CHAPTER 29

5.5K 155 2
                                    


Kinabukasan, ang ganda ganda ng gising ko, knowing na may nagawa akong mabuti sa kapwa ko kagabi. I wonder kung gaano kaexcited yung mga kaklase nya na gamitin yung mga computers.

"KARLOTA! BUMABA KA DITO GUSTO KA MAKAUSAP NI MAMA AT PAPA!"

Ayoko! Ang sarap sarap ng tulog ko e! Nagtalukbong ako ng kumot pero mayamaya naramdaman kong may humihila sa paa ko.

"AHH!! RAVEN BUMITAW KA NGA! ANO BA!"

"SUMIGAW NA KO AYAW MO PA BUMABA!"

"ETO NA! ETO NA! BABABA NA! BUMITAW KA MUNA!"

Pagkasabi ko nun, binitawan nya ko agad. Nakita ko pa syang ngumisi bago sya bumalik sa kwarto nya ng batuhin ko sya ng unan pero nasalo nya.

Ano kaba naman Karlota, mamamato ka nalang unan pa?

Agad akong bumaba sa sala at humarap sa desktop. Nagtatali ako ng buhok ng makita ko na sila Mama at Papa sa monitor.

"Hi Ma, Hi Pa." Nakangiti kong bati sakanila.

"Oh, talaga naman ang panganay ko dalaginding na. May dibdib kana oh!" Sabi ni Mama habang tinuturo turo yung dibdib ko.

"MA! Nandyan si Papa oh! Kayo talaga." Sabi ko naman habang tinatakpan ng unan ng sofa yung dibdib ko.

"Balita ko anak nanalo ka sa quiz bee?" Tanong naman ng gwapong gwapo kong Ama.

"Opo Pa, Mathlete po tawag dun. May medal nga po ako e, ito po oh." Hawak hawak ko pa yung medal ko sa harap ng monitor.

"Ang tali-talino talaga ng anak ko, mana ka talaga sa nanay mo." Sabi naman ng Mama ko.

"Anong sayo? Sa akin nagmana yang bata na yan." Apela naman ni Papa.

"Sa akin nagmana si Karlota, sayo si Raven dahil matigas ulo nun."

"Sayo nagmana si Raven, ikaw tong matigas ulo saten." Sagot naman ni Papa.

Nagtatalo na naman sila, akala mo talaga mga bata e. Kumakain ako ng cake habang pinapanood ko sila sa monitor na nagtatalo, mga magulang ko talaga alam ko namang maganda ako pero kailan ba talaga pag-agawan ako? Charot.

"Ma, Pa nagaaway na naman kayo."

Biglang tumingin sakin si Mama at tinitigan ako.

"Anak, sa relasyon talaga dapat may away. Pag wala away na nagaganap, hindi healthy ang RELASYON nyo."

Nagcrossed arms naman si Mama sakin.

"Oh, bat nyo ko tinititigan ng ganyan?"

"Balita ko may boyfriend kana."

Nanlaki naman mata ko sa sinabi ni Mama.

"San nyo naman nalaman yan Ma? Kay Raven no? HOY RAVEN! BUMABA KA NGA DITO!" Sigaw ko pa. Kahit kailan talaga ang daldal ng mokong na yun.

"Karlota, kababae mong tao sigaw kanang sigaw. Bakit ka nagagalit na sinasabi ni Raven ang tungkol dun? Totoo ano?"

"Maaaa, wala akong boyfriend!" Naghahandgesture pa ko sa harap ng monitor. Kakalbuhin ko si Raven mamaya.

"Kung wala kang boyfriend bakit ka nagkulong ng halos tatlong linggo dyan sa bahay?"

Tatlong linggo?

"Ma, over? Tatlong linggo agad? Dalawa lang Ma."

"KARLOTA!"

Ayan, ayan na. Sumisigaw na yan, mamaya dead on arrival ako sa mga sermon nyan ni Mama. Raven! You are so dead!

"Ma! Wala akong boyfriend! Atsaka dalawang linggo lang yun, nastress lang ako sa school that's all. Yang anak nyong si Raven, magsusumbong nalang sala sala pa impormasyon."

"So, totoo nga."

"Totoo ang alin na naman Ma?"

"Na buntis ka."

WHAT?!

"Ma! Mukha ba akong buntis sa paningin nyo?" Tinaas ko pa yung tshirt ko para makita ni Mama yung tyan ko. Tinaasan naman nya ko ng kilay.

Sinilip ko yung tyan ko at kakakain ko nga lang pala ng cake kaya busog na busog ako at ang laki ng tyan ko.

"Ma! Bilbil yan, hindi ako buntis pramis!"

"E bakit ka kain ng kain nung nakaraang araw? Ikaw Karlota, oo nagaantay kami ng apo pero bata kapa!"

ANAK NG.

"Osha pahinging pregnancy test Ma, magtetest ako sa harapan nyo para maniwala kayo."

Ngumuso naman si Mama, that means napapaniwala ko na sya.

"Oo na naniniwala na ko, pero isang beses na malaman kong buntis ka, wag kanang magpapakita saken. Malinaw?"

I rolled my eyes.

"Opo. Sige na Ma, anong oras na kailangan ko na magayos papasok pa ko."

Tong umaga nato parang hindi ko man lang naramdaman na proud sila sakin dahil nanalo ako sa Mathletes. Tss.

Nagbabye ako kay Mama at pinatay na yung desktop. Umakyat agad ako sa kwarto ko para maligo at magbihis. Habang nagaayos, biglang pumasok sa isip ko yung nagyakapan si Sir. Yuji at Ms. Lina. Kung tutuusin, wala ni isang hug akong natanggap sakanya kagabi. Si Ms. Lina may congratulatory hug, ako wala?!

Pagkatapos ko magayos sumibat na agad ako. Ayokong makita si Raven baka mapatay ko pa dahil sa kasusumbong nya kila Mama, mali mali naman.

Pagdating ko sa campus, lahat binabati ako ng 'Goodmorning Charlotte' ng mga nakakasalubong ko with a big smiles on their faces. Sarap sabihin na 'Wow, bait natin ngayon ah? Parang nung isang araw hindi nyo ko pinandidirian.'

"SHAAAASHA!" Papasok na ko ng building ng may marinig akong tumatawag ng pangalan ko at isang tao lang naman ang alam kong tumatawag sakin ng ganun.

Humarap ako sa likudan ko at sabay yakap nya sakin.

"Oy! Anong ginagawa mo dito?" Nagpupumiglas ako habang niyayakap nya padin ako. Makayakap naman parang hindi kami magkasama kagabi sa Mathlete Competition.

"Grabe naman parang hindi mo ko namiss." *Puppy eyes*

"Hindi talaga kita namiss! Magkasama tayo kagabi eh, anong ginagawa mo dito?"

Napatingin ako sakanya mula ulo hanggang paa ng may napansin akong ibang bagay sakanya.

"Thunder, hindi ko alam kung replika yan o talagang nakasuot kanang uniform namin."

Nagcrossed arms ako sakanya at nagaantay ng explaination.

"Yep! Dito na ko magaaral! Hahaha!"

ANO?

"Pinagsasabi mo?"

"Diba may plano tayo? Sa tingin mo magagawa natin yun kung nasa ibang school ako?"

"Paano ka naman nakalipat e kalagitnaan ng sem ngayon? Don't tell me.."

Unti unting nagcurve yung mga bibig nya ngumiti sya ng malaki sakin.

"Member ng School board si Mama sa campus nyo remember? Konting lambing ko lang at TADA! Nasa iisang school na tayo Sha!"

Ba't parang ako lang ata ang hindi masaya sa good news nya? Kilala ko yan si Thunder, maloko yan.

"Tama na usap usap, halika na malalate na tayo."

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papasok ng building.

"Anong malalate na TAYO?"

"Haha Sha kanina kapa tanong ng tanong, nagpalipat na ko lahat lahat sa eskwelahan nyo tingin mo hindi ko pa lulubos lubusin na maging magkaklase tayo?"

"M-magkaklase tayo?!"

"Yes! Isn't it great!?"

Hindi na ko makapagsalita at dire diretso na nya kong hinila paakyat ng hagdan papunta sa room namin. Thunder, Sir. Yuji and I in the same class, this is not good.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon