji. I bet they're congratulating him as he did a really good job handling me.

"Oh, Sha mukhang ikaw na mananalo dito, penge computer ah? Hahaha!" Loko talaga tong si Thunder.

Hours has passed, Ako at ang tatlong representatives nalang ang nakatayo sa kanya kanya naming desks. The other 16 finalists including Thunder, they were removed dahil kulang yung points nila para magproceed sa next stage. Yung Peter? He's actually great, nakakatagal sya at pangatlo sya sa pinakamataas na points. Sino yung highest points? Um..ako. I've earned 28 points since the last stage, at isang tanong nalang e matatapos nadin ang gabing to.

"Last question for our top 4 finalists."

Jess, Penny, Thunder, Ms. Lina and Sir. Yuji. Lahat sila nasa harapan at halatang kinakabahan sila para sakin. They never knew na makakaabot ako dito, yung mga classmates ko? Gumawa pa sila ng banner at winawagayway yung apelyido ko. Mga peke talaga, sarap hagisan ng granada e.

"Our topic is about Data Collection."

Date collection??

*GULP*

Hindi pa namin narereview yun, oo nabanggit sakin ni Sir pero hindi pa talaga nya tinuturo sakin yun. If I know yun dapat irereview namin nung kumalat yung issue tungkol samin at nakita kong kahalikan ni Sir si Maxine at umuwi ako. Wala akong alam sa data collection!

*FACEPALM*

I'm doomed. Wala na Karlota uwian na, wala kang alam sa data data collection na yan.

"There are 500 members of the firm and only 25% of the population will be taken for a sample. Below comprise the population of each department. How many members for each department should be included in the sample?"

Sabay sabay nagsitunguan yung tatlong kalaban ko halatang nagsosolve sila, ako? NGANGA.

*BUZZ* Nakita kong yung Peter ang nagbuzzer, natuwa naman ako dahil mukhang sya ang mananalo but...

"122?" Nakangiti pa sya ng magsalita sya sa mic.

"Wrong."

Damn! Peter?! What happened?? Mananalo kana e!

*BUZZ* Yung babaeng nakabrace.

"123?"

"Wrong."

Napatingin ako kay Thunder at sinisenyasan nya ko kung bakit di daw ako nagbabuzzer.

Nagsasign language din ako para sagutin sya pero di nya ko magets. Ang sarap isigaw na HINDI KO ALAM SAGOT! kaso nasa stage pa ko.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon