Chapter 7: Harana

305K 10.3K 2.5K
                                    


Nate's Point of View


"Nagdadamdam ka pa noong nakaraan kung bakit hindi nagalit sa 'yo si Tamara. O, ano na ngayon? Ginusto mo 'to, ipapaalala ko lang sa 'yo."


Parang siraulo talaga 'tong si Warren. Malamang natutuwa ako na nagalit si Tammy. Mukha lang akong namromroblema para kunyari damay damay kaming tatlo pero ang totoo parang nagpaparty na ang kalooban ko.

Mas gugustuhin ko talagang nagalit siya. Kasi kung hindi siya magalit ibig sabihin walang pakialam si Tammy na nag night out kami, ibig sabihin wala rin siyang pakialam sa akin. Pero dahil hindi niya ako pinapansin at mukhang galit siya, ibig sabihin acting lang 'yung nangyari noong isang gabi. Ibig sabihin may pakialam talaga siya.

Nice one, poging Nate! Nararamdaman ko konti na lang. Konti na lang mapapasagot ko rin si Tammy. Nagpapakadalagang pilipina lang siya pero bibigay din siya. Konting tulak pa.


"Kasalanan mo 'to, Tito Ry, eh. Dapat hindi mo na lang kami inaya." Si Warren talaga hanap ng hanap ng masisisi.

"Bakit ako? Kayo kaya! Sinabihan ko kayong ayain niyo sila pero hindi niyo naman ginawa. At nandito na naman kayo sa No Name. Nagpaalam na ba kayo sa kanila?"

"Paano kami magpapaalam eh mga galit nga."


Aaminin ko na. Nakakatakot din pala na galit sila. Hindi lang isa ang galit sa amin kundi lahat sila. Maski si Hails at Pipes hindi ako pinapansin. Nakakailang tawag na ako kay Pipes pero hindi naman sumasagot. Binabato ko na rin ng kung anu-ano ang bintana niya pero hindi naman niya binubuksan.

Uso siguro 'yon. Kapag galit ang isa, galit ang lahat.


"Sa halip na magmukmok kayo dito, kung ako sa inyo bumawi na lang kayo. Nasasayang lang mga oras niyo para namang magkakaayos kayo kapag nagsisihan kayo dito."


Tumayo ako at pumalakpak saka tinuro si Tito Ry. "Tama! Tama! Kailangan na natin kumilos. Wala tayong mapapala dito. Kailangan natin magpakita ng effort para maipakita na nagsosorry talaga tayo."


"Paano?" tanong ni Warren.

"Suyuin natin sila. Kahit anong panunuyo." Tumango-tango siya sa suggestion ko. Napatingin naman ako kay Guevarra na nasa isang sulok lang at umiinom. "Ikaw, Guevarra, anong tingin mo?"


Umiling siya, "I don't owe her any explanation naman daw," sagot niya at uminom ulit.

Nako. Sinasabi ko na nga ba. Dinamdam niya 'yon eh.


"May point naman si Piper, Hunter," sagot ni Warren at tinapik si Guevarra sa likod. "Hindi naman kayo 'di ba?"


Sinuntok ko sa braso si Warren kaya tiningnan niya ako ng masama. Dapat lang naman sa kaniya 'yon. Pinapamukha pa kasi kay Guevarra 'yung sinabi ni Pipes.


"Huwag mo ngang pinapakinggan 'tong si Warren. Alam mo, Guevarra, sinabi lang niya 'yon kasi naiinis siya sa 'yo. Kasi ang akala niya namimigay ka ng number sa ibang babae. Naiinis siya kaya ang ibig sabihin no'n, ayaw niyang binibigay mo ang number mo sa iba. Kaya kung gusto mong mag-usap na ulit kayo, kausapin mo siya at magpaliwanag ka. Hindi 'yung sinasabayan mo pa ang inis niya."

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon