Chapter 2 - Differences

4.4M 89.2K 94.9K
                                    

Watch the video on the side! Made by Amesyl >>>

Chapter 2 : MHIAMB2 (Differences)

 

"Methamphetamine is a psychostimulant and sympathomimetic dru--"

"Yow zup moo, ano yan?"

Isinara ko agad ang laptop ko nung narinig ko boses ni Jeisz na ginulo naman ang buhok ko saka umupo sa tabi ko, nandito ako ngayon sa South Lounge ng University, dito kasi ako tumatambay mag-isa pag-nagre-research.

Kaya dito agad ako dumerecho pagkagaling ko sa office ni Prof. Lim, at yung mga huling sinabi nya kanina bago ako lumabas ng office

"Sa monday na yung meeting at hindi pwedeng malaman ng iba ang tungkol sa gagawin mong pag-kumbinsi sa panel at owner ng Roswell Company, full scholarship mo nakasalalay dito Miss Romero is that clear?"

"Ok po! Hehe!"

Scholarship ko nakasalalay, pag nawala yon hindi ko na matatapos ang College T.T

Kaya kailangan mag-ingat akong mabuti sa mga gagawin kong research, tama tama *tango*tango*

"Moo? Ok ka lang?"

Biglang bumalik ang diwa ko nung magsalita si Jeisz, nakita kong kinuha nya ang itouch nya saka nag-suot ng earphones, wait ano nga tanong nya?

"Huh?  Bakit moo may nangyari ba sakin?"

"...."

Waaa bakit hindi nagsasalita si Jeisz? Tinignan ko naman ang sarili ko, ok naman ako, teka.. Nakikita ba nya ko? May nangyari ba? Hala.. Di kaya habang nag-iisip ako nahulog ako tapos namatay ako, waaaa kaluluwa nalang ba ako?

"Waaaa anong nangyari moo? May nangyari ba saken? Ok lang ba ako moo?!" tarantang tanong ko

"...."

Bakit hindi nya ako sinasagot!?! Ano ba talaga nangyari sakin? Di kaya tinamaan ako ng ligaw na bala kanina? O kaya ng kidlat? Pero imposible, wal namang ulan kanina eh Di kaya bumalik si Ondoy tapos ako lang yung sinalanta?

Di man lang ako nakapag-paalaam ng maayos sa mga mahal ko sa buhay.

E pero wait bakit wala pa akong nakikitang puting ilaw na kailangan kong pasukan?

Huhuhu sa impyerno pa ata ang bagsak ko

"Huhuhuhuhuhuhu!!!"

"Moo? Moo ok ka lang ba? Sh*t bakit ka umiiyak?" Jeisz. Hinipo nya ang noo ko sabay punas ng luha ko.

 *kusot mata*

"Moo nakikita mo na ko? Waaaa huhuhu namatay ka na din moo? Anong kinamatay mo? Tara na hanapin na natin ang puting ilaw."

"Hahahaha! Ang layo nanaman ng nilipad ng imagination mo, moo! Hahahaha!" sabi nya na malapit ng mamatay kakatawa saka ginulo ang buhok ko.

Pinunasan ko agad ang mga luha ko, nakakainis napahiya nanaman ako? Akala ko talaga kaluluwa na ko eh. Pero mas nakakaiyak kung pano nya nasabi na lumipad yung imagination ko, eh wala namang pakpak yun. Fairy kaya yung imagination ko? 

Nung maka-recover sya sa pagtawa ay nagtanong naman sya, "Kumain ka na ba moo?"

"Hehe, syempre hindi pa, may sine-search pa kasi ako eh."

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon